Chapter 1

550 7 5
                                    

Jake's POV

Kay ganda nang umaga! Umagang kay ganda! Kay ganda nang lintik na umaga! Lintik na umaga! ==______==

Nagising ako sa pagriring ng cellphone kong tinalo pa ang buzzer sound ng basketball sa lakas ng volume. Tiningnan ko ang text kung sinong lintik ang sumira ng napakagwapo kong tulog.

From: Clarisse

Hi babe. Get up now. I miss you

Get up?! Nang alas kwatro ng madaling araw?! Syonga din to no?! Baka sira yung orasan nito o ulo?

To: Clarisse

You woke me at this time? Burn in hell. Were break.

Nakakainis at nakakabadtrip talaga! Masyadong clingy at talagang halata na patay na patay sa akin. Tingnan mo, inunahan pa ang pagtilaok ng manok at gisingin ang gwapo kong pagtutulog! Pinuyat niya pa nga ako kagabe sa pagtetext niya sakin nang kung ano-anong kabwesitan sa buhay niya!

From: Clarisse

What?! Oh my gosh! You can't do that! Jake!

Anong I can't do that? Tanga na talaga ang babaeng ito! Eh ginawa ko lang sa kaniya tapos sasabihing hindi ko magagawa?

Pinatay ko nalang ang cellphone ko. Ay hindi pala, I blocked that stupid girl at saka dinelete ang number niya sa cellphone ko.

Kainis. Hindi porket napakagwapo ko na ay gigisingin ako ng madaling araw dahil namimiss ako! That is so unfair! Kung maaga siyang gumigising, eh siya lang! Dapat siya lang! Hindi yung isasama niya ako sa morning routine niyang lintik!

Wala na akong magawa kundi bumaba na sa kusina at nag-toothbrush.

Pero bago ang lahat, e introduce ko muna ang self kong gwapo sa inyu.

Ako nga pala si Jake Cloud. 16. At upcoming Grade 10 na sa pasukan. Oo, may girlfriend ako. Pagalitan niyo nang ang bata ko pa sa mga bagay na iyan. Eh hindi ko naman sineseryuso no! Asa. I have 6 ex-girlfriends na at pang 6 si Clarisse. She's my girlfriend for 12 hours. Hahaha. Kung iniisip niyo na may kaya ako sa buhay? Pwes may kaya talaga ako. May kaya akong mapamahal ang isang babae sa loob lamang ng limang segundo. Chaaar! Joke lang. Hindi lang ako basta may kaya, mayaman talaga ang lahi namin. My parents have a company abroad and of course, andon sila para magwork. May older sister ako, her name is Jeshyl. She is also abroad working as a model pero nagtapos siya ng Civil Engineering. At ako? Malamang nag-iisa dito. Eh sinabi bang dito lang daw ako mag-aral para may tao sa bahay namin dito sa Makati? Galing diba? Eh kung si Jojo Binay nalang kaya ang pinabantay nila sa beloved mansion nila na ito? Dejoke lang. XD Ginawa pa nila akong housekeeper. Parang si San Pablo. Hahahaha. Gatekeeper pala yun. Tanga.

Ang babae ko kung mag-usap at mag-taray no? Eh tama lang naman kayo. Babae ako. Kasing tanga niyo na siguro ang sa mental kung hindi niyo pang maisip na tomboy ako. Sa description palang nang story! Haaaay. Ibinunyag na nang napakagandang author ang aking kapintasan! Nabawasan tuloy ang chicks ko dahil nalaman nilang tomboy ako! Mamaya, ang author pa ang ligawan ko nito sa mga pinangagawa niya eh!

A/N: Huwag kang dumamoves sa akin dahil hindi ako magdadalawang isip na ibunyag sa lahat ng mga nililigawan mo ang kasarinlan mo.

Hahaha! Talaga? Ito naman! Hindi ka talaga mabiro author! Kahit na ang genre ng story ay Humor at Romance wala kapa ring humor! Tumor lang sa ulo. Hahaha! XD

Ang Girlfriend 'Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon