File 1: Part 2

18 1 0
                                    

AUTHOR'S POV

Kinabukasan ..

Malakas ang ulan ng umagang iyon at solo lamang si Gwyn sa paglalakad at halos late na sya. Hindi naman maiiwasang hindi nya madaanan o matingnan ang old building sa school nila sapagkat ang direksyon noon ay malapit sa direksyon ng bahay nila.

Sa pagdaan ni Gwyn sa may old building, may napansin itong umiilaw na kulay pula, yung parang kasing liit lamang ng laser. Na-curious si Gwyn kaya't nilapitan nya ito.

Actually, sarado ang pinto nung old building kaya binuksan nya ito. Pansin sa loob ang pagka-creepy ng aura dito at cold feeling, talagang nakakakilabot.

Unti unting lumapit si Gwyn at naaninagang isa itong camera. Akmang hahawakan nya ito ng may biglang humigit ng paa nya at mapadapa sya.

"aaaahhh! Shuckzzz! Arggg!" 'shet! Ano yun ang lamig ng paa ko?' isip ni Gwyn. Medyo kinilabutan sya dun kasi wala namang tao. Nang makatayo naman sya ay may biglang tumulak sa kanya and it ended up a guy na nabagsakan ng bookshelf.

"God! Okay ka lang! Halos nanginginig na si Gwyn. Ikaw ba naman ang makakakita ng taong dumudugo yung ulo kasi nabagsakan ng bookshelf.

Pinilit na maialis ni Gwyn yung bookshelf pero mabigat ito. Naalis lamang iyon ng dumating si Rico.

"shit! Leo, Leo! Get up..." inakayan ni Rico yung Leo na makatayo. Pupunasan sana ni Gwyn yung dugo sa may ulo nung Leo pero tinapik nya ito.

"umalis ka na. Sige na, late ka na din naman" medyo mataas pero kalmang boses na sabi ni Rico. Bigla namang tumunog yung bell kaya't dali-daling tumakbo si Gwyn papasok.

Buong klase hindi na nakapag concentrate si Gwyn dahil inaalala nya yung lalaki. Napaparanoid sya lalo na nung may humigit sa paa nya. Yung pagbagsak nung bookshelf.

'Eh kaya nga lang walang tao dun ng mga panahong iyon' isip ni Gwyn. Labasan na nila noon ng biglang dumating si Rico sa classroom nina Gwyn.

"Gwyn, Gwyn! Si Mr. Rico kyaaahhhh!" tawag sa kanya ni Metolleen.

"uhm, your Gwyn Sanchez, right? Come with me .. I need to talk to you." diretsong sabi ni Rico.

"ha? Bakit naong kailangang nating pagusapan?" sabi ni Gwyn pero hindi na umimik si Rico at nagsign na lamang ito na sumunod sa kanya.

"go, go, bilis!" sabay na tulak sa kanya nina Metolleen at Nykz na halatang kanina pa nakikinig.

"langya!? Ano ba!?" reklamo ni Gwyn. Nang susunod na sya kay Rico bigla namang nagsalita ang kaklase nyang si Merileen.

"sya ba yung hinired ni Mr. Paseo para imbestigahan yung lumang building dyan?" tanong ni Merileen.

"ha---uhm, oo ata" sagot naman ni Gwyn.

"mag-ingat ka, Gwyn. Wala pang masyadong alam yan tungkol sa lumang building na iyon. Malakas ang pwersa nila." medyo kinilabutan naman doon si Gwyn sa sinabi ni Merileen. Umalis na din ito at nagpatuloy na din si Gwyn sa pagsunod kay Rico.

On the other hand, ayon sa sabi-sabi... Nakakakita daw o nakakadama ng presensya ng mga spirits itong si Merileen pero dahil nga hindi naniniwala si Gwyn dito sometimes minamaliit sya ng ibang tao o hindi sya pinaniniwalaan.

***

"Ano ba ang kailangan nating pag-usapan?" simula ni Gwyn.

"Well, I just need you as a replacement for my assistant na nasa hospital and to pay me back para dun sa nasira mong camera so I want you to work for me just today or hangga't hindi pa nakakalabas ng ospital si Leo" dire-diretsong sabi ni Rico.

"ano kamo?! may nasira akong camera?! pwede bang iba----------------" Gulat na sabi ni Gwyn.

"Such a misbehaviour. Dapat hindi ka na lang kasi pumasok dun" sabi ni Rico in a cold way. Ayan na naman si Gwyn at kinikilabutan sa mga titig ni Rico. Walang nagawa si Gwyn kundi sumunod na lang kay Rico.

'Mahirap nga lang ako sana naman hindi nya lalo akong pahirapan' isip ni Gwyn.

Nakarating din sila dun sa may old building at doon ay may nakapark na isang van at black na kotse.

"By the way, I'm Rico Adison and my assistant was Leonard Villasenor, that guy na nabagsakan nung bookshelf." biglang imik ni Rico.

"So pwede bang Rico na lang ang tawag ko sayo?" sabi ni Gwyn. Nag-nod lang si Rico habang binubuksan yung backdoor ng van. "eh di Gwyn na lang tawag mo sakin." cheerful na sabi ni Gwyn. 

Sumunod na lang si Gwyn kay Rico at doon sa loob ng van ay may mga monitors and such, may mga speaker at kung ano-ano pa.

"Rico, ano ba yang trabaho nyo?" tanong ni Gwyn.

"kung di ka lang din naman maniniwala wag mo nang alamin. Heto *binigyan ng

 isang mabigat na bag ni Rico si Gwyn* dalhin mo yan sa second floor, dun sa room na may mga monitor." utos ni Rico.

"eh, Rico... Sobrang bigat nito promise atsaka baka----" hindi pinatapos ni Rico ang sasabihin ni Gwyn at agad na nagsalita.

"guni-guni mo lang yun." sabay pagturo ni Rico sa forehead ni Gwyn. "at kung ayaw mo pati itong gawin, pwede mo naman akong bayaran." dagdag pa nito.

"haiz! Oo na, oo na, tss." 'hirap na nga ako sa buhay magbabayad pa, saklap

 eh!' isip ni Gwyn. No choice talaga.

Sobrang pagod na si Gwyn sa pag-akyat-baba habang ito namang si Rico paeasy

-easy lang.

"Meron ka pa po bang ipapadal !?" inis at hingal na tanong ni Gwyn.

"wala na, you can go if you want." simpleng sagot ni Rico.

"yun lang? talaga!? salamat naman -.-" sa wakas at tapos na din ang walang kapagurang pagakyat-baba. Gawin daw ba namang lalaki ang isang babae. Buhat dini, buhat doon.'Maliit lang ho ang katawan ko!' isip ni Gwyn. Oo, hindi sa kapayatan si Gwyn, katamtaman lang naman at hanggang balikat lang sya ni Rico.

"if you want a job, pwede kang bumalik dito? I'll give you the right amount of salary as my PA." out of the blue na sabi ni Rico.

"eh,  parang ang bata mo palang may pajob-job kana agad pati di ba sabi mo assistant mo na yung si Leo?"  sabi ni Gwyn.

"sa trabaho ko lang sya assistant, I'm the manager and you will be my PERSONAL assistant. Do you want the job o hin-----" pinangunahan na agad ni Gwyn si Rico.

"oo na, oo na! Magpapaalam lang ako sa kuya ko, tsss." sagot ni Gwyn.

"sige, alis na ko. Okay ka lang ba dito? I mean solo ka." out of the blue na tanong ni Gwyn.

"umalis ka na lang pwede?" sabi ni Rico.

"tsss! Sungit." umalis na din si Gwyn.

Habang ito namang si Rico focus pa din sa pagbabasa ng mga information tungkol sa old building na yun. Ina-analyze na din nya kung san sya dapat magsimula. Kala siguro nitong ni Gwyn ay paeasy-easy lang ito.

"a suicide event a long time ago..." basa ni Rico sa article na binabasa nya sa kanyang laptop. Now, alam na nya where to start....

Ipagpapatuloy>

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost Hunt [editing/on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon