okay na

39 0 0
                                    

Siya yung babaeng hindi pinag-aaksayahan ng oras ang kahit sinong lalaki maliban sa mga kamag-anak niya. Siya yung babaeng hindi naniniwala sa pag-ibig na nangyayari sa murang edad. Siya yung taga-"ayiee" ang role sa love lives ng iba. Siya yung projects at requirements lang ang problema. Siya yung stressed pero dahil lang sa school. Pero lahat ng yun, NOON. At ang tinutukoy kong "siya" ay ako. Dahil nang dumating yung isa pang "siya", nagbago na ang lahat.

Ako ay ako pero unti-unting nagbago nang pumasok siya sa buhay ko. Naranasan kong makaramdam ng saya na hindi kailanman naibigay ng kahit na sino. Ipinaramdam niya sa'king espesyal ako, na dapat akong mahalin at na dapat akong alagaan. Ako ay ako pero unti-unti ring nagbago nang umalis siya sa buhay ko. Bakit? Hindi ko alam. Siya yung unang nagpadama sa'kin ng pag-ibig ngunit pati na rin ang sakit, sobra-sobrang sakit na siyang sumira sa'kin. OA kung pakinggan pero totoo, kasing totoo ng pagmamahal na aking ibinigay. Lumipas ang mga araw at buwan, walang oras na hindi ko siya naisip. Hanggang sa napagtanto kong, bakit ko sinisira ang sarili ko dahil lang sa taong binalewala ako? Sumagi sa isip ko na hindi na iyon tama. Kailangan kong itapon at wasakin ang hindi akma at ibalik ang dating ako. Tama, iyon ang tama. Ako'y nakakikita ngunit nabulag ako sa kanya. Ako'y nakaririnig ngunit pinili kong pakinggan ang puso ko kaysa ang utak. Ako'y nakadarama ngunit ako'y ginawang manhid. Ako'y nakaiisip, nakapagsasalita, at nakagagawa ngunit pinili kong hindi, dahil minahal ko siya...nang sobra. Iyon yung mali, dahil kaya ko namang mabuhay nang wala siya. Hindi niya ako hawak. Hindi na ngayon, natauhan na'ko.

Ako ang nagmamay-ari sa akin samakatuwid, kaya kong pamahalaan ang aking sarili. Hindi siya ang masisira kung pilit kong sisirain ang sarili ko. Salamat at wala nang natira pa. Kaya ko naman pala. Ako ay bumalik na sa dati. Ako ay ako, at ako ay okay na. 😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

We Are Poets Where stories live. Discover now