The Dancing Shoes

28 2 0
                                    

Matagal na akong naiingit sa kapatid ko. Lagi nalang siya ang nasusunod. Lagi nalang siya yung pinagbibigyan. Laging binibigay yung mga gusto niya pero ako hindi. Siya isang hiling lang niya binibigay na pero ako ni minsan hindi binibigyan ng gusto ko. Parang siya lang yung anak eh.

Isa lang naman ang hinihingi ko sa magulang ko eh. Yung dancing shoes na simula 14 ako hinihingi ko na. 17 na ako ngayon pero ni mumurahing dancing shoes hindi manlang ako binigyan. Samantalang yung Angelica na yun kahit anong ipabili binibili agad. Napaka-unfair.

May kumatok sa pintuan ko. "Pasok!" Nakita kong pumasok ang magaling kong kapatid. "Anong kailangan mo!" Mataray kong sabi.

"Ate pwede mo ba ako turuang sumayaw. Ate idol na idol kita eh. Sige na please." Ang kulit ng batang ito. Nasa kanya na nga ang lahat pati ba naman ang pagsasayaw ko gusto niya.

"Ayaw ko." Sabi ko sabay sinuot ang earphones ko. Kinulit pa rin niya ako. Niyuyugyug niya yung balikat ko. Bwisit tong batang to. "ANO BA ANGELICA SABING AYAW KO EH!"

Mukang nagulat siya sa sinabi ko at lumabas na sa kwarto ko habang nagii-iyak. Buti naman. Nakakabwisit eh.

Biglang pumasok si mama sa kwarto ko. "Andrea anong ginawa mo!? Bakit nagiyak si Angel?" Galit na naman siya. Ganyan naman siya saakin eh. Palibhasa si Angel lang naman ang mahalaga sakanya.

"Nagaartehan lang naman yang magaling niyong anak eh. Ako na naman ang pinapalabas na masama." Sagot ko sabay irap.

"Andrea wag mo akong ginaganyan kinakausap pa kita!" Nagtalukbong nalang ako ng unan para hindi ko siya makinig.

Itinulog ko nalang lahat ng inis ko. Wala din naman akong magagawa eh. Lagi namang ganon. Paulit-ulit nalang.

"Ate kakain na." Naramdaman kong may tumapik saakin. Sino pa ba? edi si Angel. Si Angel na mabait, si Angel na masipag, si Angel na matalino, Si Angel na lang lagi.

Lumabas ako sa kwarto ko at iniwan siya dun. Pagdating ko sa dinning room naandon na sina mama at papa. Nakasunod naman saakin si Angel. Umupo na ako at kumain. "Ate magdadasal muna tayo."

"Edi magdasal kung magdadasal!"

"Andrea anak ano ba ang gusto mo?" Mahinahong sabi ni papa.

"Pa alam mo naman ang gusto ko diba? At alam ko din namang hindi niyo ibibigay saakin yun dahil yung gusto lang naman ni Angel ang binibigay niyo diba?"

"Sorry anak ang mahal kasi nung pinapabili mo eh. Hindi namin kakayanin ng mama mo."

"Alam ko naman pa eh. Sana hindi mo na tinanong diba? Kasi pag saakin mahal pero pag kay Angel kahit mahal ok lang diba?" Hindi ko na kaya. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at pumunta na sa kwarto ko.

Hindi ko na napigilan pang umiyak. Bakit ba kailangan pa nilang ipamukha saaking hindi nila kayang bilhin yung gusto ko. Sana hindi nalang nila ako tinanong eh.

Biglang may nagbukas ng pinto at nakita kong si Angel pala. Pinunasan ko muna ang luha ko bago tumingin sa kanya. "Ano na namang kailangan mo?"

"Ate turuan mo na ako sumayaw sige na please."

"Hindi na ako magsasayaw. Sira na yung sapatos ko. Never na akong magsasayaw!" Sinabi ko lang yun para tumigil na siya.

"Ate pag nabili ko ba yun magsasayaw ka na ulit? Hindi ka na magagalit saakin? Tuturuan mo na ba ako magsayaw?"

"AS IF NAMAN MABIBILI MO YUN. LABAS!"

"Pero ate?"

"LABAS SABI EH! BINGI KA BA?!" Pagkasabi ko nun lumabas na siya. Buong araw na ata akong matutulog eh.

The Dancing ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon