Chapter 1

136 4 6
                                    

"Cheska! Anong balita?" Matagal-tagal ko na tong di nakikita ah! Isang linggo kasi sila nag bakasyon sa Paris daw. Dun sa may ipiel tower ba yun? Ay basta yun!

"OMG, Rose! There's so many gwapo fafabols there! Hay! If only I can make you sama to us." Ayan na naman siya sa lengwahe niya! Di ko malaman kung nagTatagalog ba o nagI-ingles. Alam ko may tawag dyan eh. Logish ba yun? Lishlog? Englog? Tagalish? Fish dog? Eggnog? Ay teka! Bat napunta sa pagkain?

"You know, Rose. May nameet me na foreigner! Kyaaaa! His so gwapo! Bagay to him ang shaggy blond hair niya!" Binge ako pramis. Kaya basag na yung eardrums ko.

"Tae. Tinanong lang kita kung anong balita nagkwento ka na sa  lablyf mo!" Binatukan ko siya para umayos. Pinagtitinginan kaya kami ng kaklase namin. Kanina pa kasi tili ng tili.

"Why so bitter? That's why wala kang boyfie eh." Pout, pout. Papou-poutukin ko matres mo eh.

"Pake ko sa mga lalaki dyan? Mas mahal ko pa yung math kaysa sa kanila."

"Ehh! Who made math ba? I'll double kill him or her! Because of them math made you fall inlove with him!" Pinagsasabi nire?

"Ewan ko sayo! Tumahimik ka na at padating na raw si Mam Halimaw. Mukha kasing halimaw si mam pagnagagalit. Wahahaha!

--

5 p.m. ng pumasok na ako sa bahay at kumuha ng tubig. Kanina pa ako nauuhaw dahil naglaro kami ng mga kaibigan ko ng patintero, habol-habulan at tago-taguan. Pagkatapos kong lagukin ang tatlong bosang tubig ay dumiretso ako sa library.

Meron kaming library dito sa bahay. Madalas pagwala sa salas sila mama at papa nasa library sila. Kung wala sa library, edi nasa trabaho.

"Magkano po ba yung bayad?"

"4,500 a week. Basta araw-araw. Tapos paghumingi siya ng tulong sayo sa school. May tips."

"Deal."

"Mama? Papa? Ano po ba yan?" Tanong ko nung may nakita akong lalaki na kinakausap nila. Tinignan ko ang uniporme na suot niya. "Taga Lockheart ka rin?"

"Obvious?" Abah! Makataas ng kilay! Che! Bakla!

"Malay mo takas ka sa mental tapos naisipan mong magcosplay!" Inirapan niya lang ako. "Mama! Papa! Sino po ba ang baklang yan?" Sabi ko matapos ko silang halikan sa pisngi.

"Siya ang magiging tutor mo sa English." Literal akong napanga nga sa sinabi ni Papa. Alam naman nilang ayoko sa Ingles eh! Tapos may balak pa silang ubusin yung dugo ko?!

"Pero Papa! Mamamatay ako dahil sa pagkawalan ng dugo!"

"Alam mong hindi totoo ang mga nagno-nosebleed dahil sa pagbabasa ng  English."

"Pero--"

"Walang pero, pero. Kung gusto mong sumama samin ng Mama mo papuntang US mag-aral ka ng mabuti. Nakikita ko namang matataas ang grades mo sa sibika, Filipino at math. Kaso anak kailangan mo ring itaas ang ibang grades mo. Hindi ka makakapag-enroll ng collage dun sa US kung English lang ay hindi mo alam."

"Umm, please excuse me." Lumabas na ang mukhang Amerikanong lalaki.

Simula nung bata palang ako gusto ko nang mag-aral sa US. Hindi ko nga alam kung bakit kong nagustuhang mag-aral don samantalang di naman ako marunong mag Ingles.

"Pagtumaas po yung grado ko sa Ingles makakasama ako?"

"Hindi lang sa English, Rose. Kailangan lahat. Atleast makapasok ka man lang sa top 10, kahit sa klase lang. Hindi ko naman kita pinipilit na pumasok sa top 10 overall. Pero kung alam mo sa sarili mo na kaya moong makapasok sa overall. Edi gawin mo. Make us proud, Rose."

Mr. Englishero Meets Ms. Tagalog Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon