Chapter 6

2 0 0
                                    

"Okay okay, lima lang kami na nasa bahay ngayon ako, si zeri, tas sila manang at yung driver namin yung parents kasi namin nasa ibang bansa" sabi ko kay wade

"Bakit kayo nandito? Imbis na dun kayo?"

"Dun talaga kami simula nung pinanganak kami ni zeri kaso gusto ni mommy na dito kami kasi hindi na nila kami naasikaso kasi busy daw ganun" sagot ko

"Ano work ng parents mo?" Hindi ako nainform na QnA pala to

"Si daddy may ari ng company dun tas si mommy naman may hotel siya dun"

Bigla siyang tumango "buti hindi nahihirapan parents mo kasi iba work nila"
"Hindi naman kasi halos sabay lang sila ng uwi" sabay subo ko ng pagkain

"Pano nagkakilala mom and dad mo?"
"Ahh childhood friends na sila so parang magbestie ganun, pero naghiwalay sila kasi lumipat ng province si mommy then 8 years later daw nagmeet ulit sila so parang hs na si mommy nun tas 1st year college si daddy"

Hay grabe sila magantay ni mommy ang tindi!
"Woah true love waits nga naman" biglang ngiti ni wade

"Eh yung parents mo?" Tanong ko
"Ah arranged marriage sila." Biglang simangot ni wade
"Pag ako nagpakasal ayoko Sa arranged" sabi niya bigla
"Ako din yun bang parang ikaw yung ginawang bayad para yumaman kayo" totoo naman kasi diba? Parang ang unfair lang sa anak mo

"So ilan kayo magkakapatid?" Tanong ko kay wade
"Actually twins din kami kaso babae siya pero ako mas matanda sakanya" wow ang cool naman! Sana naging lalaki na lang si zeri

"Alam mo,Idol ko nga sila mommy eh kasi ba naman ilang years sila nag antay no communications etc yun bang bigla na lang silang pinagtagpo, Nag antay pa din si daddy na makatapos si mommy. Grabe hirap ni daddy noon"

"So gusto mo yung taong kayang magantay at kung sino talaga yung gusto niya hahanap hanapin niya pag nawala?" Seryosong tanong ni wade

"Hmmm parang ganun na nga tsaka gusto ko talaga yung taong seryoso" sabi ko
Yung talagang ikaw lang mahal niya? Hindi yung sa una lang siyang magaling magpakita kung gano ka niya kamahal

"Hayaan mo seseryosohin naman kita"

--------------
1 text message from france
:Hi bestie! Where are you pala? Pwede mag sleepover sa house niyo? Nag away nanaman kasi sila mommy please? Otw na ko wag ka ng tumanggi! Loveyaaahh!:

Nasa byahe na kami ni wade kanina pa kaso traffic nga lang bahala na si france dun wala eh bahay niya yun kahiya naman sakanya no?

"Ako na mag bibitbit ng gamit nisia mauna ka na sa loob" yaya ni wade
"Ay sige thanks"

"Aba aba twinnie anong oras na?"
"9:24?"
"Diba sabi ko sayo umuwi ka agad?" - zeri

Dumiretso na ko sa loob pagod ako galing pa ko sa training diba tsaka ang daming tao sa mall makipag siksikan ka naman dun sa mga tao hays panigurado nandito na si france sa kwarto ko

Umakyat na ko 3rd floor ba naman kwarto mo jusme pagkapasok ko sa loob boses niya agad narinig ko

"Hi bestie! Kumuha ako ng pj's sa closet mo ha! Gulo na ng closet mo bestie!!! Walk in pa naman yan!" Reklamo ni france

"Edi sayo na yang walk in closet na yan" pasungit kong sabi

"Oh bakit malungkot ang fes natin ngayon? Nag lq ba kayo ni bebe wade?"
"Walang kami tsaka hindi masama lang pakiramdam ko France kaya shutup! Shh na okay? Matutulog na ko goodnight!" Sabi ko kay france

"Inom ka kaya gamot bes!"
"Yaw"

Maya maya tumunog cellphone ko

3 text messages from wade
:Just heard your conversation with france so get well soon nisia, Hindi na ko pumasok sa kwarto mo kasi halatang you need rest. Text me when you're feeling better

:Just text me if you need something food, med or something. Wag ka na muna pumasok tomorrow ako na bahala kay ma'am friday na din naman bukas

:tomorrow I'll be there to check you, wag ka na umangal pwede? Shut up na goodnight nisia

Please Choose MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon