CHAPTER 4

295 9 1
                                    

THE MODERN WITCHES

"At saan mo naman binabalak magpunta aking apo", nakangising sambit ni Renji sa kanyang apo ng madatnan itong dahan dahang naglalakad palabas ng kanilang mansyon na tila ba ayaw nitong ipaalam kung saan ito magtutungo.

Napatayo naman si Inoue ng diretso matapos mapahiya.

"Bakit lolo, wala na ba akong karapatang tumakas sa napakalaking kulungan na ito", seryosong sabi ni Inoue upang hindi na ito magtanong pa.

"Kung gayon ay iniisip mo palang pagkabilanggo ang makasama ako sa bahay na ito na akala ko pa nama'y itinuturing mong tahanan", pagdadadamdam ni Renji sa sinabi ng apo.

"*buntong hininga* Nais kong makita ang aking mga kaibigan. 'Wag kang mag alala dahil hinding hindi ako magpapakita sa kanila", sabi na lamang ni Inoue dahil hindi siya sanay na makausap ng seryosohan ang kanyang lolo. Nasanay kasi siyang puro tungkol sa pagsasanay at pakikipaglaban lamang ang usapan nilang dalawa kaya naman naiilang siyang kausapin ito ng tungkol sa ibang bagay.

"Kung gayon ay mas gusto mo pang makasama ang iyong kaibigan kaysa sa---. Kunsabagay, ano nga ba ang mapapala mo sa isang matandang tulad ko ", malungkot na sabi ni Renji na tumalikod pa upang maipahayag ang kanyang kalungkutan. Sa totoo niyan ay hindi naman siya mukhang matanda na kung titignan ay parang kasing edaran lamang nila dahil na rin sa tinataglay nitong kapangyarihan. Masyado lang talaga itong mararamdamin pagdating sa pinakamamahal niyang apo.

-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-ツ-

Eksakto namang paalis sana ng kanilang mansyon sina Roku at Hichi na kapwa maghahanap ng kadate ng madatnan nila ang madamdaming tagpong iyon. Nagtago pa sila sa isang pader upang hindi sila makita ng mga ito.

"Psh. Bukas na lang tayo maghanap ng babae", sabi ni Roku na akmang tatalikod na sana subalit kaagad siyang pinigilan ni Hichi.

"Ano ka ba naman Roku! 'Wag kang kj kita mong malapit ng awardan si lolo ng famas eh pfft...", nagpipigil ng tawang sabi ni Hichi na inilabas pa ang kanyang brand new cellphone.
(Meet the modern witches).

"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?!", kaagad ay bungad na bulyaw ni Go sa mga apo na kay aga aga ay nakatanggap ng tig isang batok mula sa kanya.

"Aray ko naman po lola. Balak ko naman po sanang magkulong na lang sa kwarto ko at matulog kaso itong si Hichi pinilit akong sumama sa kanyang humanap ng kadate at eksakto naman na hmm... mmm... mm...", magpapaliwanag pa sana si Roku sa kanilang lolang si Go subalit kaagad na tinakpan ni Hichi ang madaldal na bibig nito dahil sa balak nitong pagkukwento mula pa sa unang kasaysayan ng mga pangyayari na kunh tutuusin ay hindi na dapat nitong sabihin pa.

"Paumanhin aming lola kung nadatnan mo ang aming kagwapuhan na pakalatkalat subalit nais ko lang naman na makuhanan ng video ang napakagandang eksenang ito. Naku lola siguradong papatok ito sa social media at baka mag viral pa. Don't worry itatag kita.
# dramatic witches
#the handsome lolo
#the modern sorceres", pagmamalaki pa nito sa kagaguhang ginagawa.

"Hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm................", matagal na pag iisip ni Go kaya naman pinagpawisan ng malamig ang dalawa na kapwa nangamutla. Kilala nila ito, marami itong naiisip na parusa kapag nakikita ang pagmumukha nilang dalawa o mas dapat bang sabihin na madalas silang napagtitripan nito.

"....mmmmm.... Ok sige pero i- like mo muna 'yung pinost ko na #hot lola", may maluwang na ngiting sabi ni Go kaya naman nagsitumbahan ang dalawa. Kinabahan pa naman sila sa sasabihin nito pero ayos na rin dahil nakaligtas sila.

"Ahm... makakaasa po kayo lola kaso hindi po ba makakasama kung malalaman ng buong mundo na lola na kayo sa ganyang kabatang kaanyuan?", kunot noong tanong ni Roku na tinignan pa ang kanyang lola mula ulo hanggang paa habang si Hichi naman ay pulang pula na sa kakapigil ng tawa na patuloy pa rin sa pagvivideo.

MYSTERIOUS GIRL PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon