Art of marriage: the gown

22 0 0
                                    

Amber's pov

Papunta ako ngayon sa bahay nila jazz kasi sasamahan nila ako
Mag papasukat kami ng gown para sa wedding ko ayieee hahaha

Dapat si sky ang kasama ko kaso may emergency daw kaya si jazz na lang at keith ang sinama ko, hindi na ako masyadong ilang kasi magiisang buwan na simula nung birthday ko

Oo last month! Ang tagal na noh?
Tska buti nga sinamahan nila ako eh, sa katunayan sila ang lagi kong kasama.. busy kasi lagi si sky kasi pinapagaralan nya ng patakbuhin yung company nila since 20 years old na sya at malapit na kaming ikasal, minabuti ni tito na turuan na si sky para din daw sa future namin

Pero ang daya kasal naman naming dalawa toh eh, hindi naman saming tatlo ni keith at jazz *pouts*

So ayun nga, pumasok na ako sa loob ng bahay nila

Wala ng hiya hiya! Nakailang pabalik balik na ako dito noh, may kwarto na nga ako dito eh hahaha

Deredretchoderetcho akong pumunta sa kwarto ni jazz at binuksan ung pinto

"Jazz! Nandi--" napatigil ako sa pag sasalita ng mapako ang tingin ko sa isang stuff toy-- sa stuff toy na dapat ay akin..

Bakit nasa kanya to??
Anu ka ba amber! Baka naman katulad lang yan nung malaking teddy bear na napanalunan ni sky sa arcade..

Pero hindi eh, parang ito talaga yu--

" oh amber nandito ka na pala, anu? Tara na??" Nakita ko si jazz na kakalabas lang galing sa walk in closet nya, halatang kakaligo pa lang

"Kakarating ko lang, tara na" nakangiti kong sabi at sabay kaming naglakad papunta sa garage nila, binaba ni keith ung salamin ng kotse kaya nakita namin syang nakaupo na sa driver seat

" bakit kayong mga babae ang tagal gumayak, di naman mag babago ang muka nyo pag nag babad kayo sa cr ah"
Reklamo ni keith pagkasakay namin sa kotse
Sa likod kami sumakay para mag mukang driver si keith bwahahaha

"Che! Wala kaming pake sa nararamdaman mo" Sabay naming sabi ni jazz

Tatawa tawa namang nag drive si keith
Nag asaran lang kami ng nag asaran hanggang makarating kami sa boutique nung designer na papagpagawan namin ng mga gowns, after nito ung organiser naman ng wedding ang kakausapin namin para mafinalize na ung plan para sa wedding, wala pa kasi kaming naiisip na theme eh.. ngayong araw din kami pipili kung anung menu para sa réception. Ako na daw bahala pumili sabi ni sky, may tiwala naman daw sya sa taste ko tutal kasama ko naman daw sa pag pili si jazz..
Huhuhu so pag ako lang pala magisa wala akong taste?? Grabe naman

Hinayaan ko na lang sya madami pa kasing dapat ayusin, buti nga sila mami na ang sumalo dun sa invitation pati na din dun sa mga iimbitahin at mga gagawing ninang at ninong ei.

Bago kami pumasok sa loob may tinanong muna ako kay jazz

"Jazz, ung... ung malaking stuff toy sa kwarto mo? San un galing?" Kinakabahan kong tanong

"Ahh yun ba? Galing sa boyfriend ko un.. bakit?" Sagot nya na walang bahid ng pag aalinlangan

" hehehe wala itatanong ko lang sana kung san nabili, ang cute kasi" sabi ko na nga ba hindi yun yung teddy bear ko eh, bakit mo ba kasi pinapag hinalaan si jazz.. bestfriend mo kaya yan amber! Haist

Naglakad na kami
Pag pasok namin ng boutique, sinalubong kami ng naggagandahang gown
Wow! Sana makita ko dito ung dream gown ko

Kung anu anung pinasukat nila sakin na gown, hanggang mahagip ng mata ko ung isang gown
Parang tinatawag nya ung pangalan ko.. kyaaaah! Ang ganda

"Ate pwede bang un ang sukatin ko??" Sabay turo ko dun sa gown na napusuan ko, charot! Napusuan talaga ang term hahaha

"Opo naman ma'am, wait lang po ha" pumunta ung babae dun sa mannequin na nagsusuot ng gown.

Pinakita ko muna kina jazz bago ko isukat
"Maganda ba jazz? Keith?" Sabi ko habang kapit ko ung gown

"Kahit naman basahan ang suotin mo bagay pa din sayo" nakangiting sabi ni keith, aww ang sweet talaga nya

" yuck! Walang taste, kasal tapos pag susuotin mo ng basahan si amber?" Natawa naman ako sa sinabi ni jazz, habang nag mamake face naman si keith

" amber mabuti pa isukat mo para maitchurahan talaga natin"

Sinunod ko naman ung sinabi ni jazz, at agad na sinukat ung gown na kapit ko
Nung maisuot ko na, napangiti ako..
Umikot ikot pa ako habang tinitingnan ung buong gown na nag cocompliment sa bawat bahagi ng katawan ko
As if this gown is meant to be worn by me

Bagay na bagay sakin
Lumabas na ako ng fitting room para ipakita sa kanila at bayadan na din kasi ito talaga ang gusto kong irampa sa araw ng kasal ko

"Guys, bagay ba saki--"

Kaso nagulat ako sa nakita kong bulto ng katawan-- si sky??

Anung ginagawa nya dito?
Napalingon naman sakin si jazz habang kapit ung laylayan nung isang gown
Siguro tinitingnan nya din ung wedding dress na un.. baka mag papakasal na din sila nung boyfriend nya hehehe

" uhmm sky anung ginagawa mo dito?"

" wala... tinitingnan ko lang kung anu nang nangyari, yan ba yung gown na susuotin mo?"

Nakangiti akong tumango " oo ang ganda diba?? ^_^ Actually babayada--"

" ang pangit" deretcho nyang sabi tska lumingon sya dun sa babaeng na nag aassist sakin " miss we'll take this one.." sabay turo dun sa gown na tinitingnan kanina ni jazz

Anu??

"Pero sky--" hindi ko na natuloy ung sasabihin ko ng bigla syang mag salita

" akala ko ba gusto mo akong magkaroon ng pake dito sa kasal na to? Here i am helping you choose a gown tapos ayaw mo pa?? Kung ayaw mo di wag..."

Pero kasi sky... ito ang gusto kong gown eh

Yan ang gustong lumabas sa bibig ko, pero sa hindi malamang dahilan... iba ang nasabi ko--" miss.. we'll take that gown" nakangiting tipid na sabi ko dun sa babaeng nagaassist

Siguro naramdamanan nya ung tensyon kaya agad nyang kinuha ung gown na tinuro ni sky kanina..

Ako naman bumalik na ako sa fitting room at hinubad ung gown na suot ko.. para san pa?? Hindi ko din naman pala toh masusuot sa araw ng kasal ko

"Babalikan na lang kita ha? Siguro maisusuot din kita balang araw.. kung hindi man ako edi dun na lang sa magiging anak kong babae kung mabibigyan ng pagkakataon" nakangiting sabi ko dun sa gown
Para ako ditong baliw na kinakausap ung damit

Nanlulumo akong lumabas ng fitting room pero sinubukan kong mag mukang masaya para sa kanila.. sino nga bang gusto kong kumbinsihin na masaya ako? Sila keith ba o ang sarili ko??

Sky's pov

Seryoso sakin ngayong nakatingin si jazz habang hinihintay na lumabas sa fitting room si amber

"Bakit mo ba ginawa un ha! Hindi mo man lang kinonsider ang feelings ni amber..."

"What? I like the gown that you picked... kasalanan ko bang mas may taste ka pa kesa kay amber? Tska nabayadan ko na" sabi ko.. eh totoo naman eh, ayaw ko nung suot nyang gown kanina masyadong baduy

" minsan lang toh mangyayari sa buong buhay nya, atleast give here the privilege na pumili ng sarili nyang wedding gown, kahit yun man lang sky maibigay mo sa kanya....."

" what do you expect from an asshole like him jazz" singit naman ni keith
Tss...

Sasagot pa sana ako ng makita kong lumabas na si amber sa fitting room
Tipid na ngiti lang ang binigay nya dun sa babae bago kinuha ung gown "thanks" sabi nya bago kami lingunin "ano? Tara na??"

Anu kayang kakalabasan nitong kasal na toh?

UNFAIRytale EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon