Chapter 13

98 2 0
                                    

Jake's POV

Natapos na din ang kalse namin and we decided na maglulunch nalang sa cafeteria. Oo, WE. Ako, si Vinze, si Bakla, at siyempre si Bash.

Habang naglalakad kami ay wala namang humpay ang pagtili ng mga chicks. Bwesit lang. Alam kong ako ang pinakagwapo sa kanila, pero kahit anong gagawin ko, truth hurts, hindi ako ipinanganak ng may kakayahan na mabuntis ang babae. Huhu sadlife :(

Pero bahala na! Basta ako ang pinakagwapo. Yun na, masaya ako.

Nakarating na kami ng cafeteria. At peste lang ang tadhana (eww Jake, tadhana talaga? Bakla mo huh), naiwan ako sa upuan na pinili nila Vinze with Bash. Eh yung bakla kasi at ang kumag na si Herberto na iyon ang umorder ng kakainin namin. Baka may bromance sila? Or secret affair? Mga gagu.

Inayos ko ang pag-upo habang pinupunasan ang shades ko when suddenly he spoke.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw 'tong nasa harapan ko, Jakelyn--- I mean Jake." Mahinahon niyang sabi pero may kaunting halaghak. Nagcross-arms din siya. Haleer? Sa tingin niya I'm into him pa? Ulul. Nakakain na kaya ako sa Mcdo! Bwesit.

"Kung ayaw mong maniwala, edi huwag." Malalim kong sagot. He just smirked pagkatapos ay parang chineck niya yung phone niya. I bet si Kate parin yung kinababaliwan nito. Baliw ever.

"Matanong nga, kayo pa rin ba ni Kumag--- este ni Kate?" Tanong ko sa kaniya. Oyyy! Curious lang talaga ang lolo niyo! Huwag kayo. ==___==

"Actually, 1 year na akong single." He smiled to me. Hindi naman ako ganun kaduwag para malaman na 1 year na rin silang break ni Mangkukulam. Very Good! Tinapos niya din yung katangahan niya. Akala ko kasi siya yung magpapatunay sakin na may forever, FOREVER TANGA. Kaso hindi rin pala, so mabuhay ang #WalangForever! #BakitMayHashtag? #BaklaMoTalagaJake

"Ahh ganon ba? Akala ko hindi kapa mamumulat sa kung ano ang difference between reality and fiction." Tinawanan niya lang ako. Eh kasi naman parang joke talaga yung si Kate na iyon. Ang OA. May OP kaya yung kumag na iyon? Parang hindi kasi siya tao. Parang hindi siya totoo. HAHAHAHA

"Eh ikaw naman Jake? May lovelife ka na ba?" Tanong ng ulul. Talaga ba author? Amin lang talaga ng tanga na ito ang convo sa chapter? Tsss. Nakakalasing kasi tong gagu to.

"Lovelife? Thuglife." Sabi ko with a sigh. He just looked at me na parang seryuso. Bakit trip nilang gumanito? Alam mo ang sarap untugin ng mga gagung to eh. Ang bipolar!

(A/N: Look who's talking.)

Tumahimik ka author. You made me stuck with this sort of gorilla. Tsss. Pabalikin mo na kasi yung bakla at unggoy na iyon! Nakaka-wiy poise to eh!

(A/N: Mamaya na. Hahaha!)

Tsss. Kahit ano naman kasi ang reklamo ko dito sa author na to eh gagawa at gagawa ito ng kung ano ang sasaya sa loob niya. At ang sasaya lamang para sa kaniya ay ang makita ang gwapo kong fes na nabebwesit.

"Pero, Jake. I want to tell you that ---" Hindi na natapos ang sinasabi ni Bash dahil dumating si Kurt. Yehey! Superhero ko talaga tong si Kurt! Walang malisya mga gagu.

Pero nabigla naman ako sa ginawa ng baklang to. Inakbayan niya ako saka hinalikan sa pisngi...

Loading...

Loading...

Processing...

Install complete...

Hinampas ko siya ng tudo sa mukha kaya parang nalugmok siya ng konti sa lamesa. Gagong to?! Hindi pala siya superhero, more like a villain pa! Peter Pakeeer! Ugh! Ang nakakabwesit pa ay mataming nakakitang mga chicks at nag-umpisa na silang magbulungan.

Pero bago pa ako magsalita ay bumungal na si bakla.

"Grave ka naman, Babe. Eh kasi may kumukulit sakin dun na babae. Hindi daw siya naniniwala na may girlfriend ako." Nagpout pa ang puta. Eh kung ipahalik ko kaya to sa chihuahua? Chihuahuang kalbo.

"Eh ano naman sakin? Gagu ka!" Hinampas ko siya ulit sa ulo kaya parang nauntog yung ulo niya sa lamesa. Tyming naman na dala na ni Herberto yung order namin. Nakuuu mapupuno na talaga ako sa dalawang homo-sapiens na to!

Hinimas lang ni Kurt yung batok niya at si Bash naman, seryuso lang. Hay nakuu. Sasanayin ko nalang ang sarili ko sa pagka-bipolar ng mga bwesit na to. Humanda lang talaga sila sakin.

Kumain lang kami at sadyang ang weird. Eh kasi naman ang tahimik eh! Nasosobrahan na ata yung mga loko na to sa pagka-bipolar at talagang kinareer yung pagiging seryuso. Talagang wala ni isa ang umiimik. Nakafocus lang talaga sa pagkain at ako naman, kumakain din pero pinagmamasdan sila.

Nang ilamg saglit ay sumalita si Bash. It really broked the silence and damn broked my heart. Echooosss lang! Baka kasi pati kayo mahawa sa mga gagung to. Huwag nga kayong maging seryuso! Dapat happy! *insert peace sign*

"Paano kayo nagkakilala ni Jake, Mr..?" Tanong ni Bash kay Kurt. Alangan naman si Vinze eh magkakilala na sila. In speaking, hindi pa nga sila magkakilala ni Bakla! Uunahan ko na sana si Kurt na sumagot dahil alam kong hindi maganda ang kutob ko sa isasagot ng pesteng to. Pero sadly, I didn't win the race.

"Kami ni babes? Ganito kasi yun. Nagkakilala lang naman kami kasi noon, sinadya niya akong banggain sa arcade dahil daw na love at first sight siya sakin. At dun nagsimulang ligawan niya ako sinagot ko naman siya. Eh talaga namang patay na patay to sakin ---ARAY! Nakng?!" Binatukan ko ang lintik na bakla na talagang ang daldal talaga ng bunganga, ever. At sinungaling pa ha! Bwesit lang?! Sabi ko na nga bang masama ang kutob ko sa isasagot niya eh! I really should have trusted my fucking instincts!

"Ginagagu mo ba ako, bakla?" Sabi ko sa kaniya. Tumahimik nalang ito at parang pasikretong tumatawa na parang loko. Halata naman na parang sasabog na sa kakatawa tong si Vinze. Eh hindi nga kayang umimik, tatawa pa? Anong karapatan nito para sumawsaw sa usapan? Wala siyang inambag ha!

"Sino ang sumabi sayong tumawa ka?" Sabi ko kay Vinze. Eh tumawa na ang loko eh. Bwesit lang. Talaga bang hindi ako mawawalan ng mura sa isang araw nito? Dahil lang sa mga gagong to? Fuck!

Nagsmirk lang si Kurt at nagkibit balikat. Marami na ata akong sasanayin nito. Una nga is yung pagiging bipolar ng mga chokla na ito, at ikalawa naman ay ang pathetic at kadiring bunganga ni Kurt. Why you do this, life?

Ang Girlfriend 'Kong TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon