One Shot

19 1 0
                                    


Tiwala.

Yan ang meron ako sakanila.
Mahal ko e. Ganun naman diba? Kapag mahal mo may tiwala ka. Tiwala na ikaw lang. Na walang iba.

Parang sa pagkakaibigan.
May tiwala ka sa kanila.
Kaibigan mo e. Pwede mong pagsabihan ng lahat.
Hindi ka sisiraan pag nakatalikod ka.
Hindi ka aagawan.

Pero bakit ganun? Wala naman akong maling nagawa. Wala. Minahal ko sila. Pinagkatiwalaan. Pero sa huli ito pa ang nagawa nila sakin.

Siguro nga mali ako. Mali ako dahil nagtiwala ako ng lubos. Tiwalang hindi ko akalain na sisira sa akin. Ang sakit e. Hanggang ngayon ang sakit pa din. Hindi ko makalimutan. Ang hirap kalimutan. Bawat araw ay parang paunti unting dinudurog yung durog ko ng puso. Ang hirap. Bawat paghinga ko ang bigat. Yung para bang may mabigat na nakadagan sa akin.

Tulad ngayon. Alas dos na. Ang iba ang himbing na ng tulog. Pero ako eto. Tulala. Umiiyak. Nakakasawa na nga e. Pero wala. Masakit kasi. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala pero wala na akong lakas. Kundi umiyak ng tahimik. Hintayin nalang kung kelan ako mauubusan ng luha.

Hanggang ngayon. Nakakatatak parin sakin ang lahat. Ilang buwan na rin ang nakalipas. Masaya na sila. Pero ako nandito pa rin. Sa lugar kung saan wala kang ibang mararamdam kundi sakit. Gusto kong mamanhid. Gusto kong wala akong nararamdaman. Pero wala e. Kahit anong galit meron sa puso ko. Mas nangigibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanila. Nakakatang ina no? Sinaktan ka na. Mahal mo pa.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang hirap huminga. Tama na please. Tumigil ka na. Niloko ka nila. Pinag mukha tanga.

'Im happy! Finally natapos ko na! Sigurado akong matutuwa si John nito! Tumingin ako sa paligid. Ayos na ang lahat. Ballons. Letters. Sticky note na pinorm ko ng salitang 'Yes' Naeexcite ako na kinakabahan. Di ko alam kung bakit. Pero isa lang ang alam ko. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti. Ngayong araw na to magiging kami ni John. First boyfriend! Nakakakaba. Di ko alam kung magtatagal kami basta tiwala lang. Tumingin ulit ako sa paligid. Lahat ng pagod ko nawala. Ganito pala no? Para sa mahal mo gagawin mo lahat. Di ako nagpatulong sa bestfriends ko sa pag gawa nito pero alam ko namang maiintindihan nila. Di ako makapaniwala. Sa 18 years na existence ko sa mundong ibabaw ngayon lang ako nagpapasok ng tao sa puso. At si John yun. Nung una natakot ako kasi baka lokohin niya ako pero wala. Napakasweet niya. Pinaparamdam niya sakin na ako lang. Kaya eto. Mula sa araw na to. Sa kanya na ako. Sana hindi niya ako saktan.

Kinuha ko ang phone ko at tinext si Vicky. Nasa bakasyon kasi si Jena. Ayoko namang maka abala.

'Bes! Punta ka sa bahay may papakita ako sayo :)'

Pagkasend agad akong nag ayos. Kinakabahan talaga ako. Ang alam ko lang masaya ako. Hay! Sana magtuloy tuloy na to. Yung masaya ka lang.

Nakaharap ako sa salamin. Di ko maiwasang mapatanga. Di ko akalain sa buong buhay ko na mag aayos ako ng ganito. Nakadress ako ng off shoulder na kulay yellow at pinartneran ng adiddas na sapatos. Di ko kasi talaga kaya ang heels.

Nakarinig ako ng doorbell. Si Vicky! Pumunta ako sa gate at pinagbuksan siya. Napatawa ako sa reaction niya ng makita ako. Alam ko. Kasi never akong nagdress. Kaya bago sa kanya to.

'Ano yan?' Tanong niya pero hinila ko lang siya sa sala.

'TADDDAAH' Masayang sigaw ko. 'Bes! Sasagutin ko na si John! Im so happy!' Nagtatatalon pa ako habang sinasabi yan.

Napamaang siya. Pinagmasdan ang ginawa ko.

'Sasagutin mo na siya?' Tanong niya. Walang bakas ng ngiti? Problema nito? Ay! Concern si ate!

ONE SHOTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon