Her POV
Kahit na anong gawin ko hindi ko pa rin talaga siya makalimutan. Hindi ko makalimutan yong panlolokong ginawa niya sa akin. Ako nga pala si Dreyana Katzumi Lopez Yana for short. 16 years old na ako. Galing kami sa France at may company kami doon na si Daddy naman ang nagpapatakbo. Kasama ko si Mommy at kuya na umuwi dito sa Pilipinas. May Company din kami dito sa pinapatakbo naman ni kuya. Si Mommy naman nasa bahay lang, siya yong nag-aalaga sa akin. First day of school pala ngayon at Gr.11 na ako.
Baby, baba ka na diyan. May pasok ka na at kailangan mo ng magready. - Mommy
Yes mom, bababa na po ako. Wait lang mom maliligo lang po. - Yana
Pagkatapos kung maligo bumaba agad ako at kumain. Pagkatapos kong gawin ang lahat, nagpaalam na ako kay Mommy at umalis na.
Incoming Call .....
(Bes Yrah)Yes? - Yana
Nasan ka na bes? Hintayin na kita dito sa Hallway. Bye. Take Care. - Yrah
Nakarating na ako sa school at nakita ko si Yrah sa hallway. Magkaklase kami kasi we have the same track na pinili namin.
Bes, Tara na flag ceremony ngayon. Dapat nandon na tayo. - Yrah
Oo na, natraffic nga anong magagawa ko? - Yana
As always. Dibale na maghintay na lang tayo sa room. It's so mainit kaya. -Yrah
At pumunta na nga kami sa room. Kahit kailan talaga tong kaibigan kong to, ang lakas ng topak. Pagkatapos ng flag ceremony nagsimula na rin yong klase namin. As usual, pakilala nanaman sa isa't isa. 1 week ang natapos na puro pag-aaral ang inatupag ko. Saturday ngayon kaya andito lang ako sa bahay.
Incoming Call....
(Unknown Number)Hello, sino to? - Yana
Hello! Grabe ka makalimot ah. Si Sarah to. High School friend mo. - Sarah
Ikaw pala, kamusta na? Long time No talk ah. Bat ka pala napatawag? - Yana
Uuwi kasi ako sa sunday diyan. Kasama ko yong boyfriend at pinsan ko. Imbetahan sana kitang mamasyal. Shopping tayo. Kasama natin sila boyfie. Free ka ba? - Sarah
Oh sige sure. What time? -Yana
10 am fren. Okay lang? Para naman mas matagal tayong magkasama. - Sarah
Sige.Bye. -Yana
Pagkatapos ko makipag-usap sa kanya, naligo na ako at binuksan ang laptop ko para mag-open ng facebook. 1 friend request? Hindi ko inaccept hindi ko naman kilala.
Linggo na pala at magkikita pala kami nila Sarah. Naligo na ako at nagbihis. Simple lang yong suot ko. Jeans and naka t-shirt ng star wars. Nagpaalam na ako kay mommy at pumunta na sa Mall. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila kasi nasa Mcdo sila kumakain.
Hi Yana. Oh my gosh! Hindi ka pa rin talaga nagbabago, maganda ka pa rin - Sarah
Hi. Naku ikaw din naman maganda pa din. -Yana
As always. Nga pala Si JB boyfriend ko at si Chester pinsan ko. - Sarah
Nice to meet you guys. I'm Dreyana Katzumi Lopez, Yana for short. -Yana
I'm Chester Chua, pinsan ni Sarah. Nice to meet you too. - Chester
Ang guwapo niya. He has brown eyes, chinito at maputi,may mga dimples at matangkad siya.

BINABASA MO ANG
INFINITY
RomansaPaano kung sa unang pagkakataon na magmahal ay ganon ay iyong naranasan? At dahil doo natatakot ka ng magmahal ulit? Handa ka bang magmahal ulit matapos ang pangyayaring iyon?