Nakahiga ako ngayon sa kama at naghihintay ng chat niya.Kelan pa ba ako ganito? Siguro mga 1 month na rin. At sa loob ng 1 month na yun masaya ako.
'Ringtone'
Agad kong kinuha ang phone ko at agad kong nakitang nag chat siya.
Sumilay ang mga ngiti sa labi ko. Gusto kong tumalon. Tumili. Magwala. Sheeeeet!
'Kumain ka na?'
Agad akong nag tipa.
'Oo naman. Ikaw ba?'
Nakakagat sa labi kong sinend ang mensaheng iyon.
Simula ng nakachat ko siya walang gabing hindi ako masaya. Di ko akalain na magiging ganito siya kaimportante sakin.
'Ringtone'
'Yah! Mamahalin mo pa kase ako. HAHAHA'
Shocks! Parang may kung anong insekto ang nasa tyan ko ngayon.
'Talaga lang a? HAHAHA'
Di ko mapigilang hindi ngumiti. Kainis. Lagi siyang ganyan. Sweet. Malakas mang asar. At alam ko sa sarili kong iba na ang nararamdam ko.
Ilang minuto na ang nakalipas pero wala pa din siyang chat. Hmp. Seenzoned. Saklap.
Maka Fb na nga lang.
Ang boring. Scroll down lang ng scroll down. Like dito Like dyan.
Di naman kasi ako makaFB e. Nagsimula lang ito ng chinat niya ako. At simula nun, gabi gabi ng online.
Ililipat ko na sana ang newsfeed ko ng may nakita akong memes.
May picture siyang mag magkaholding hands na boy at girl na may caption na
'Ganito sana tayo kaso rebound mo lang pala ako'
Rebound? Sa basketball yun diba? Yung pag hindi nashoot ng team mates mo ikaw ang mag shoshoot.
Kung sa pag ibig naman.
Pagka break niyo may iba ka na. Yung kahit mahal mo pa yung ex mo may iba ka na. Parang past time. Pampalipas oras. Para makalimot.
Teka nga, bat ko ba pinoproblema to? So what naman sa rebound
Scroll down. Scroll down.
Napatigil ako ng bigla sa nabasa kong post.
John Michael Vargas with Adrian Garcia and Khristine Dela Cruz
'Magkaayos na naman kayo oh, Pleeeeaassse lang. Ako nanghihinayang sainyong dalawa eh.'
Akala ko ba single siya? Teka. Single siya. Kaya lang kakatapos lang ng break up? Ganon ba yun?
At dahil sa curious ako. Pinuntahan ko ang page ni Khristine Dela Cruz. Di ko siya kilala.
Mukha ngang katatapos lang ng break up nila. Puro hugot e. Pero may isang post.
Khristine Dela Cruz change her cover photo.
Picture ni girl ng nakangiti at may caption na
'AdrnGrcia♥'
Tinignan ko ang likes. 98 likes. Pero merong love. At ang nag love ay walang iba kung hindi si Adrian.
So? Sila pa din? E ano ako? Rebound? Past time? Option?
Na kapag boring tsaka ako maalala? Ganon ba? Potek pala siya e.
'Adrian Garcia posted his status'
Yan ang lumabas sa notif ko.
Isang click at nakita ko na.
'Starting again with her♥'
Ow! So sila na nga ulit.
Wtf. Buti nalang mababaw pa. Hindi pa gaanong masakit. Pero masakit pa din. Well, wala naman kasi siyang sinasabi. Paasa lang talaga siya. Pa fall. At ako namang si tanga si assume. Yan tuloy nasasaktan.