Chapter 7: Finding Vanilla

10 1 0
                                    

Vanilla Pov
Ito na ang huling araw namin dito sa Mt.Cristobal. Ayon kay sir Caleb mas mahirap daw ang magiging activities namin ngayong araw.Maghahiking kami ngayong umaga pero hindi pa nya in-announce kung ano ang magiging activities namin ngayong araw

As usual, gumising kami ng maaga para mag-igib ng tubig sa balon

Inihanda ko na rin ang mga gamit ko para sa hiking.
Nang nakarating na kami sa tuktok ng bundok ay nakakamangha dahil ang ganda ng tanawin, ang sarap din ng simoy ng hangin.

Ang sarap sa feeling na hindi puro buildings ang nakikita mo. Hindi puro amoy ng usok ng sasakyan ang naaamoy mo.
Nakakarelax rin ^_^

Mga bandang alas 12 na ng umaga kami nakabalik at nakakapagod pero nakakaenjoy rin. Kumain na rin kami sa kanya kanya naming tent pero sa labas na akong kumain dahil mainit sa loob. Mag-isa akong kumain dahil iyong mga kasama ko sa tent ay pumunta sa kanya kanya nilang kaibigan.
Hayyy sana nandito si Ellie para may kausap ako.

Sa patuloy kong paglamon, may biglang nagsalita sa likuran ko

"Pwedeng tumabi?" Tanong ni Kris

Aba tong lalaking to parang Kabute,Sumusulpot nalang bigla kaya nabilaukan ako

"Hala sorry kung nagulat kita, tubiig oh" offer nya pero tinignan ko lang ang bottle.Kalahating tubig nalang ang natira sa bottle kaya obvious na ininom na niya ito.

Kung tatanggapin ko baka mag eexhange kami ng laway.

Eww kadiri naman iyon! 

"Huwag kang mag-alala wala akong sakit na nakakahawa pero kung talagang ayaw mo okay lang" parang dismayado nitong sabi

'Hoy vanilla wag kang maarte! Nagmamagandang loob lang iyong tao tapos kung ano ano pang iniisip mo! Sa gwapo ni Kris? Mag iinarte ka! '

'Shhh tumahimik kang konsensya ka! Papatayin kita hahahaha'

'Sige na nga tatanggapin ko nalang mukhang malinis naman siya'

"Salamat" sabi ko pagkatapos kung 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's a  ChoreographerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon