Prologue

2 0 0
                                    


Dahil sa kanya nakakagawa ako ng mga bagay na noon ay hindi ko nagagawa.

Dahil sa kanya nangarap ako ng mas malaki na kasama siya.

Dahil sa kanya ay nagagawa umiyak gabi-gabi.

Dahil sa kanya masaya ako tuwing gigising sa umaga at may ngiti sa pag tulog.

Dahil sa kanya nabigyan ko ng kulay pa ang hinaharap ko na noon ay simple lang.

Ngunit...

Dahil sa kanya rin nakagawa ako ng isang pagkakamali na alam kong babago sa lahat.

Dahil sa kanya nagkandaleche-leche na ang buhay ko.

Dahil sa kanya nawalan ako bigla ng ganang mabuhay at ang kulay na noon ay parang isang bahaghari ay naging itim at puti.

Dahil sa kanya hindi ko na alam kung saan ako pupunta, kung ano ang gusto ko at kung ano ang magiging katapusan ko.

Nawalan ako ng kompyansa sa sarili.

Naging manhid ako.

At dahil sa kanya ...

May parte sakin na nawala at alam kong babalik lang iyon kung maibabalik ko ulit sya sakin.

Sa isang pagkakamali, isang kisap mata lang nito nawala na lahat.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OMG...
Sana ito na ang simula ng matinong kwento na magagawa ko :)

Hearts Can Never Forget Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon