Prologue

28 4 0
                                    


The Adviser: Prologue

A's POV

Good morning! Isang napakagandang umaga para sa land of Enova. Hindi ako taga-rito sadyang dito lang ako lagi dinadala ng mga paa ko sa tuwing mag hahanap ako ng kakainan. Time check: 9:33 am. Alas-NINE!!!? Pero di pa rin ako nag aalmusal kaya pala nag rereklamo na ung tiyan ko kanina pa sa daan eh.

'Dine in Enova' Ayun! Mukhang masarap dun!

Pag pasok sa maliit na restaurant na Dine in Enova ay nakita ko agad ang counter kung saan may isang babaeng nakatayo, naka- hair net, itim na pantaloon at puting polo shirt kung saan naka-pin ang plate name nya sa bandang dibdib 'Rachel De Ocampo', ang pangalan nya. At sa likod ni Rachel, sa bandang taas ay ang kanilang menu for the day.

"Good Morning sir!" bati ni Rachel ng makalapit na ako sa counter.

"Good Morning!" tugon ko naman sa kanya.

"What would you like to order sir?" tanong niya, habang nakatayo ng diretso.

"Kape lang miss, tiyaka isang sandwich. Yung BEST nyo ah!" sagot ko naman sabay ngiti.

"Okay sir, coming up!" masiglang tugon nito.

Ako naman ay umupo sa malapit sa counter. Napakaganda talaga ng lugar na ito kahit di ganun kaunlad, simple lang pero makikita mong masayahin ang mga tao dito sa Enova, tulad na lang ni Rachel dito sa Dine in.

Pero isang babae ang tila babasag ng mood ng view ng araw na 'to. Isang babae na mukhang papasok din dito sa Dine In. Kung gayon ay di ko hahayaan na umalis ako dito ng may umiiyak na babae sa harap ko.

Umupo siya sa kabilang dulo ng shop pero opposite sa side ko, malapit sya sa pintuan pero nakatalikod sa labas. Pabagsak ang upo nito sabay hawak sa ulo niya. Sa puntong ito ay di pa naman sya umiiyak pero halata sa mukha nya na may pinag dadaanan sya. Lumapit ako sa kanya.

"Hello miss..." bati ko bago pa man ako makaupo.

"Hello..." sumagot naman siya kahit di niya ako nilingon. Pinatunayan ng boses nya na may problema sya dahil wala itong buhay at napaka blanko.

"Anong pangalan mo?" tanong ko habang tinititigan siyang mabuti.

"BAKIT?" oops, mukhang mali yata ang una kong tanong, nag- iba agad ang aura nya at ang tono ng boses.

"ahmm... wala naman" teka san nanggaling yun?

"Wala lang!?" 'yun na nga sinasabi ko eh. Bumagsak ang kanyang mga kamay na nag tatakip sa mukha nya at tumingin sa akin at mukhang isa pang maling salitang lalabas sa bibig ko ay sasampalin nya ako o 'di naman kaya ay mag wawala 'to.

"Huwag kang mag-alala, 'di ka iiwan non, mahal ka niya sadyang kailangan niyo lang ng space, panandalian huwag kayo mag usap, pero sure ako magiging okay din kayo." Mukhang nagulat siya sa sinabi ko dahil natulala siya at unti-unting nang lalambot.

"Pa- pano mo na---??" Mag tatanong sana siya nang bigla akong tumayo para kuhain kay Rachel ung order ko na sa pagkakatong ito ay nasa tabi ko na dala ang tray ng kape at sandwich ko.

"O heto mag kape ka muna at kumain miss," mag tatanong pa sana uli siya ng sumingit ulit ako "Huwag ka mag-alala, bayad na yan. Diba Rachel?"

"Ahh o-opo!" sagot ni Rachel na tila nagulat pa sa pag taas ko ng boses.

'Di ko na inantay na mag-salita pa yung babae at naglakad na ako palabas ng resto. "Mahal ka non at huwag ka mag-alala, 'di ka naman Niya pababayaan" sabay tingin sa langit.

Hindi ako sigurado kung nakikinig siya pero alam ko naririning niya ako, dahil bago ko tuluyang sumara ang pinto ay narinig kong humagulgol yung babae.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The AdviserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon