Endless Love

3 0 0
                                    

Endless Love

Kristine's Pov,,

Nakakainis! Para naman wala akong kwenta dito -.-

"Babe! Bakit ganyan ung itsura mo? Ayaw mo na ba dito sa hospital?" sabi ni Lance. Babe ko yan! Napaka gwapo tapos caring pa, responsable, Basta nasa kanya na lahat ng gusto ko!

"Eh kasi para naman akong nakakulong. Wala akong ginagawa. Pabigat pa ako dahil sa pesteng sakit na toh!!" inis na sabi ko. Eh kasi naman! Ng dahil sa Puso ko nangangayayat nako! Tapos naghahanap sila ng donor ng puso! May mag dodonate ba ng puso?!

"Babe, alam mo naman na bawal kang lumabas dba? Kasi di ka makakatayo ng maayos. Dahil--"

"Excuse me. Pede ko bang icheck saglit si Tin?" sabi ni Doc.

"Sure doc. Pero please doc dapat nandito si Lance." sabi ko. Pumayag naman sya.

"Okay naman ang lagay mo. So.. Pakausap muna sa boyfriend mo ineng ha." sabi ni Doc.

"Basta ba doc ibabalik mo sakin si Babe eh okay na okay. Huwag nyo po yan papabayaan ah. Mahal na mahal ko yan!" sabi ko. Napatango na lng si Doc habang tumatawa.

Matutulog muna ako. Inaantok na din naman ako.

---------

Lance's Pov,,

"Hindi talaga okay si Kristine. May taning na ang buhay nya." -Doc. Bakit ganun? Bakit sya pa talaga ung kelangan makaranas ng ganun?

"Pero doc mukha naman syang malakas eh. Nagagawa nya pa nga magbiro." sabi ko. Eh totoo naman un. Malakas sya. Kaya namin toh.

"Baka tinatago nya lng ung sakit na un. Baka ayaw ka nyang mahirapan ng husto. Lumala na ung butas sa puso nya. Mga 2 weeks or maybe one week na lng. Sigurado naman akong nahihirapan na sya eh. Di ko lng sinabi sakanya kasi ayokong magulat sya. Mas makakalala pa yun. Un lng ang iinform ko sayo. Kelangan niyo na ng donor." sabi ni Doc. Kanina pa pigil ung luha ko dito kasi di ko na alam ung gagwin ko. Kung susuko ako sa paghahanap... Pano naman ung babaeng gusto kong makasama habang buhay? Paano naman sya?

"S-sige po doc. Puntahan ko na po sya. Baka hinahanap nako nun." sabi ko... Ano ng gagawin ko? Bukas maghahanap ako ng buong araw. Bakit ko papala ipapabukas kung pwede namang ngayon na.

Pagkapasok ko sa room nya. Tulog na tulog sya. Ayokong makita syang ganyan ka himbing ang tulog nya. Feeling ko iniiwan na nya ko.

"Babe,, Mahal na mahal kita. Hahanap na ako ng donor ah. Papabantay na lng kita sa kuya mo. Lakasan mo pa ung loob mo ah. Wag mo muna akong iiwan. Mahal na mahal na mahal kita babe. Pero kelangan ko ng umalis. Kasi maghahanap pa ako ng donor." sabi ko sakanya. Pero tulog pa rin sya. Kiniss ko ung Forehead nya tsaka ako lumabas ng room.

[Ringiiing....]

"Hello dude. Pede ba ikaw muna magbantay kay Babe? Ako na lng po muna ung maghahanap." sabi ko.

[Ah.. Sige. OTW na rin naman ako dyan. Hintayin mo na lng ako sa labas ng Hospital."]

"Ahh. Sige. Thank you dude ah."

["Ano ka ba. Syempre kapatid ko yan noh. babantayan ko pa din yan."]

"Sige.. Bye na Dude." tapos nun binaba ko na. Pumunta muna ako ng Chapel dito. Sa ngayon kelangan ko ng gabay nya.

"Papa God alam ko pong hindi ako mabuting tao. Parang andito lng po ako lagi pag kelangan ko kayo. Pero sana po gabayan nyo po ako sa gagawin ko.... Wag nyo po munang kunin si Kristine. Papakasalan ko pa po yan eh. Gusto ko pa po syang iharap sainyo. Tulungan nyo naman po akong makahanap ng donor. Wag nyo po muna sya kunin ah.. Maghahanap lng po ako ng puso nya... Sige po aalis napo ako. Maraming salamat po." panalangin ko sakanya. Kasi sa ngayon sya lng talaga ang pedeng makatulong sakin na kahit konti.. Kahit iextend nya muna ung buhay ng mahal ko...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 21, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon