Chapter 3

27 3 0
                                    

Nakakaamazed naman talaga ang bahay nina Mrs. Villena. Mukha syang palasyo. Sobrang lawak ng entrada at ang living room, kasya siguro ang 200 na tao. Hindi naman sa pagiging bano pero ngayon lang kasi ako nakapasok sa bahay na kagaya nito. 

Nakakalula ang bahay nila. Napapanganga tuloy ako ng wala sa oras. At the same time, naaawkward naman ako sa mga ibinibigay na titig nitong si Mr. Hanz Villena. Titig na titig sya na akala mo, ang dami dami kong dumi sa mukha.

Nakaupo kasi sya sa tapat ng pwesto ko. So bale, magkaharapan kami. Ganun kasi ang tayo nung sofa nila. Damn! Pinagpapawisan tuloy ako ng malagkit! Bakit ba parang specimen ako na pinag-aaralan nya sa microscope? 

Tumungo na lang ako para hindi ako mailang sa mga titig nya. Ang tagal naman kasi ni Mrs. Villena. Asan ba sya? Grabe, malulusaw na ako dito dahil sa anak nya. 

"You look tensed." He said in a very sexy way. Yung tipong parang nagtaasan yung mga balahibo ko sa batok at kamay. Hindi ko alam kung sinasadya ba nya o ganun lang talaga syang magsalita.

Landi mo din naman talaga e noh, Yuniz? Kilabot kilabot effect ka pa dyan! Umayos ka nga! Para kang tanga dyan! Act normal!

I cleared my throat bago ako nagsalita.

"Ah a-ano kasi.. Mabanas. O-Oo. Yun nga. Mabanas. Hooo. Grabe. Banas. Ikaw ba, hindi ka ba binabanas sir?" Nauutal na napapangiwi kong sagot habang hinahatak ko yung damit ko sa unahan dahilan para matanggal yung dalawang butones ng polo shirt ko.

Napatingin ako bigla sa gawi nya. He was staring at me na parang hinuhubadan nya ko, although parang hubad na nga ako kasi nga natanggal tong butones ng damit ko.

Clumsy!

Dali dali kong sinuot ulit yung butones ng polo shirt ko. Medyo nangangatal pa yung kamay ko kasi first time lang mangyari saken to. Feeling ko mapulang mapula yung mukha ko sa nangyari.

Clumsy clumsy mo kasi! What are you doing, Yuniz? Umayos ka nga! Para kang ewan dyan e. Sabi na naman ng mga maliliit na boses sa utak ko.

Bago pa ako makareact ulit at maging clumsy, dumating na si Mrs. Villena.

Ting!  Ting! Saved by the bell!

"Sorry to keep you waiting, Hija. Ito yung bayad ko sa mga orders. Keep the change, tutal naman ikaw ang nagdeliver." Nakangiting sabi ni Mrs. Villena.

Tumayo na ako bago nagmamadaling inabot yung bayad nya. Feeling ko nangangatal pa din yung kamay ko e.

"Salamat po, Mrs. Villena. Si-Sige po, mauna na po ako. Tawag na lang po ulit kayo sa next order nyo."

"Yeah. Sigurado akong maraming beses pa tayong magkikita, Hija. I really love your goodies. Masasarap silang lahat. I don't mind the calories." Nakangiting tugon nya.

"Salamat po Mrs. Villena. Alis na po ako." Yun lang habang nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Hindi ko na inantay pa ang sasabihin pa ulit ni Mrs. Villena. Masyado na akong naiilang sa presensya ni Hanz.

This was the first time na maramdaman ko tong strange feeling towards guys. Marami naman akong nakakasama or nakakausap na customers na lalaki but this one was different.

May something about this guy na hindi ko alam kung ano. Kung bakit parang natetensed ako na naaakward or what.

What was happening to you, Yuniz? Anyare? Is it because of the malfunctioning of my shirt kanina?

I was about to close their gate but suddenly bumulaga yung mukha ni Hanz. And eventually nagulat naman ako.

Presenting! The Mali Mali Girl of the Year!

"Ay kabayong duling na may kuliling!." Hiyaw ko dahilan parang maipit yung kamay ko sa lock nung gate.

Nagmamadali nyang tinanggal yung naipit kong kamay.

Aray! Ano ba naman to! Malas malas ko naman today! Kanina muntik na akong masilipan, ngayon naman naipit ang kamay ko! Nak ng tokwa't baboy naman oh! And this is because of this guy! Bigla bigla na lang kasing sumusulpot e. Kasalanan mo tong lalaki ka! Oo nga pogi ka at tsaka macho pero hindi ibig sabihin e okay na lang na mahubadan ako't maipit! Hmp!

"Masakit ba? Sorry kung nagulat kita. Sayo yata tong panyo. Nakita ko dun sa upuan." He said habang hawak nya yung naipit kong kamay.

Parang nakukuryenteng binawi ko ang kamay ko.

Electric feels ha?

"Hi-Hindi na. O-Okay na. Oo. Akin yan. Salamat. Si-Sige. I'll go ahead." Nauutal kong sagot.

I was about to walk away nung nagsalita sya ulit.

"Do I look like a horse to you?" He asked habang nakakunot yung noo nya. Yung tipong hindi sya makapaniwala na tinawag ko syang kabayong duling na may kuliling.

I stunned. And then I burst into laughter. Hindi ko na sya sinagot. I walked away habang natatawa pa din.

Luka luka!

WANTED: PrenatalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon