His Other Woman
forgottendaydreamer••
Ericka
"Ouch! Ang sakit ng ulo ko. Nasaan ba ako?" Unti unti akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nasaan na nga ba ako? Color white na walls at ceiling? Probably nasa ospital ako. Pero anong nangyari?
"Ericka! Gising ka na! Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" Lumapit sa akin ang isang lalaki. Moreno, matangkad, matangos ang ilong, may mapupungay na mga mata at gwapo. Sino sya?
"Sino ka? Bakit ka nandito? Kamag-anak ba kita?" Sunod sunod kong tanong. Nakita ko namang namutla sya at nagulat. Weird.
"H-hindi mo ko n-natatandaan?" Nanginginig at parang nababasag ang boses nya habang sinasabi yun. Para syang kinakabahan. Ano bang problema ng isang 'to?
"Ah, hindi eh. Sino ka ba? Anong ginagawa mo dito? At ano ring ginagawa ko dito? Hindi ko naiintindihan ang nangyayari." Litong lito na ko. Kanina nagising nalang ako na nasa ospital na ko tapos ngayon may gwaponh nilalang na kumakausap sa akin na di ko naman kilala.
"Naaksidente ka. Car crash. Medyo naging masama ang tama sayo kaya naka-confine ka ngayon dito. 5 weeks ka ng nandito." Sagot nya pero hindi nya pinansin ang iba ko pang tanong. Teka, 5 linggo na akong natutulog dito?!
"Seriously? 5 weeks? Pano nangyari yun?!" Napahawak ako sa noo ko. Ang tagal nun ah. Eh nasan na ang parents ko? Di ba nila ako dinalaw?
"Oo. Pero salamat sa Diyos at ligtas ka na." niyakap nya ako. Naitulak ko naman sya sa bigla.
"Kuya, sino ka ba? Hindi mo pa nga sinasabi kung sino ka eh tapos yayakapin mo ko bigla? Wag ganon." Nagmukha ulit syang kinakabahan sa sinabi ko. Mukha ba kong mangangain ng tao? Bakit ba parang nataakot sya sakin?
"A-ako si Liam. A-ako yung asawa mo. Hindi mo ba naaalala?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Asawa? Sya? Bakit wala akong matandaan? Alam ko dalaga pa ko eh.
"A-asawa? P-pano nangyri yun--" biglang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor. Hindi na ko nakapagsalita pa sa sobrang gulat ko. Ni hindi ko na nga namalayan yung pinaggagagawa nung doktor sakin saka nung nurse eh.
"Kumusta na sya doc? Okay na ba sya? Bakit hindi nya ko maalala?" Pinakinggan ko nalang ang paguusap nung doctor saka nung Liam. Tulala parin ako dahil sa mga narinig ko.
"Okay na sya. You don't have to worry. But dun sa case na hindi ka nya maalala, it's because of amnesia. Epekto rin yun ng matinding pagkakabagok ng ulo nya during the accident. It's normal pero hindi natin sigurado kung kailan babalik ang memories nya o kung babalik pa nga ba." Paliwanag ng doctor. May amnesia ako? Oh my God. I cant believe this!
"Thank you doc." Malungkot na sabi nung Liam at nagpaalam na rin yung doctor. Asawa? May asawa na pala ako pero hindi ko matandaan. Ugh! Bakit ang unfair?!
"Uhm, excuse me? Pwede ko bang itanong kung anong mga nangyari dati? I mean, sabi mo asawa kita? Naging matino ba ako? Ilang taon na tayong kasal? Ilang tao---" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil biglang bumukas ang pintuan. Lumabas muka doon ang bestfriend ko.
"Steve! Oh my gosh! Ang tagal na kitang hindi nakita bestfriend!" Excited na excited kong bungad sa kanya. Agad naman syang lumapit sakin para yakapin ako.
"Ericka! Thank God you're awake!" Halos hindi naman ako makahinga ng yakapin nya ako. Wow, miss nya nga ako. Hahahaha.
"Uh, Steve hindi ako makahinga." Sabi ko kaya naman medyo lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin. Wew, thank goodness at hindi ko ikinamatay yun.
BINABASA MO ANG
His Other Woman
FanfictionThey call me perfect? Yes. Sino ba namang hindi kung alam mong lahat ng klaseng pagmamahal ay nakukuha mo, maging ang mga luho mo? Oo, maraming naiinggit sa akin. Pero dapat ba akong kainggitan kung mayroon nang ibang babaeng umaangkin sa asawa ko...