First Play

1 0 0
                                    

"Kio, nak, gising na." Inalog-alog pa ko ni Manang Belen. Napadilat naman ako aagad at hinugot ko na ang sarili ko sa kama.

6:24 am

Gantong oras sya ginigising ni manang? Pumapasok sya ng first subject?! Eh ako nga halos kalahati na ng last subject ang abutan ko eh!

Naligo ako agad at nagmadali. Mamaya malate ako. Nagpromise ako na aalagaan ko ang imahe nya.

Pagbaba ko ay kinain ko ang hinandang cereal ni Manang. Napalingon ako sa pababa nang si Fletcher.

Nakauniform ito at halatang antok na antok pa. Mugto pa ang mata nya.

"Goodmorning kuya Gio." Bati nya. Alam kong ako ang tinutukoy nya.

Pagtapos ko kumain ay nagdrive na ko papunta sa school ni Gio.

Eastern Theresa University


Namangha ako sa laki ng school nila. Grabe feeling ko hindi to school.



Pagbaba ko ng sasakyan, nginitian ako ng mga estudyante.

"Goodmorning Edward!"
"Hi Gio!"
"Gio! Mas gwapo ka ngayon!"
"Ganda ng gupit mo Gio!"
"GIO!"
"We love you Gi!"

Napangiwi naman ako sa mga sinasabi nila. Sinasamba nila si Gio? Hahaha.

Pumasok ako sa school at pumunta sa room na sinabi sakin ni Fletcher. Sunod-sunod naman yung mga number ng rooms.

Nang mapuntahan ko na ang room 63 ay umupo na ko. Halata namang kay Gio yon dahil yun nalang ang bakanteng upuan.

"Goodmorning Gio!" Bati sakin ng mga kaklase ni Gio. Ngumiti naman ako tapos kumaway.

Napatingin ako sa bintana, hayy. First time ng pagpapanggap ko to.

"Par!" Sigaw ng nasa likod ko. Napalingon naman ako. Wait, kilala ko to. Nireview ko yung folder kagabi. Alam kong sya si Thomas.

"Uy. Hehe." Bati ko sakanya. Napakunot naman yung noo nya.

"Nagpagupit ka ba Gi?" Tanong nya sakin. Napangiti ako ng mapait, nakalimutan kong iba ang buhok ni Gio.

"Ah. O-oo. E-eto kasi yung b-bagong ano,uhm,hairdo." Nanginginig kong paliwanag sakanya.

Kumagat ka, kumagat ka.

"Ah. Oo nga pre. Bagay sayo, mas gwapo ka na." Sabi nya tapos tinapik yung balikat ko. Napatingin naman ako sa katabi kong natutulog.

Sa kulay ng buhok nyang Gray, hindi ako nagkakamali, sya si James.

"Par!uwian na!" Sigaw nung baby face sa tenga ni James. Siguradong Michael ang pangalan nya.

Tumawa naman kami ni Thomas dahil sa reaksyon ni James. Napatayo ito agad at sinukbit yung bag nya. Nagtawanan din yung mga kaklase namin.



Nagdiscuss lang yung teacher namin sa biology. Tapos nag break time na.

Sumama ako kila James papunta sa canteen. Pero nagulat ako nang biglang huminto si Thomas.

"Bakit Par?" Tanong sakanya ni Michael. Nagulat ako nung tumingin sakin si Thomas. Nakakagulat naman to.

"Par, si Crib?" Tanong nya sakin. Napakunot ang noo ko. Crib? Sa baby yon ah?

"Ha?" Pagpapaliwanag ko sakanya. Naguguluhan ang sa isang to. Pero pinilit kong maging kalmado, baka makahalata sila.

"Si Crib kako. Di mo ba sya pupuntahan?" Seryosong tanong nya. Napanganga ako.

Pano ko pupuntahan yung Crib na yon kung hindi ko naman sya kilala?!

Natagalan pa ko bago ako makasagot. Dahil wala akong maisasagot.






"Ah. Diba tol sabi mo sakin, LQ kayo ni Crib?" Nagulat ako ng pinatong pa ni James ang kamay nya sa balikat ko at parang pinipiga ito. Masakit ah!

"A-ah. O-oo. S-sinabi ko nga p-pala s-sayo." Sagot ko naman. Namimilipit parin ako sa sakit. Pano ba naman, pwede nya naman akong kurutin. Pero piniga nya ko.


"Ganun ba. Sige." Madilim na sabi ni Thomas saka ito ngumiti.

Whew.

Kumain lang kami sa canteen. Tulad kanina ay marami nanamang bumabati sakin. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti.

Pagtapos namin kumain ay umalis kami. Sinusundan ko lang sila. Di ko naman to kabisado eh.

"San tayo pupunta?" Tanong ko. Kanina pa kasi kami naglalakad. Masakit na din ang paa ko.

"Sa tambayan." Sabi ni Thomas.

Ganito kalayo ang tambayan nila?! Grabe! May sakit sa puso si Gio pero nakukuha nyang maglakad ng ganto?!

*paak*

Nagulat ako nang bumulagta nalang ako bigla sa sahig. Damo naman to kaya ok lang pero masakit ang panga ko.

Sinamaan ko ng tingin si Thomas na nakayuko habang nakayukom ang kamao. Alam kong sya ang sumapak sakin.

"Sino ka?" Tanong nya. Napatingin ako kila James at Michael, nakatingin lang. HINDI BA SILA AAWAT?!

"Sabihin mo! Sino ka!" Pumatong sakin si Thomas at binigyan nanaman ako ng sapak. Tangina.

Sabi ni Fletcher ay hindi daw lumalaban si Gio, di naman daw ito basag ulo. Pero putangina AKO SI KIO AT LUMALABAN AKO!

Agad kong tinulak si Thomas na kinagulat nya naman, nang mabigyan ako ng pagkakataon ay ako ang pumatong sakanya at pinagsasapak sya, naramdaman ko ang kamay at braso nila James na inaawat ako.

Nang makuntento ako kay Thomas ay tumayo na ko.

Nakayuko lang ako at nagtitimpi, sino sya para sapakin ako?

"S-sino k-ka b-ba t-talaga?" Nanginginig na tanong ni James. Inalalayan nilang tumayo si Thomas.

Ngumisi naman ako. Hindi nila ko kilala, sinapak nila ko tapos tatanungin nya ko kung sino ako?!

"Asan si Gio?" Tanong naman ni Michael. Tinaasan ko sya ng kilay.

Wala akong balak na sagutin sila. Tumlikod na ko agad at aalis na sana.



"Kilala na k-kita."

Napalingon ako sa may black eye na si Thomas. Umupo sya sa damuhan, umupo din sila James at Michael. Sinenyasan naman nya kong umupo din.

Dahan dahan akong umupo sa damuhan. Seryosong nakatingin kay Thomas.

Anong alam mo, gay?

"Kio." Tawag nya. Napatingin ako sakanya. Kio? Kio ano? HAHAHHA

"Kio William Quizon." Sambit nya sa buong pangalan ko. Napangisi naman ako, matalino ang baklang to.

"Ano?" Gulong gulo na tanong ni Michael.

Pinunasan muna ni Thomas ang dugo sa labi nya.

"Kambal ni Gi. Si Kio." Sabi nya kila James.

Manghang napatingin sakin si James, ngayon lang sya nakakita ng kambal?

"Kio," tawag sakin ni Thomas ulit. Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay.

"Asan si Gi? Bakit nandito ka?" Tanong nya.


Napangisi ako kung gaano ka-curious ang mga dagang ito. Nakakatawa sila.

Wala kong nagawa kundi ang sabihin sakanila lahat, ang tanging reaksyon lang nila ay










HA?

His Imperfect TwinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon