MCE 14

25 1 1
                                    

Hey Guys! It's me pinkymin!!!

It's been awhile bago ko ulit na update ito. I know.

Ewan ko kung may nagbabasa pa ba neto or wala na but either way, I'll start updating this story na ulit.

Since its been four years simula nung last kong inupdate to, expect yung mga inconsistent scenes dito but I swear I'll edit this as soon as I finish writing this.

And from now on, si Trisha na lagi ang magkukuwento the whole story.

So yeah! Please do enjoy this update.

***

Mabilis na lumipas ang mga araw and I cant believe na October na isang buwan na lang at birthday ko na!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nakatingala sa kisame. Namimiss ko na sina mama.

Vince calling....

vince: sup?

Me: okay lang. Pagod

Vince: dahil ba yan sa Investigatory Project?

Me: yup. Di ko na kaya.

Vince: di ako matalino pero if you need help I'll try to help you.

Teka kinikilig akoooo!!!! Shet

Me: thanks. Means a lot.

Binaba ko na yung tawag bago ko pa maibato ang phone ko sa sobrang kilig! Pesteng raging teen hormones pinapakilig ako.

Babalik na sana ako sa pag gawa ng Project ng biglang tumunog phone ko. Shet. Baka si Vince na naman to.

From Gino

Gising ka pa? Gusto mo tulong sa IP?

Shet. Si Gino ba to bat ang bait hahaha

Feel ko na wrong send to

Di ko na nireplyan si Gino at pinatay ang phone ko. Baka magtext pa si Vince at hindi ko pa matapos tong project ko at baka himatayin na ako sa kilig.

Ilang weeks na rin kasi simula ng aminin sa akin ni Vince na he likes me daw. I know sobrang bilis pero crush ko palang naman siya eh. Nothing serious promise! Masaya lang ako na pinapakilig niya ako. And wala pa akong balak mag boyfriend noh! Baka sapatusin pa ako ni papa pag nalaman niyang lumalandi na ako hahaha.

Lumipas ang oras at 3:00 am na . Di pa ako natutulog eh bukas na pasahan neto eh. Kainis naman. Pa major naman kasi teacher namin eh. Kala niya ba madali gumawa ng individual research.

Dahil feeling ko huminto na sa pag function ang utak ko, dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape.

"Oy bat gising ka pa" bungad ni Gino sa akin ng madaanan niya ako sa lamesa.

"Pakielam mo ba"

"Sungit naman ng totayap na to! Kala niya ang ganda eh"

sabi na eh na wrong send tong si Gino sa akin kanina. Ang bait sa text eh. Tignan mo sa personal demonyito.

"Whatever panget."

Alam mo yung stress na stress ka na kakasulat ng research tapos sakyong umepal si Gino para mambwiset.

"Sungit sungit. Tutulungan ko pa naman sana yung isa dyan sa IP niya kaya lang parang ayaw niya. Hay makaakyat na nga lang sa kuwarto kasi... Tapos na ako sa --"

Did I heard it right? Tutulungan niya ko?

"Gino!"

"Expired na offer ko bahala ka mag-isa mo!" Sabi niya sabay belat at umakyat na siya ng kuwarto niya. Bwiset hambog kahit kailan!

...

"Tik ti la ok"

Nagising ako sa biglang pagtilaok ng manok ng kapitbahay. Pagmulat ko ng mata ko shet. Ang liwanag na!! Di ko namalayan nakatulog na ako sa lamesa sa kusina. Di ko pa tapis yung IP ko!!

Time check: 6:00 am

Ohmaygad!! 7:30 first class namin! Hala kailangan ko pa tapusin research.

Dali dali akong pumanik ng hagdan at dumiretso sa kwarto ko at papasok pa lang ako ng kuwarto ko, nakita ko si Gino na lumabas ng kuwarto ko. Teka anong ginagawa niya dun?

"You're welcome totayap!" Sambit niya sabay belat.

Ano daw?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Childhood EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon