"The Perfect 10"

23 0 0
                                    

*Princess*

"Tara na yung perfect 10 na"

"OMG! Si kyle! WHAAAA KYAAAA~!!!!"

"Yung perfect 10 na tara na!"

"KYAAAAA! PERFECT 10!"

"WHAAA Perfect na perfect talaga sila. The best sila. Mga pogi at magaganda tara na friend panoorin na natin"

Iyan lang naman ang mga tilian at sigawan na naririnig ko. Sad to say! Nasa labas lang naman ako ng isang malaking Coliseum. Nang dahil sa katangahan ng lelang niyo naiwan ko yung ticket na para dito sa concert na to. Huhuhuhuhu kaazar talaga. Paano ko nalang susuportahan si Angel mylabs? Baka hanapin ako nun baka hindi siya makasayaw ng maayos. Huhuhuhuhu ang feeler ko talaga. pero anong gagawin ko? Kaazar naman oh! Napaupo nalang ako sa sahig.

"Nakakainis" sabi ko sabay padyak

Bakit kasi kailangan ko pa maiwan yung concert ticket?

Sa dinami dami ba naman ng bagay yung ticket pa talaga? Pwede naman yung panty ko yun naiwan o kaya naman yung bra. Mas tanggap ko pa kesa sa concert ticket! Ticket yun! Uyy. Ticket yun. Libre na ngalang sinayang ko pa.

Lord! Why did you did this things to me? Ayy tama ba english ko? Hahahaha. Shut up nalang kayo.

Halos lahat nag-hihiyawan na sa loob.

"Sige mainggit pa! Enjoy kayo eh no? Samantalang ako parang nagluluksa dito" sabi ko sa sarili ko

Nagmumukha na akong baliw dito. E kasi naman yung concert ticket.

Napag-isipan ko maglakad lakad nalang
kesa naman tumunganga ako dun mamaya mabaliw pa ko mental dala ko. Pero hindi pa din maalis sa isip ko yung concert ticket no. Paano ba naman from Antipolo to Cubao? Yung tinakbo ko makarating lang sa concert ng my evaahh bff ko! Ni hindi man lang ako nakapasok? O kahit naka tikim ng aircon ng coliseum na ito? Huhuhuhuhu kaazar talaga T.T ansarap i hashtag yung Hashtag-Katangahan-Ni-Princess-Pinapairal-Kahit-Kailan-!!!
Bigla nalang lumiwanag ang mata ko ng may makita akong CONCERT TICKET. WHAAAAA~ KYAAA~ TOTOO BA TO? WHAAAAA! OHMYGEED. THIS IS IT LANGIT! Concert ticket kahit na upper bucket lang siya ayos lang ang importante masilayan ko ang aking bff. Yieeeh! Hehehehe nag-isip ako ng paraan kung paano kunin yung concert ticket sa kamay nung lalaking mataba.

At wala pang 123456789 Years ay nakapag-isip na ang lelang nyo.

Yieehh! Sana tumalab to. Magpapaka snatcher (slash) Flash muna ko. Hihihih ang desperada ko naman talaga. para lang makuha ko yung concert ticket na yun gagawin ko eto eh no? amfufu ko talaga.

Lumapit ako kay kuyang mataba. Oh kikilos ka? Gagalaw ka? Holdap to kuya? Hahahaha. Ansarap sabihin kaso baka bigwasin ako neto talo yung katawan kong palito.

"Hi kuya?" Sabi ko sabay kaway

Kapalan mo na mukha mo princess. Kapalan mo na. Yung tipong mas makapal pa sa novela at librong binabasa mo.

Nilunok ko na lahat ng hiya ko makuha lang talaga yung ticket na yun. HUHUHUHUHU T.T

"Anong kailangan mo?" Masungit niyang tanong

Yung ticket kuya! Yung ticket yung kailangan ko. IBIGAY MO NA BEYBE! HUHUHHU T.T

"Umm. Hahahah!" Sabi ko sabay kamot ulo

Princess mag-isip ka! Focus kung anong magandang dahilan? Princess isip lang. Kaya mo yan girl!

"Ah ano- ano kasi kuya?" Tanong ko

Anobeyen. Nakakainis nauutal ako na ewan! Paano ba kasi? Paano ba magdahilan na mapapaniwala mo siya ng bongga bongga? Huhuhuhuhu T.T

Mas lalo pang kumunot ang noo niya. Hala sige kuya kunot pa. Hanggang mapunit mukha mo kunutin mo pa hahahahaha tsinelasin kita dyan kuya eh!

Dance PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon