CHAPTER 5

234 5 6
                                    

THE FIRST EPISODE

"Hay... hindi pa rin ba natatapos ang labanang iyan", nababagot na wika ni Inoue habang nanunuod ng sagupaan sa pagitan ng kanyang mga pinsan laban sa mga halaman na nilikha ng kanyang lola.

"Hahaha ano ka ba naman apo, nakakatuwa kaya silang pagmasdan hahaha", komento naman ng kanyang lolo habang nakatitig ng diretsyo na nagaganap na labanan.

"*yawn*Kayo na lamang ang manuod lolo...", inaantok nang sabi ni Kyu na ibinaba na ang kanyang kamera. Magtutungo na sana ito sa kwarto nito ng hitakin siya ng kanyang lolo pabalik sa pwesto nito kanina.

"Sandali lang, hindi ka maaaring matulog. Paano na lamang ang mga manunuod? Marahil ay inaabangan na nila ang susunod na mangyayari", nakakunot ang noong sabi ni Renji sa kanyang apo na walang ginawa kundi ang bumalik sa ginagawa kahit pa antok na antok na siya. Hindi niya naman kasi kayang suwayin ito hindi lang dahil sa lolo niya ito kundi dahil wala siyang kalaban laban dito lalo pa't alam naman ng lahat na sa siyam na sorceres ay siya ang pinakamahina. Ano nga ba naman ang panlaban ng kanyang angking kagandahan sa mga ito?

"May nanunuod pa kaya niyan?", nakataas ang kilay na sabi ni Inoue na kinuha pa ang kanyang tablet upang kumpirmahin at sagutin ang sariling katanungan.

Laking gulat ni Inoue ng makitang siyam na raang milyon ang nanunuod sa para sa kanya'y walang kwentang videong iyon kahit na alas onse sikwenta'y siyete na ng hating gabi.

"Ang weirdo talaga ng mga tao", naiiling na sinabi ni Inoue na ipinakita pa kay Kyu ang video na kagaya niya ay nagulat din.

Napakamot na lamang sila ng kanilang ulo at ipinagpatuloy ang kani kanilang ginagawa.

"Sabi ko sa inyo eh", kibit balikat na sabi ni Renji na lingid sa kanilang kaaalaman ay ang siyang pinakainaabangan ng mga manunuod.

Samantala, kapwa hingal na hingal na at sugatan ang magpinsang sina Hichi at Roku. Si Roku, na isang feeling gentleman na hindi magawang pumatol sa babaeng halaman at si Hichi pilit isinisingit ang pride kung kaya pinili nito ng manu manong labanan ng hindi gumagamit ng kapangyarihan.

"Naaasar na talaga ako sa dalawang nilalang na ito", nakangising sabi ni Hichi habang magkatalikod silang nakikipaglaban ni Roku.

"Magpalit naman tayo ng kalaban oh", nakangiwing sabi naman ni Roku habang nakatingin sa babaeng halaman na nagawa pang magkagat labi sa gitna ng labanan.

"Sige ba!", masiglang sabi ni Hichi na naging hudyat upang magpalit sila ng lalabanan. Napatumbling na lamang ang dalawa patungo sa kanya kanyang pwesto sa harapan ng kani kanilang makakalaban.

Kapwa ginanahan ang dalawa lalong lalo na si Hichi na may pagkababaero pa naman na kumindat pa sa babaeng halaman.

"Ikinararangal kong makalaban ang isang napakagandang binibining katulad mo", nakangiting sabi ni Hichi na nakapagtatakang ikinapula ng kulay berdeng nilalang.

"Yuck!", sabay sabay na sabi nina Kyu, Inoue at Renji na pare parehong nasusuya sa dalawa.

"Hahaha mukhang nakahanap ka na ng kadate m--*boogsh*", magsasalita pa sana si Roku ng bigla siyang sinapak ng lalaking halaman na ngayon lamang niya naalala.

"Hindi mo ba alam na matagal ko ng nililigawan ang napakagandang nilalang na 'yan! Pinahirapan pa ako niyan tapos mapupunta lamang siya sa isang walang kwentang witch!", mangiyak ngiyak na sabi ng lalakeng halaman na tila ba minamaliit ang lahi ng mga witch.

Hindi naman nakapagtimpi sina Kyu at Inoue na akmang susugurin na ang kalait lait na nilalang ng pigilan sa kanila ng kanilang lolo.

"Hindi makabubuti kung ipapakita natin sa kanyang mababang uri nilalang tayong mga witch kung kaya mas makabubuti kung palalagpasin na lamang natin ang kanyang sinabi", nakangiti pang sabi ni Renji na makikita ang bumabalot na iba't ibang aura mula rito dulot ng napakatinding kapangyarihan na pinipigilan nitong lumabas mula sa katawan nito.

MYSTERIOUS GIRL PART IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon