" Huwag kang makinig sa kanila anak, hindi lahat ng lalake ay manloloko. Kaya 'wag mo nang iiwas ang iyong sariling umibig. Dahil kahit anong gawin mong pag- iwas, mahuhuli't- mahuhuli ka niya."
Agad akong napabalikwas ng bangon pagkatapos ng sinabing 'yun ni mama. Bakit kaya nag paramdam si mama?
'Di bale na nga dadalawin ko nlng sila mamaya ni papa.Bumangon na ako atsaka pumunta na ang banyo.
Ako nga pala si Trisha Caye Nicole Ford o mas kilala bilang Shane. Nag aaral ako sa Smith High. Ako ay 17 years old. Three years na simula noong namatay si Mama sa sakit na Lukemia. Hindi matanggap ni papa kaya tinablan din siya ng sakit kalaunan. Sanay na akong mag-isa. Nag tatrabaho ako bilang waitress sa isang cafe na siyang bumubuhay saakin.
Pagkatapos kong maligo ay dumretso na ako sa karinderya upang kumain ng agahan.
"Magandang umaga po Aleng Melia!"
Suki na ako dito sa karinderyang to dahil tuwing umaga dito ako kumakain."Magandang umaga din sa'yo Shane!. Oh! Anong sayo?"-tanong niya
"Itlog nalang po tsaka kanin Aleng Melia". Sabi ko ng naka ngiti.
"Oh sige hintayin mo nalang."
Nag hanap ako ng mauupan. Para ko naring ikalawang nanay si Aleng Melia. Siya din yung nagbabantay ng bahay namin kapag nasa school ako.
"Oh, eto na hija."
"Salamat po Aleng Melia."
"Sige na kain ka na diyan at aasikasuhin ko pa ang mga costumer ko ha?"
"Sige po Aleng Melia",Nang matapos ko ng kumain ay inilagay ko na ito sa lababo.
"Aleng Melia, una na po ako!"
"Sige Shane, mag-iingat ka palagi ha?"
"Sige po".Nag lakad na ako papuntang eskwelahan. Tutal malapit lang naman yun dito. Pagkapasok ko ng gate ay biglang nag ring na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase. Binilisan ko ang aking paglalakad at agad akong nakarating sa room ko.
~~~~~~~~~~
*Kriiiiiiiiiiiiiiiing*.Yes! Lunch break na! Dali-dali akong pumunta sa cafeteria. Kita ko na agad ang bestfriend kong kumakaway sa pintuan na si Mark Limparo.
"Mark! Ba't ang panget mo ngayon?"
"Shane naman! Papa check-up ko na talaga yang mata mo!"
"Haha. 'Wag ka namang highblood. Pero pangit ka pa din!. Sige na pumila ka na dun!" Sabi ko ng tumatawa
"Tss"Si Mark Limparo ay kilala bilang heartthrob dito sa school namin. Ewan ko ba diyan sa mga babaeng yan. Ang pangit pangit naman ni Mark bakit kaya sila nagkaka gusto dun?
"Oh! Ayan na! Kala mo kung sinong maganda!" Sabi niya habang hindi maipinta ang kaniyang mukha.
"Hahaha salamat bestfriend!".Nagsimula na kaming kumain. Nang biglang nagtilian ang mga babae.
"Kyaaa! Andyan na sila!!!!"
"Kyaaaaah! Ang gwapo ni Dave!"
"Draveyn! Anakan mo 'ko!!""Tss andyan na naman silang dalawa." Sabi ni Mark ng nakasimangot.
"Aminin mo na kasi Mark na mas gwapo silang dalawa saiyo."
"Gwapo?! Silang dalawa?! Nako talaga! May diperensya na nga talaga ang mata mo!"
"Ang O.A mo ha?"Bumalik na kami sa pagkain. Sila nga pala sina Dave Magbanua at Draveyn Magbanua o mas kilalang D Brothers. Sila ang may ari ng skwelahang ito. Gwapo sila. Kaya kapag andito sila sa campus ang mga babae ay nagmimistulang mga kiti-kiti.
Maya-maya pa ay may lumapit sa table namin na isang lalaki.
"Hi Shane. Pwede bang manligaw?"
"Hay nako Neon! 'Wag ka nang umasang papayagan ka pa ni Shane na manligaw ka sa kanya." Ani ni Mark.
"Hoy! Ikaw talaga!. Pero pasensya na Neon. Ayoko pa talagang pumasok sa mga ganyan-ganyan eh. Pasensya na talag Neon ha? Sana maintindihan mo.""Ah. Ganun ba Shane? Sige hihintayin nalang kita." Sabi ni Neon ng malungkot.
"Sorry talaga Neon ha?"
"Wala lang yun Shane. Sige una na ako. Mark una na ko."
Tiningnan namin siya ni Mark habang siya ay paalis
"Hoy Shane! 17 kana. Bakit ayaw mo paring mag boyfriend?"
"Eh kasi natatakot akong masaktan tulad nung mga classmate kong babae na iniwan ng boyfriend nila. Ayoko matulad sa kanila."
"Shane, pag nagmamahal ka kasi hindi mo talaga maiiwasang masaktan. Kaya kapag nag mahal ka huwag mong ibigay lahat ng pagmamahal mo sa kanya mag tira ka ng para sa sarili mo."- Mark.
"Pero ayoko pa talaga. Natatakot talaga ako. Baka hindi ko kayanin kapag nasaktan ako."- ako
"Sus! Bahala ka na nga!. Edi huwag. Kumain na nga tayo malapit ng mag bell."
"Sige".
Maya-maya pa ay nag bell na.
"Shane hatid na kita." Sabi ni Mark.
"Sige".Huminto kami sa tapat ng pintuan ng room ko.
"Sige pasok na ako Mark ha?."
"Sige, mag-iingat ka mahal na mahal pa naman kita."
"Ha? Ano yun?"
"Wala. Sige pumasok ka na. Bye!" Sabi niya habang tumatakbo.
"Ano kaya yun? Bahala na nga."~~~~~£££~~~~~~
Hay salamat hahahahaha

BINABASA MO ANG
Happily Ever After
Fiksi RemajaHindi lahat ng nakikita, naririnig, nababasa, o nararamdaman ay totoo. Maaaring mayroon pang ibang kahulugan ito. ~~~~~£££~~~~~ May 01, 2016