CRUSH, Why so manhid? (Part two)

54 4 0
                                    

Pagkamulat ko ng mata ko, nakita ko ang malaanghel na mukha ng aking bestfriend. Teka, Asan nga pala ako?

"N-nasan ako?" I asked him.

"Nasa clinic ka. Nahimatay ka kasi kanina eh. Ayos ka na ba?" 

"H-ha? Nahimatay? Aish! Di kasi ako kumain kagabi at kaninang umaga!" Sabi ko.

"HA?! Eh bakit naman hindi ka kumain?! Loka ka ba talaga! Aish!"

"OO! HINDI AKO KUMAIN! HINDI AKO KUMAIN NG DAHIL SA IYO! NAKAKAINIS KA!"

Pero hindi ko sa kanya sinabi yan. Sa isip ko lang yan =__=

"Ah kasi.. Ano.. inantok ako kagabi tapos nagmamadali ako kaninang umaga kaya di ako nakakain. Hehe!"

"Wait lang. Ibibili kita ng pagkain mo ha! Dyan ka lang." 

"Ah hindi na.. Maglulunch na din naman. Puntahan mo nalang yung nililigawan mo. Siya yung asikasuhin mo hindi ako." I smiled at him then tumayo na. Naglakad na ako sa pinto pero bigla siyang nagsalita.

"Bestfriend kita. Dapat lang na asikasuhin din kita."

"No. Wag na. Okay nga lang ako. Alis na ako." Tapos nun nagdiretso na ako sa room. Umupo ako. Buti nalang at wala pa yung next teacher namin. 

"Class. Please sit down. I have an announcement." Sabi ni ma'am lazaro then nagsiayos naman kami ng upo.

"Okay. Our JS prom is near na. It will be on February 26, 2013. So, February, 19 na ngayon. Maghanda na kayo ng mga susuotin nyo okay? Matagal ko na itong in-announce. We have 1 week to practice your dance. Tommorow, Ipapartner na kayoi sa 4thyear students. Okay? So, be ready. Magdala nadin ng extra shirt ang boys and girls. That's all. You can have your lunch na. Class dismissed." Sabi nung teacher namin then kinuha niya na yung book nya sa table. JS PROM? Tsk. 4th year ang kapartner? Tss. Not so excited. =__= Kasi alam ko, na ang magiging date ni Cyrix ay si.. Ano name nung nililigawan nya? Eh basta!

Paglabas ko ng pinto, nakaabang doon si Cyrix.

"Nell! Sabay na tayo maglunch?" Sasabay ba ako o hinde?

"S-sure." Tapos naglakad na kami papunta sa garden. This is our favorite place haha.

Kinuha ko na yung pack lunch ko, same din sa kanya. I opened it. Wow! Adobo ^__^

"Naks! Adobo! Luto yan ni ate layna no? PENGE!"

"Ayaw ko nga! Masarap naman yang iyo ah? Beefsteak!" Sabi ko tapos nilayo ko sa kanya yung pagkain ko.

"Damot! Hmp! PARANG KONTI LAN--" Napatigil siya ng pagsasalita nang may biglang pumunta sa harapan namin. Girl na maputi hanggang shoulder ang buhok tapos sexy.

"Wow. Sweet. Tsk." Sabi nung girl tapos umalis na siya.

HUH?

"WAIT SHAYNE!" Sabi niya tapos tumayo. Tumayo narin ako at tiningnan sila. Tumigil naman yung shayne at humarap.

"Then what? You're courting me, pero ano? May kasabay kang ibang babae? Ano? Lokohan ba?"

"No shayne. Please. Let me explain. She's uh.. She's jush uh.. She's just my FRIEND! yeah. Friend."

"Huh? Frien--?" Sabat ko. Pero di naman ako pinatapos nung lalaking to.

"Alam mo shayne.. Tara na." Hinawakan ni Cyrix yung kamay ni shayne then umalis na.

SHORT STORIES.(ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon