Her Life...

17 2 0
                                    






"Psssst anong nangyayari doon? Bakit nagkakagulo sila?"

"Eh paano ba naman. Nakikipag away nanaman si Cassie The Bitch. Natapunan kasi yung damit niya ng Chocolate. Ayun! Nagalit. Alam mo naman na sobrang mahal ng mga damit niyang impakta na yan."



Cassie's POV

"What the hell?! Look what you've done! Tatanga tanga ka ba talaga?! What's your name?! Gusto mo ipatanggal kita dito sa school na to?!" I shouted. Napaka boba naman nito! Sa lahat ng babanggain, ako pa. Bakit pa kasi nagkalat ang mga tanga sa mundo eh. Aarrgghh!!

"Im sorry, I didn't mean it. Ibigay mo nalang saakin yang damit mo at lalabhan ko nalang, please wag mo ko ipatanggal dito Cassie! Scholar lang po ako dito. Please po wag" sabi nung tangang nakatapon ng chocolate sa damit ko. Lalabhan niya?! Eww baka masira pa to no'!

"Ibibigay ko sayo at lalabhan mo? Tanga ka ba? Sa tingin mo ba ipapalaba ko ito sayo? This fucking dress is worth P15,000 pesos. Do you think ipapahawak ko to sayo? You are so STUPID."

"wait, you said you are a scholar here? So wala kang binabayaran? Ok, so bayaran mo nalang itong damit ko na tinapunan mo kasi tanga ka."

"Pero mahirap lang kami. Di ko kaya yun Cassie." Sabi niya, lumuhod pa siya sa harap ko sa harap ng maraming tao. What a Nerd! Kadiri! Halos maiiyak na siya, talaga bang iiyak siya?! Napaka babaw naman nito. 😤😤

"Then you are expelled! Bye Nerd!" I said. Wala siyang karapatang sirain ang damit ko, Ako ang anak ng may-ari nitong University. I will do whatever i want!...


After my last class, i went outside and saw my driver standing beside the car.

"Kuya Ronald, hindi muna tayo uuwi, may bibilhin muna ako sa mall" i said, pumasok na ako sa kotse at nagcellphone muna.

"Anong oras ko po kayo susunduin?" Tanong ni kuya Ronald habang nagda drive

"Mabilis lang ako. Magpark ka nalang malapit dito. Here's 2 thousand pesos, kumain ka muna ng meryenda kuya." Inabot ko sakanya yung pera at lumabas na ako ng kotse, Matagal na saakin si Kuya Ronald, kaya pa minsan minsan ay inaabutan ko siya ng pera.

Pumasok na ako ng mall at dumiretso sa National bookstore. Bibili sana ako ng isang Chef's Book, next next month na kasi ang pagbisita ni Mommy kaya gusto ko manlang matuto magluto para maipagluto ko siya. Antagal na ring di umuuwi ni Mommy eh, almost 2 years na rin.

Pumunta agad ako sa Cooking Books Aisle, medyo kabisado ko na rin kasi itong National Bookstore kasi dati lagi akong dinadala ni Mommy dito.



Boooomm!!! Ngdlsofmdjsndkznsg



Aray! Nabangga nanaman ako! Shit! Lahat ng libro nung lalaking nakabangga sakin ay nahulog. Tanga nanaman!!

"Watch where you're going!" I said

"Sorry miss, I forgot my glasses that's why i couldn't see clearly" he said. Hmm, medyo may itsura siya, kaso halatang Nerd base na pananamit niya. He is a little bit taller than me. Maputi, payat, and he looks half American like me.

"Well, don't forget it next time!" sabi ko, umalis na agad ako without saying bye.

After a few minutes, nakapili na rin ako ng Cook Book, pinili ko talaga yung Filipino Cuisine kasi antagal na sigurong di nakakakain si Mommy ng Pinoy food,,,at dumiretso na ako sa Register.

Nakita ko nanaman siya, The nerd guy. Pumila ako sa ibang register. Nahuhuli ko siyang pa tingin tingin sakin. Creepy!. Dinalian ko na agad ang pag labas ng mall at baka kidnapin pa ako nun no'!.

Phew! Nakakapagod! Tumakbo pa ako papunta sa kotse! Haayyy

"Uwi na po Ma'am Cassandra?" Tanong saakin ni Kuya Ronald.

"Opo kuya, nakakain ka ba habang bumili ako?" I asked him

"Ay opo ma'am, nabusog nga ho ako" he answered me. Bakit parang di naman siya lumabas ng kotse? Nevermind.


After 15 minutes, nasa bahay na kami.


"Kuya paki akyat nalang ng bag ko pati na yung paperbag na red ah."

Tumungo nalang si Kuya Ronald at pumasok na ako ng bahay.

Our house is big enough for 5 families, Mansion tong bahay namin pero ako lang ang nandito. Ako lang. Ofcourse may mga maids ako pero they're not considered as my family. I guess my family is myself. Bakit pa kasi nila kailangan umalis? Ako na nga lang ang anak nila tapos iiwan pa nila ako. Bakit di nalang nila ako sinama? Bakit?

I shook my head. Dapat di ko na iniisip ang mga ganitong mga bagay eh. I have millions! Hindi ko kailangan ng pamilya.

Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga. Nagyayaya si Trixie (My bestfriend) na mag bar kami kaso pagod na talaga ako eh. Hindi ko namamalayang nakatulog na agad ako. Ok lang, sanay naman talaga ako ng ganito, yung mag-isa, yung iniiwan, yung pinagpapalit.

Just like my Fucking Ex! Kami for almost 5 years! Highschool palang boyfriend ko na siya. He's my First Love. We were Bestfriends and lovers. Pero one day, he left me. Ang sakit. His last words to me were



"I'm sorry Cass, I don't love you anymore."



After that, hindi ko na siya nakita. I was a good girl back then, pero dahil sakanya, I BECAME A BITCH.
















Hi everyone! This is my first book. I hope you all loved it! I will do my best, i promise.

Lovelots: Ms. J 😍😍


Campus Bitch Meets The Homeschooled NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon