FLAMES 4:

1 0 0
                                    

" Hahaha" malakas kong tawa ng makita ang ekspresyon niya.Patampo tampo pa kasi kaya di niya ako napansing sumandal sa isang napakalaking puno.
" Anong ginagawa niyo dito? " tanong ng isang matanda.
" Ano ba naman yan lola,bakit naman bigla bigla ho kayong sumusulpot sa kung san saan? Muntik na po tuloy akong mahimatay" sabay tingin sa akin ng masama at sinuklian siya ng lagot-ka-sa-akin-mamaya look.
" peace v(^_^)" mabilis niyang bawi.
" anong pakay ninyo rito ha mga ineng?" Tanong muli ng matanda.
" Papunta ho kami sa Flames University" agad na sagot ng babaeng kasama ko.

" Mag iingat kayo lalong lalo kana iha" sinabi ng matanda habang nakatingin sa mga mata ko.
Mabilis na tinaas ng matanda ang kanyang hintuturo at nilapat sa aming noo at agad kaming napunta sa kung saan.

" Wow ang ganda Blue"manghang  mangha niyang sabi.
Nasa isang burol kami na kung saan ay makikita mo ang kagandahan ng siyudad sa ibaba.Ang mga ilaw na nakasindi na mas lalong nagpapaganda sa bawat gabi
At sa aming pagtalikod naroon ang napakalaking gate na may malalaking letra sa itaas na FLAMES UNIVERSITY.
Mayroon itong taas na 20 ft at ganoon din ang mga pader nito na may kapal na 1 kilometro.
Kapansin pansin rin ang mga flamers na nakapasa sa pagsubok.Ito kasi ang pina ka huling batch ng pagsusulit.
Sa aking pagkakaalam halos isang libo ang kumuha ng huling pagsusulit na ito ngunit sa tantya ko'y nasa isandaan lamang kami.
Napatigil sa pag uusap at pakikipagkaibigan ang iba ng biglang sumulpot ang isang matangkad na babaeng may kulay brown na buhok sa mataas na bato sa gilid ng malaking gate.
" Good evening flamers! Magagaling ang mga karamihan sa inyo at tyamba lamang na nakapasok ang iba.Pagkatapak na pagkatapak niyo sa loob ng gate na ito,makikita ninyo sa inyong mga palad ang numero ng inyong kwarto at sa pag pasok niyo sa inyong kwarto ay bigla na lamang mawawala ang numero.At nasa mga kama ninyo ang rules and regulations ng paaralang ito Ako nga pala si Kira Sato the Recuter and Congratulations!"
Matapos niyang magsalita ay bumukas ang dambuhalang gate sa harap namin at maraming namangha sa ganda at laki ng loob nito.Malawak ito at napakaganda ng loob nito,may mga naglalakihang building na hula ko'y ang dorm ng mga flamers na para sa babae at lalaki,at higit sa lahat ang mismong eskwelahan.

--
Vote and comment

FLAMESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon