Please Stop My Heart~♥

204 2 0
                                    

Naranasan mo na ba yun? Yung hindi mo mapigilan yung puso mo?

Hindi mo masabihan kung sino ang PWEDE at HINDI PWEDENG mahalin.

Kaya nga ako nagkakaproblema. Masisira lang ata ang pagkakaibigan namin kung nalaman nila yun.

Ayaw ko masira tong pagkakaibigan namin dahil lang dun kaya hangga't sa kaya ko itago at pigilan gagawin ko.

============================>>><<-------------

"Tol absent si Gion?" tanong ko kay Mario.

"Ahh.. oo. May sakit ata."

"Ah..Hindi ka ba baba ngayong recess?"

"Hindi eh."

"Ahw. Sige. Baba lang ako." sabi ko tapos lumabas na ako ng classroom at bumaba tsaka pumuntang canteen. Bumili ako ng makakain at maiinom saka umakyat agad sa taas.

Ayaw ko talaga na mag-isa lang ako. Baka kasi mamaya magdrama ako dito. Hahahaha sheeeet.

"HOY!! Lex!" sigaw ni Lau.

"INGAY MO!"

"Hahahaha ikaw rin." sabi niya. Umupo na ako sa upuan ko tas tumabi siya sa akin. Ayun nagkwentuhan kami ng mga kung ano ano mostly mga kalokohan. Hahahahaha. Mamaya maya biglang lumapit sa amin si Anya.

"Uy! Pengeng pagkain Lex." sabi niya. Inabot ko naman yung kinakain kong sandwhich. Kinuha niya iyon at kinagatan sabay balik rin sa akin.

"Salamat. Painom rin ako." sabi niya.

"Oh." inabot ko yung binili kong tubig.

"Salamat." kinuha niya yung tubig ko at uminom siya pagkatapos eh binalik niya eto sa akin. Ba't ang ganda niya?

"Tol wag mong titigan baka mahulog ka naku kay Gion na yan." bulong sa akin ni Lau.

Huli ka na Lau. Nahulog na ako sa kanya matagal na. Napatigil ako sa pagkain ko.

"Lex okay ka lang?" tanong ni Anya.

"Ha? Ah oo." sabi ko tapos ngiti.

"Sigurado ka wala ka bang problema?" tanong niya.

Tsss.. meron. Tong puso ko yung problema ko.

"Lex."

"Hmm? Ah! Anya sayo na lang to may pupuntahan muna ako."sabi ko kay Anya tapos binigay ko yung sandwhich ko at dali daling lumabas ng classroom.

Pumunta akong CR. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Ang aga aga nagkakaganito na agad ako. Naghilamos ako. Pangpagising lang baka kasi hindi naman totoo tong nararamdaman ko.

Pagkatapos ko maghilamos ay pinunasan ko mukha ko. Hinawakan ko yung dibdib ko. Bakit ganito?

Sa dami pa ng babae dyan yung nagustuhan ko pa eh yung gusto ng bestfriend ko.

Hindi nga sila pero buong klase nakakaalam na gusto ni Gion si Anya. Sinong gusto ni Anya? Ahh walang nakakaalam. Tsaka alam kong may plano si Gion na ligawan si Anya.

SHEEEEEEEET!!! ANDRAMA KO!! Baka magkaroon na ako ng award. Hahaha.

Badtrip. Lumabas na akong CR. Tinignan ko yung relo ko. Wow late na ako parang saglitan lang naman ako nagdrama sa loob ng CR ah. Hindi na lang muna ako papasok sa klase.

Please Stop My Heart~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon