Chapter 4 ( saturdate )

19 3 0
                                    

Patuloy lang kame sa pag upo sa may bench sa park, at nung nakakita ako ng ice cream vendor kaya napangiti ako duon.

" bakit mo ako nginingitian?" Tanong niya

" sino ba nag sabi sayong ikaw tinitignan ko?" Pagsusungit ko habang nakatingin parin sa ice cream vendor
Agad naman siyang tumingin din duon

" you want ice cream?" Tanong niya

" oo"

Agad naman siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko

" bakit?" Tanong ko

" akala ko ba gusto mong ice cream, tara bibili tayo "

"Ok tara" agad naman kameng naglakad papunta sa ice cream vendor at bumili siya ng ice cream agad niya naman itong binigay yung isa sa akin agad naman kaming bumalik naman kame sa bench.

Habang kumakain ako ako ay nakatitig lang siya sa akin

" what are you starring at?" Pagtataray ko

" ikaw ang ganda mo kase " sagot niya at agad naman akong nabilaukan

" oh, kinilig kanaman?" Pang aasar niya

" shut up!"

" ang sungit mo naman kiss kita jan eh!" Pang asar niya

" bahala ka sa buhay mo!" Sigaw ko sakanya at pauloy nginuya yung natirang ice cream

Ilang sandali pa ng matapos kong kumain ng ice cream ay bigla niya akong hinalikan sa labi, nararamdaman ko pa rin ang lambot ng mga labi niya sa akin ng biglang

" baby nazi wake up na!" Sigaw ni yaya habang hinahampas ako ng unan

" ya?" Panaginip lang pala

" gising kana baby nazi, may pogi kang bisita" Sabi ni yaya

" sinong pogi?" Tanong ko

Agad naman akong naligo at nagbihis ng white long sleeve at black leggings at nagtali na ng buhok at sinuot ang salamin, paglabas ko ng banyo ay andun parin si yaya sa kwarto ko at nakaupo sa kama napatingin naman siya nung paglabas ko ng Kwarto

" baby ang ganda mo " sabi ni yaya

" thank you yaya" sagot ko

" pero may kulang eh, tara dito baby " agad naman akong lumapit kay yaya

Humarap ako kay yaya at tinanggal niya ang salamin ko medyo blurd ngalang kaya nilagyan ni yaya ng contact lense nilugay niya naman ang buhok ko at nilagyan ako ng lip balm.
Agad naman akong tumayo nung natapos ako at dumaretsyo na pababa ng hagdan , at nung nakita na ako ni briant na tulala siya.

---

Briant POV

She's so damn beautiful! Hindi ko inakalang ganun siya kaganda kapag nag ayos, ngayon nung nakita ko siya pababa ng hagdan grabe nakakatulala siya tung tipong hindi nakakasawang tignan

" may dumi ba ako sa mukha? Kanina kapa tingin ng tingin" bigla siyang nagsalita sa harap ko oo ngapala andito na siya

" wala ang ganda mo lang ngayon" sabi ko

" thank you, so tara na?" Sabi niya oo ngapala late na kame sa date namin

" sige" agad ko naman siyang sinabayan sa paglabas ng bahay nila

Hangang sa makarating na kame Sa sasakyan ko bago kame pumasok sa kotse ay biglang lumabas yung yaya niya

" ihong pogi alagaan mo yang alaga ko ah " sabi nito sa akin

Just Like A Fairy TailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon