Gio Quizon

3 0 0
                                    

Kriiiiiiiing

Nagising ako sa tunog ng phone ko. Kakatulog ko lang at kailangan kong bumangon para sa phonecall na to. Shit lang.

Kinuha ko ang phone ko sa sidetable, tiningnan ko muna kung sinong tumatawag syempre.

Rooch calling...

Bakit to tumatawag?!

"Hello?!" Sagot ko sakanya. Hindi naman siguro halata na ayaw ko syang kausap. Note the sarcasm.

"Hi,son. Sana hindi kita naistorbo." Sabi nya. Napabuntong hininga naman ako.

Rooch is my mom. Di halata diba?

"Ano ba yon? Kelangan mo?" Pabalang kong tanong sakanya. Narinig ko naman ang 'tsk' nya.  Bat akala nya ba magpapaka-anghel ako sakanya?

"Hmm, pumunta ka ngayon dito sa manila. Hihintayin ka namin ni Gio." Sabi nya tsaka ako binabaan. At! Sya pa ang may ganang babaan ako?! What the duck! Qwack!

Napabangon naman ako agad. Hinugot ko ang sarili ko sa kama. Kahit labag sa loob ko. May hangover pa ko! Galing pa naman ako ng party kagabi.

Pumunta ko sa CR at humarap sa salamin. Hickeys at kalmot ang nakikita ko sa buong katawan ko. Ts. Wild pala yon, di naman sinabi ng mga yon na tigre ang ipapalapa nila saken, ako tuloy ang nalapa.



Naligo ako agad, medyo nagbabad pa ko. Syempre ang bantot ko na. Ts.

Nang matapos ako maligo ay pumili na ko ng damit, yung simple lang. Pupunta lang naman ako kila Rooch.

Bumaba ako sa sala at kinuha ang mga gamit ko, laptop, bag at kung ano ano pa. May assignment pa ko kaya kailangan ko tong dalin para mapasa na bukas. Mukhang magtatagal kasi ako kila Rooch.

Lumabas ako ng bahay at pumasok na sa kotse, hindi ako sanay na pupunta sakanila ng may driver.

Baka mamaya sumaya si Rooch pagginamit ko yung hinire nyang driver. Tsk. Wag nalang.







Matagal-tagal din bago ako makarating sa bahay nila Rooch, napakunot ang noo ko ng makita ko si Rooch na nagiimpake.

"Ano yan?" Tanong ko sakanya. Napatalon pa sya sa gulat at napahawak sa kanyang dibdib.

"Don't you know how to knock?" Medyo naiinis na tanong ni Rooch. Tinaas ko lang yung balikat ko sakanya. Natatawa naman ako sa inaasal nya.

"Bakit?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman sya sakin tsaka ko binato ng hanger.

"Anong bakit?" Tanong nya sakin. Pabalik-balik lang sya sa closet tapos ibabato yung hanger sa kung saan.

"Bakit mo ko pinapunta dito?" Tanong ko sakanya. Napahinto naman sya sa pagsiksik ng gamit sa maleta nya. Napatitig sya sa mukha ko na para bang kinakabisado ang buong mukha ko.

Lumapit sya sakin at hinawakan ang mukha ko. Kunot noo kong inoobserbahan ang galaw nya. May something talaga to si Rooch ngayon.

Nagulat ako nung biglang mangilid ang luha nya. Niyakap nya ko agad at humagulgol sya. Mas lalo akong nagtaka. Anong drama ni Rooch ngayon?

"Kamukhang kamukha mo talaga sya Kio, you're really his twin." Nakangiti nyang sabi nang humiwalay sya sa yakap nya sakin. Bigla akong nanlumo, hindi si Rooch ang may problema. It's probably Gio.


"Ma?" Napatingin ako kay Gio na nasa frame ng pinto. Agad syang lumapit ng makita nya ko.

"Bro, you're here. Sasama ka ba?" Masigla nyang tanong sakin. Agad namang lumapit sakanya si Rooch.

His Imperfect TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon