Chapter 12

101 5 1
                                    

Kayli's POV

Papunta ako ngayon sa cafeteria. Wala akong natutunan kanina kase lutang yung isip ko hindi ko na nga rin naisip na katabi ko pala si Mr. Bully. Kahit sino sa kanila hindi ko pinapansin. Kailangan ko lang magisa ngayon

"Best friend ok ka lang?"tanong ni JV habang naglalakad kami papuntang cafeteria

"Oo nga besty!! Ano bang nangyare?"tanong nqmqn ni Emily pero hindi ko sila sinasagot

"Kayri ok ka lang ba talaga?"tanong naman ni steven pero lutang talaga yung isip ko gusto kong mapagisa

Umupo lang ako sa table ng sweet badboy. Kahit alokin nila ako ng pagkain hindi parin ako nagsasalita o kumakain simula kagabi hindi pa ako kumakain kahit kaninang umaga wala talaga akong gana

"Ano ba ginagawa na nga nila lahat para pansinin mo sila ganyan kapa!!"sambit naman ni nathan pero hindi ko lang sya pinansin ayoko na ng gulo "Masyado kang paimportante hindi ka naman importante eh!!"

"Manghusga ka, manlait ka, manira ka. Hayaan lang kita......Pero ang tanong........MALINIS KA BA? PERPEKTO KA BA?"sambit ko hindi ko na mapigilan na umiyak dahil sa galit at sakit kaya lahat ng nasa cafeteria nagsilapitan para makichismis

"Sino bang nagsabing perpekto ako sino rin bang nagsabi na malinis ako?"sarcastic nyang tanong. Hindi ko na napigilan na maiyak

"LAHAT NG PANGHUHUSGA MO SAKIN, SA LAHAT NG PANGLALAIT MO SAKIN, SA LAHAT LAHAT NG GINAWA MO HINAYAAN LANG KITA LAHAT LAHAT NA BUMALIK NA PATI ALA ALA NA MATAGAL KO NANG BINAON..........YUNG ALA ALA NA HINDI KO MAKALIMUTAN!!"sigaw ko wala na akong pakialam kase gusto na talagang ilabas yung galit na nararamdaman ko "Kaya once is enough!!"

Tumakbo ako palayo doon. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta hindi ko na mapigilan na humagulgol sa sakit. Ang hirap nyang intindihin. Hindi nya alam kung gaano kasakit yung mga salitang sinabi nya nakakainis!!

Palagi ko nalang sinasalo lahat ng pangbubully nya. Nakakainis lahat lahat nalang sinubukan ko naman na initindihin sya eh

Umiyak na ako ng umiyak habang nakaupo sa gitna ng field ng bigla namang bumuhos ng napakalakas na ulan kaya dinama ko nalang ito humiga ako tsaka patuloy parin sa pagiyak

Kung nandito kaya si papa hindi ako umiiyak, hindi ako nasasaktan, hindi ako nalulungkot paano kung isang araw bigla syang bumalik ano ang gagawin ko?

'Hoy wag mo ng balikan ang nakaraan past is past' sa isip ko. Tama ka hindi ko na pa kailangan na isipin pa sya

Ang sarap sa pakiramdam na may karamay pa pala ako kahit na ulan lang ok na basta may nakakaintindi pa sakin basta may dumadamay sakin

Minulat ko ang mata ko. Gabi na rin kaya tumayo na ako para umuwi maglalakad na lang siguro ako hindi naman ganon kalayo yung bahay namin tsaka para mas lalo kong madama yung napakalakas na ulan

Habang naglalakad ako parang may sumusunod na kotse sakin tinignan ko mukha namang hindi nya ako sinusundan masyadong maganda yung kotse nya para sundan ako. Nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad

*beep beep*

Bumusina sya pero hindi ko naman tinignan kasi nasa gilid naman ako ng kalasada para businahin nya ako no masapak ko pa yan

Naglakad nalang ako pero para talagang sinusundan ako ng ungas eh!! Mas binilisan ako ang takbo kaya binilisan nya din yung pagpapatakbo para mapantayan ako. Huminto ako at huminto din sya nilapitan ko sya tsaka kinatok yung bintana ng kotse nya pero hindi parin nya binababa

"Hoy!! sinusundan mo ba ako?😡"sigaw ko pero hindi parin sya nagsasalita. Yan tuloy nakaramdam ako ng lamig kase bumuhos ng napakalakas at humangin pa. Hinawakan ko ang magkabilang braso ko na para bang nilalamig

Pretending To Be A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon