File 1: Part 1 - The Old Building

49 2 0
                                    

Gwyn Nerizz Sanchez's Point Of View

***

Palubog na ang araw at tahimik na ang buong kapaligiran, malamig ang simooy nang hangin at tanging kami na lang ang magkakaibigan ang natitira dito. Sa LACOUSTE HIGH, ang paaralan na aking pinapasukan na isang public school lamang na tamang-tama sa estado ng buhay ko.

Halos pasado alais na pero heto kami nagkwe-kwentuhan tungkol sa mga horror stuffs. Mga wala pa daw kasi silang balak umuwi. Ako naman, solo pa ako sa bahay kaya boring din. Wala pa din kasi yung kapatid ko nagtra-trabaho.

Nakikinig lamang ako sa pagkwe-kwento ni METOLLEEN,  ang aking kaibigan. Halatang takot na takot na sila pero heto ako, naglalaro pa din sa isipan ko kung tunay nga ba talaga ang mga yan. Horror, mga nasasapian, mga ligaw na kaluluwa. DO THEY REALLY EXIST?

"Wait! wag mo munang patayin yang flashlight mo!" sabi ni NYKZ. Wala nang kailaw-ilaw sa buong paligid at halos ito na lamang flashlight na hawak-hawak namin ang siyang nagsisilbing liwanag para samin. Actually, isang dare itong ginagawa namin. May tigi-tigisa kaming flashlight at sa bawat tapos ng story namin tungkol sa mga horror ay papatayin namin yun.  

"Paka-KJ mo! Dali na nga at patayin mo na yan nang matapos tayo." sabi ko na parang wala lang talaga sakin. Isa akong normal na babae, isang nag-ngangalang GWYN NERIZZ SANCHEZ. Madalang ang mga katulad ko dahil sa totoo lang wala talaga akong pinaniniwalaan. Isa lamang akong hamak na estudyante na normal lamang nabubuhay dito sa mundo.

"Heto na nga oh! ingay mo Gwyn! porket hindi ka matatakutin." sabi naman ni Metolleen na mangiyak-ngiyak na sa pagpatay nung flashlight. Walang din nagawa silang nagawa at ipinag patuloy na ni Nykz ang kanyang pagkwe-kwento tungkol sa isang japanese movie series na DEATH NOTE.

After her story, pinatay na din ni Nykz ang kanyang flashlight at sumunod na din ako sa pagkwe-kwento. Ang akin naman ay tungkol sa mga PARANORMAL EVENTS. Hindi man sa kadalasan, sa tuwing kasi dadating ang kapatid ko nanunuod kami nang mga paranormal movies pero yung iba. Sabi kasi sakin nang kapatid ko na kahit ganun daw ako dapat daw kahit papano ay maniwala ako dahil di man sa biro, may nangyayari daw talaga kasing ganun because it's REAL.

"Sinapian nung witch yung nanay nung dalawang bata at ayun, pumunta ulit sila dun sa farm at akmang papatayin na nung nanay yung anak nitong lalaki nang dumating yung mag-asawang exorcist." pagpapatuloy ko nung kwento.

"Sa tingin mo totoo yung mga tinatawag nilang exorcist?" sangat naman ni Metolleen.

"Ewan, malay ko ba, basta. Tapos ayon napigilan nung mga exorcist yung nanay na patayin yung kanyang anak pero lalong lumakas yung sumapi dito blah blah blah ....." I DON'T CARE! Lagi na lang talaga sumasangat sakin si Metolleen at isa pa ayaw ko nang may pumuputol sa mga sinasabi ko. Para matigil na din itong si Metolleen, pinatay ko na agad yung flashlight ko.

"YAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!! Langya ka Gwyn! Di ka man lang nagsasabi!" sigaw sakin nung dalawa. :P

"Hindi ako bingi pwede. *hinga nang malalim* So ito nayon, pag hindi bumukas yang ilaw ibig sabihin hindi totoo ang mga horror na yan..." confident na sabi ko like may magbubukas di ba? We need to count so sinimulan na naman.

"1... 2... 3... 4... 5...

6... 7... 8... 9...

10" bilang naming lahat. At biglang bumukas yung ilaw.

Ghost Hunt [editing/on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon