CebuPresent ...
[Cheska]
"Grabe girl, graduate na tayo." Ani Christine ng mtapos ang ceremony na ginanap dito sa isang cinema sa J Centre Mall Convention Hall.
Simula kasi ng magsimula ang program ay di na kaming kausap na magkakaibigan.
"Oo nga." Sagot ko sakanya at ngumiti.
Siya si Christine Vergara, isa siya sa mga naging kaibigan ko dito sa Cebu simula ng lumipat kami apat na taon na ang nakakalipas. Nagkataon kasing sabay kaming nakapag enroll at boom. From that day di na kami napaghiwalay.
Yung nasa kaliwa ko naman ay si Flor McKinley, half-italian at half-canadian ang isang to. Reason niya kaya dito siya nag aral? Nandito daw kasi ang nanny nya. Sinong gaga ang aalis sa mundo ng karangyaan ng dahil sa yaya niya na umuwi ng pilipinas at piniling sundan ito. Edi sya! Joke.
Ito namang katabi ni Flor ay si Marian Cruz. Isa siyang hamak na rebelde. Rebelde sa magulang. Part-goer tong bruhang to. So expected gabi-gabi nasa iba't ibang bar at club tong babaeng to. Pero wag kayo, di maipagkakaila na matalino to.
At last ay itong katabi ni Christine sa kanan ay si Annie Cuevas. Bookworm. Kabaliktaran siya ni Marian at Flor. Siya ang ultimate description ng matinong babae at binibining pilipina.
Magkaiba kami ng course. E bakit kami close? Dahil po yon sa isang subject na magkaklase kami. Since first year college yun.
Mabalik tayo sa graduation thing. Almost 1hour na kaming paikot ikot dito para magpa-picture sa mga co-graduates namin. At nang matapos kaming maglibot ay dumiretso kami sa Mcdo. Doon na kami kumain at nagkwentohan nang maputol ang usapan namin ng may di inaasahang mga tao na lumapit samin. Nakatalikod kasi ako at hindi nako nag balak na mag salita pa nang nagsalita naman din ang nasa likoran namin ni Christine.
"Oy, pashare kami ha?" Sabay upo. Nag paalam pa, e di pa kami pumapayag umupo na. Hmp. Siya si Louie, nag kakilala lang kami nung may isa akong subject na subject din nya. E naging kakompitensya ko din yan kaya nang tumagal naging close din kami.
"Partida. Di pa kami nakaka-oo nyan ha? Umupo na. Galing mo talaga Louie." Sabat naman ni Flor. Pareho talaga kami ng iniisip nito pag dating sa pambabara kay Louie.
Sumunod din naman ng upo yung tatlo nyang kasama which is sina Dexter, Alvin and Noel.
[Christine]
Nagtatawanan na't lahat lahat, wala pa ring imik tong si Cheska. Bat naman kasi sa pwesto pa niya sa tabi tumabi tong monggoloid na Noel na to. Manhid lang.
At dahil may pagka chismosa kayo. De joke lang. Hehe. Osige curious nalang. So eto nga.
Si Noel at Cheska mag ex.
Oo, mag ex-boyfriend. Dating mag jowa. Dating magkasintahan. O kung ano pang tawag nyo jan.
Gaano sila katagal? Mag to-two years din sila.
Kailan naging sila? Nung second year college kami.
Sino ang nakipaghiwalay? Ay .. Yun ang diko alam.
Sabi kasi ni Cheska si Noel daw naki paghiwalay. Abay ang swerte nya ha?
"Ehem.." tikhim ni Flor tsaka nagpatuloy na mag salita. Nakaramdam siguro ng konting awkwardness. Konti lang naman. As in konti. "So, anong balak nyo after nito? I mean, nakagraduate na tayo. Diba? Anong balak nyo?"
"Kami?-" Naputol agad yung sasabihin ni Louie ng barahin ni Flor"Hindi. Baka sila. Sakanila ko nakatingin e. Osige Annie sagutin mo na." Bara ni Flor.
"Ako?" Tanong naman ni Annie. Haha. Ang epic ni Flor. Si Annie pa talaga ang ginawang kontsaba. E slow tong isang to.
BINABASA MO ANG
Hearts Can Never Forget
عاطفيةMagbuhat ng umalis si Cheska para pumunta ng Cebu upang mag aral ay siya ring hudyat upang mag iba ang kaniyang buhay. Sa pag lisan nyang yun ay hindi nya akalain na magbabago din pala ang buhay nya maski ang kanyang mga pangarap. Kasabay din nun ay...