Trick #1

89 4 0
                                    

Trick #1 : Dream






Her PoV







Hello sa mga ka-snow white jan! Hehehe. Tawagin nyo kong Mikey, Mikey Fuentes, at idol ko si Snow White ^^ Dito ako nakatira sa bahay hehe. Kasama ko si Kuya Macoy at si Tita Melody. Hindi ko sila kamag anak pero family friends daw kaya pamilya na rin ang turing ko sa kanila.





Sabi ni Tita patay na daw si Mommy pero si Daddy buhay pa kaso nasa malayo daw? Ayaw lang maniwala sakin ni Tita pero kaya ko naman talaga maglakad at saka sanay naman na ko mamasahe mag isa kahit ga'no pa kalayo yung bahay ni Daddy T·T




Matagal ko na kasi gusto makita yung Daddy ko kasi naiinggit ako sa mga friends and classmates ko. Pero syempre di ko na yun sinasabi kay Tita kasi patay na si Tito Albert. Ang awkward naman non para kay Kuya Macoy kasi sya rin wala din syang Tatay tapos mag-eemote pa ko. Hehe talino ko noh?




Anywaaay, Highwaaay! Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nanunuod ng Snow White and the Huntsman habang kumakain ng apple hehehe, syempre noh, para dama!





Saglit akong napatingin sa salamin ng cabinet ko kaya naman ngumiti agad ako kasi nakita ko nanaman yung new hairstyle ko. Hehehe! Of course, kamukha nung buhok ni Snow White, maiksi lang sya pero medyo kulot yung dulo <3 (sponsored by Kuya Macoy)





Gabi na kaya wala nanaman si Kuya Macoy at si Tita, malapit ko na ngang isiping kasali sila sa group ng mga kultong nangunguha ng sandals e. Haayst




Madalas umalis si Kuya Macoy ng gabe pero minsan sumasama si Tita tapos kapag tinatanong ko kung saan sila pumupunta palagi nilang sinasabing malalaman ko rin daw pag dating ng pasukan. Nakakainip na nga e!








Nagtatrabaho si Tita sa isang school, sabi nya. Pero di ko alam kung teacher sya dun or janitress or principal or canteeners kasi di naman nya sinasabi, kahit yung name ng school. Si Kuya Macoy naman hindi ko alam kung ano yung trabaho nya, madalas nyang sinasabing Detective daw sya pero mukha namang hindi kasi... kasi... basta! Hindi ako naniniwala kase mukha naman talagang jino-joki nya lang ako.










Macoy's PoV


"OKAAAY! Truth or dare Pare?" Nakangising tanong ko kay Lei habang sumasayaw. Hahaha yari ka ngayon!




"Truth pare!" Sagot naman nya. Tsk sayang dapat dare e, bading talaga amputs.





"Wala akong nakaready-ng tanong e, dapat kasi dare, bading ka talaga." Sagot ko habang nag iisip ng itatanong.










"ULUL!" Sagot ni Lei.




"Ako na nga ang magtatanong pre, alam mo namang ayaw kitang nahihirapan e." Singit naman ni Blaze. Tss, nabakla nanaman sakin to, ang gwapo ko kasi e. Shetness!

Snow White and the Seven MagiciansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon