"Yuniz apo, pwede bang ikaw na ang magdeliver nitong order nina Mrs. Villena? Wala kasi si Jan, nagdedeliver sa isa nating customer." Lola Cons said habang hinahanda yung mga sweets at pastries.
"Sige po La, wala naman akong gagawin ngayon. Saan po ba ang bahay nina Mrs. Villena?"
"Dun lang apo sa kabilang kanto, dun sa tapat ng tindahan ni Aling Toyang. Alam mo ba yun?"
"Opo La. Malapit lang naman pala. Lalakarin ko na lang ho." I said habang nagsusuklay ako ng buhok. Nagpahid lang ako ng manipis na lipstick bago ako bumaba at pumunta sa bake/pastry shop namin sa baba.
Si Lola Consuelo ang tumayong ama at ina ko sa loob ng dalawam pu't pitong taon. Namatay kasi ang mga magulang ko nung 2 years old pa lang ako. Sabi ni Lola Cons, namatay sila sa isang car accident. Buti na nga lang daw at himalang nabuhay pa ako.
Nakakalungkot na hindi ko sila nakasama ng matagal, buti na lang I still have my Lola Cons to provide me everything. Sya ang nagpalaki at nagpaaral sakin. Kaya naman sinusuklian ko ang paghihirap ni Lola, nakapagpagawa ako ng bake shop na pinakamimithi niya. Ginamit ko ang natutunan ko sa natapos kong course bilang HRM student.
Ako mismo ang nagbabake at gumagawa ng mga sweets sa shop namin. At some point napakaswerte ko pa din na may natira akong pamilya. Hindi ako nag iisa sa mundo. Isa lang talaga ang nagpapalungkot sakin, yung part na malapit ng maexpired ang mattress ko.
"Ito apo, mag iingat ka ha? Magdala ka ng payong at sobrang init sa labas. Oh kaya gamitin mo na lang yung kotse mo para hindi ka na mahirapang maglakad." Sabi ni Lola.
"Naku si Lola Cons talaga. Wag na ho sayang lang sa gas. Malapit lang naman yun. Lalakadin ko na lang ho." Tanggi ko naman.
"Oh sya sige, ikaw na ang bahala apo. Basta mag iingat ka ha?"
"Opo Lola."
Kinuha ko na yung mga bag na naglalaman nung mga orders ni Mrs. Villena. Buti na lang talaga at pumatok itong shop namin. Hindi man kalakihan pero dinadayo din naman kahit paano. Binuksan ko na ang payong na binigay ni Lola.
Ang sweet sweet talaga ni Lola Cons kahit kelan.
Ngayon lang ako nakapagdeliver sa tanang buhay ko. Buti na lang din at alam ko yung bahay ni Mrs. Villena kaya hindi na ko mahihirapang hanapin yun. Ilang oras lang ang nilakad ko at nakarating na din ako mismo sa bahay nila.
Nagdoorbell muna ako, maya maya pa'y isang magandang ginang ang lumabas mula sa pintuan ng magarbo nilang bahay. Nakangiti sya habang papalapit sa may gate. Eksakto namang may bumusina sa tabi ko kaya medyo nagulat ako.
*Peee Peep*
"Ay kalabaw!" Nagulat tuloy ako ng wala sa oras. Buti na lang hindi ko nabitawan yung mga sweets na hawak hawak ko.
Kung hindi nyo natatanong, may mali mali kasi ako minsan. Lalo na kung nagugulat ako.
Pinagbuksan ako ng gate ni Mrs. Villena. Kasabay ng pagpasok ng isang black Mitsubishi Mirage. Hindi ko maaninag kung sinong lulan niyon dahil tinted yung window shield nya. Buti na lang pala at hindi ko iniskandalo ang sakay nun, pag nagkataon baka mawalan kami ng isang customer. Siguro, asawa ni Mrs. Villena ang dumating.
"Yes Hija? Yan na ba yung mga orders ko?" Nakangiting tanong nya saken.
"Yes po Ma'am. You must be Mrs. Villena?" Magalang kong pagbati sa ginang.
"Yes Hija."
"Ito na po yung order nyong sweets at cakes Ma'am."
"So, you must be the owner of Yuniz and Cons Bake Shop? Nagpepersonal deliver ka pala Hija?" Amusement was all over at Mrs. Villena's face habang inaabot sakin ang mga inorder nya.
"Opo Ma'am, may dinidiliberan pa ho kasi yung delivery boy namin. Inutusan ho ako ni Lola Cons, tsaka malapit lang naman ho itong inyo."
"Ganun ba? Halika muna sa loob Hija. Magjuice ka na muna. Pawisan ka na din, I'm sure uhaw ka na dahil sa init ng panahon ngayon."
"Naku, wag na ho Ma'am. Ayos la---" Naputol na yung sasabihin ko dahil sa isang lalaking sumingit sa pag uusap namin ni Mrs. Villena.
"Mom? Nandito ba si Dad?" Singit ng isang lalaki. He's having a chinky eyes. Chiseled jaw. Pointed nose. Expressive brownish eyes. Defined browses. Sexy curvy lips. Perfect set of teeth and a two deep dimples on his cheeks.
Yuniz? Kelan ka pa naging observant? Lalo na sa lalaki?
"Yes son, bakit?" Sagot ni Mrs. Villena sa lalaki. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, lalo na dun sa lalaki. Parang hinihila yung mata ko para mas titigan pa sya.
"Nothing Mom, by the way who is she?" Kunot noong sabi nung lalaki habang nakatingin sakin.
"Oh. Anak meet Ms. Yuniz Castillejo, owner nung paborito kong bake shop. Ms. Yuniz Castillejo this is my only son Hanz Villena." Nakangiting pagpapakilala samin ng ginang.
"Hello Yuniz. So ikaw pala yung may ari nung paborito kong ube cake na madalas kong makita sa ref namin. In fairness, sobrang galing nung baker nyo. Actually, hindi ako mahilig sa sweets pero napakain ako nung natikman ko." He uttered habang nakangiti saken, flaunting his perfect set of teeth.
Pakinig kong parang nagpapalakpakan ang mga anghel sa langit. May nagbebell sa tenga ko dahil sa ngiti nyang yun. Nawiwirduhan ako sa sarili ko.
What was that? Bakit ganun? Ano bang nangyayari sakin?
"A-Ahh. Hi." Naiilang at namamawis kong tugon.
"Oh sya, sya. Hali na muna tayo sa loob. Ang init dito sa labas. Tara na Hija, wag ka ng mahiya." Yaya sakin ni Mrs. Villena.
Hinatak na ng ginang ang kamay ko kaya wala na akong nagawa kung di ang sumunod na lang sa kanya papasok sa loob ng bahay nila. Kasunod ko sa likod ko ang lalaking nakapagpawirdo sakin ngayong araw.
BINABASA MO ANG
WANTED: Prenatal
RomansaOnce upon a time there was a girl with a broken mattress. She had to be pregnant. But how? Nak ng tokwa't baboy naman oh! Basahin nyo na lang mga besh! Apir!