Last Part (Pahabol XD)

618 14 0
                                    

Eto ay mga sign na mahal mo na si Crush, base lang sa mga naririnig or sinasabi sa akin ng iba. Pero yung iba sariling opinyon ko lang. Hindi ko din kasi alam kung paanong malalaman mahal mo na nga talaga ang isang tao.

Tao lang din ako, naguguluhan sa nararamdaman. Lalo na kung first time mo lang ito naramdaman.

Mga posibleng senyales na inlove ka na sa taong CRUSH mo lang kamo:

1. Hindi mo alam kung bakit mo siya nagustuhan. Hindi naman siya ganong kagwapo/kaganda. Hindi naman siya kagustuhan gaya ng iba, pero siya pa din ang gusto mo. Kadalasan sinasabihan ka ng bulag ng mga kaibigan mo kasi. Bakit daw ba siya pang nagustuhan mo e ang dami namang maganda or gwapo diyan sa tabi tabi.

E sa love nga kasi walang basehan 'yan. Basta basta ka na lang maiinlove kahit sa taong kinaiinisan mo pa noon.

2. Lagi siyang nasa isip mo.. kahit hindi mo naman ito sinasadya.

3. Nagseselos ka kapag may kasama siyang iba.

4. Masaya ka kapag kasama/kausap mo siya.

5.  Hindi mo maipaliwanag ang feelings mo para sa kanya.

6. Gusto mo siya sa hindi mo maipaliwanag na dahilan

7. Tanggap mo kahit ano pa siya. Tanggap mo buong pagkatao niya. Good or bad side man 'yan.

8. Lagi siyang hinahanap hanap ng mga mata mo.

9. Nalulungkot ka kapag hindi mo siya nakikita.

10. Kapag kasama mo siya parang ayaw mo ng mawala siya sa tabi mo.

11. Nag-aalala ka kapag wala siya.

12. Lahat kaya mong gawin para lang sa kanya.

13. Pinoprotektahan mo siya.

14. Malaki ang tiwala mo sa kanya.

15. Mas apektado ka pa kapag inaaway siya.

16. Masaya ka kapag masaya siya, malungkot ka kapag malungkot rin siya.

17. Nasasaktan ka.

18. Hinihiling mo na sana maging kayo/ sana kayong dalawa na ang para sa isa't isa.

19. Hinihiling mo na sana may puwang ka din sa puso niya.

20. Wala kang pakealam sa sasabihin ng ibang tao.

21. Lagi kang masaya kapag nandiyan siya, nawawala ang problema.

At maraaaaaaaaaaaaamiiiiiiii pang iba.

Wala naman masama kung ang CRUSH ay mapunta sa LOVE. Lahat naman ng tao dumadaan sa prosesong 'yan. Una pakras kras lang hanggang lumalala at mapunta sa salitang love.

Lahat naman ng tao na-iinlove, nagmamahal, nagiging tanga ng dahil sa pag-ibig.

Sabi nga ang pag-ibig ay ang pinakamakapangyarihan sa lahat kaya once na tinamaan ka nito wala ka ng magagawa, tinamaan ka e. Masarap naman ang umibig lalo na kung mahal ka din ng taong mahal mo. Pero kung hindi? Aba'y magbigti ka na lang. Echos! Hindi solusyon ang pagpapatiwakal hahaha.

Ang daming definition ng love sa google, pero wala naman talaga itong depinisyon. Kanya kanya ng opinyon ang tao dahil may kanya kanya tayong nararamdaman.

Minsan ang taong akala mo CRUSH mo lang mahal mo na pala talaga. Sa isang iglap mararamdaman mo na lang 'yan bigla.

Dear Crush,

Bakit parang hindi mo napapansin ang lahat, nakatingin naman ang mata mo sa akin pero oarang hindi pa 'yon sapat, upang mapansin mo ang aking pagtingin.

Sana minsan makausap ka kahit saglit, makasama't mayakap ka kahit na ilang saglit sa personal at hindi lamang sa panaginip.

Baliw na yata ako, baliw o mahal na kita crush ko?

Love,

*Insert your name here*

P.S. habang tumatagal lalong lumalala

Crush Problems 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon