Untitled Part 4

12 0 0
                                    


Hey you!

Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.

Coo Coo

Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.

Babble Lucky

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.

Hocus Pocus

Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo'y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.

Eureka!

Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).

La-la

Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Mama

Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una' y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.

Rene Descartes

Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.


Plato

Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.


Jose Rizal

Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika? Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao


Charles Darwin

Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest, elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao, kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na "On the Origin of Language", sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng iba't ibang wika.

SeFisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon