FLAME 2:

2 0 0
                                    

Ang aming tirahan ay nasa pinakaliblib na bahagi ng gubat na ito.At ang Flames University ay nasa kabilang dulo ng gubat.Ang bali-balita ay para makapasok ka sa University ay dapat maipasa mo ang napakamapanganib na pagsubok na susubok sa taglay mong lakas.At ang natatanggap lang dito ay ang may mga gifts o flames.

Ang Flames o apoy ay may iba't ibang klase o kulay.
*Ang Blue flames ang pinakamalakas na flame sa mundo ngunit tatlong tao lamang ang nagmamay ari nito.Ang yumaong hari't reyna at ang nawawalang prinsesa.Limitado lang rin ang nalalaman ng lahat tungkol dito dahil hindi masyadong nagamit ng hari't reyna ang kanilang kapangyarihan sa harap ng mamamayan.
* Ang Dark flames naman ang ikalawa.Ang sinumang may dark flame na ginagamit ito sa kasamaan ay may matinding kaparusahan ngunit ng mawala ang hari at reyna pumalit ang kapatid ng reyna na puno ng galit at kasamaan.
*Red flame ang ikatlo.ang p
special move nila ay teleport.
*Green flames naman ang ikaapat.Healer at speed ang special move nila.
* At Orange flames ang pinakahuli.Seer sila.nakikita nila ang mga kalabang parating kahit gaano pa ito kalayo.
Ang mga flamers ay mayroong secret power at sila lamang ang nakakaalam nito.
Napatigil ako sa pag iisip ng may marinig akong kaluskos.
"Blue may paparating nasa dalawampu sila at may mga armas" isang Orange Flamer si Elizia kaya wag na kayong magtaka.
" Humanda ka Elizia" Bago isilang ang isang Flamer mayroon nang nakatakdang armas para sa kanya na angkop sa kanyang kakayahan.At si Elizia bilang double flamer ay double long sword ang kanya na nakaanyong red-orange na bracelet na may disenyong espada sa gitna sa bandang pulso .Nakakabit ito sa magkabilaang braso niya.

---
Vote and comment

FLAMESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon