His Other Woman
ForgottenDayDreamer
--
Chapter 17
[Dylan's POV]
After 30 minutes of drive, nakarating kami kung saan. Una, hindi ako pamilyar sa lugar but when we took a few steps in that place, alam ko na kung ano yung lugar na yun...
It was a garden. Pero hindi lang sya basta garden. Dito nya ako dinala during our 3rd year anniversary as couples (boyfriend-girlfriend).
Yes, this place was very memorable for me. He said, ako pa lang daw ang babaeng dinala nya dito. This place is beautiful, iba't-ibang uri ng halaman at bulaklak ang makikita mo dito. Syempre garden nga eh. And what is unique about this place na hindi mo makikita sa ibang garden? Para rin kasi syang park, may mga bench, may playground and makikita mo ang dagat.
Sobrang ganda nya, masarap syang puntahan lalo na kung couple kayo or family. Maaamaze ka talaga sa ganda ng lugar, hindi rin sya ganon ka init.
Bumalik nalang ako sa sarili ko nang nagsalita si Liam habang naglalakad kami..
"To be honest Dylan.. Ikaw palang ang pangalawang babae na nadadala ko dito."
"Huh? Bakit naman?" sagot ko. Wow, i thought dinala na din nya dito si Nicole.
"Kasi pinangako ko sa sarili ko na dadalin ko lang dito yung babaeng mamahalin ko habang buhay." sabi nya. Nakangiti, habang nakatingin sa dagat na para bang inaalala ang mga masasayang pangyayari sa buhay nya.
"Eh bakit mo ako dinala dito? At saka sabi mo pangalawa akong dinala mo dito diba?" tanong ko.
"Dinala kita dito kasi alam ko sa sarili ko na sure na akong ikaw na yung babaeng mamahalin ko. I would do anything para mapasaakin ka. I know I sound too selfish pero that's what I feel. Hihiwalayan ko si Nicole para lang sayo. At oo, ikaw ang pangalawang babaeng dinala ko dito dahil ang una ay ang una kong asawa. She looks so much like you and you reminds me of her." sabi nya. I just shut my mouth waiting for his next dialouge.
"Sa totoo lang, ang laki ng kasalanan ko sa kanya. I broke her heart and that was the very wrong desicion I have ever made. Napakabait nya, she was perfect for me but all I have done to her is to hurt her. Noong nawala sya, doon ko lang narealize kung gaano ko sya kamahal. I was doomed by that moment and wala na akong nagawa kundi pakasalan si Nicole. I tried to break up with her pero she blackmailed me. She said,sasaktan nya si Ericka kapag hindi ako pumayag na pakasalan sya. Malaki kasi ang connection ng pamilya nya sa pamilya ni Ericka kaya naman wala na akong nagawa. But then nung dumating ka, nagkaroon ako ng hope na maaayos ang buhay ko. Hindi na ulit ako matatakot na ipagtanggol ang taong mahal ko. And it was you Dylan. You made my life happier again. Mahal kita Dylan, pero hindi kita minahal dahil sa kamukha mo ang dati kong asawa, minahal kita kasi una palang iba na yung nararamdaman ko para sayo." he said and looked at me. Hindi ako makagalaw. I felt guilty at the same time I'm touched. Feeling ko bumabalik yung feelings ko sa kanya pero alam kong mali.
Ano pa man ang reason nya, sinaktan parin nya ako. My heart was like a stone. Hindi ko na dapat maramdaman pa ito.
"Bakit ako? Bakit ako pa ang minahal mo?" out of mind kong sagot sa kanya.
"Hindi ko rin alam, sayo ko lang siguro kasi naramdaman ulit yung pagmamahal ko kay Ericka." sagot nya looking straight to my eyes and smiled.
Mukhang ang saya saya nya ngayon. Hindi ko alam kung bakit pero siguro hindi ko muna sisirain ang moment nya.
Nagtagal pa kami sa lugar na iyon at wala kaming ibang ginawa kundi ang magkwentuhan tungol sa nga buhay namin. Oo, alam kong puro kasinungalingan ang mga sinasabi ko sa kanya. Pero wala akong pakielam dahil parte ito ng plano ko.
--
After nung napaka-madramang moment na yun, we came back as professionals. I mean like, acting normal and its like we treat each other as business partners. Yeah, seems a little bit awkward for me. I really don't know what to say and what to do.
Then, after naming pumunta sa lugar na yun, we also went somewhere na parang napakapamilyar muli sa akin. I just realized na, yung place na yun pala is our favorite restaurant before when were still together as a married couple.
Hindi ako alam kung tadhana lang ba talaga na dito kami napadpad o talagang sinasadya ni Liam lahat ng 'to. Sandali... hinuhuli nya ba ako?!
Alam nya na kaya?
Hindi. Tiwala lang Ericka, hindi ka mabubuking ni Liam.
"Uhm, where are we?" tanong ko sa kanya pretending to not know anything.
"Nandito tayo sa favorite restau namin ng dati kong asawa." sabi nya habang nakatingin sa entrance ng restaurant.
"Oh I see, but why are you taking me to these palces? Rebound lang ba ako para sa pagmiss mo sa asawa mo?!" mejo tinaasan ko ang boses ko this time. I'm not mad, its just that para hindi ako mahalata at ayokong maplease ako sa mga sinasabi nya o ginagawa nya.
"No! Its just, I wanna take the person who I want to spend the rest of my life with in every place that bacame memorable for me." he said smiling at me. I don't know, his smiles, theres something in it that can't explain. That smile, I never seen it before.
"You wanna take me to these places and then what?" i asked trying to hide the feelings that I'm feeling right now. Feelings that I can't understand.
"Then I will to everything just to make you mine and fix everything up then afterwards i wil spend the rest of my life with you." he said.
"Then how about Nicole? And pano kung gawin mo rin sa akin yung mga ginawa mo sa mga past na asawa mo?" i said then crossed my arms.
"I will just think of Nicole after that. I won't do that thing again! I promised myself not to do it again. I've learned from my mistakes already. At pinapangako ko, o kung hindi man, I will try my best to be the best man foryou and not to hurt you." sabi ni Liam.
"Natatakot ako masaktan Liam, sana naman wag ngang mangyari ang iniisip ko." then those words came out from my mouth. Honestly, I was shocked, hindi ko alam kung pano lumabas yun sa mga bibig ko. Siguro I was carried away by the moment.
"I will try my best not to hurt you Dylan. Just trust me. Pinapasok mo na ako sa buhay mo Dylan, wala na akong balak umalis pa dito. I'm always here at your side no matter what happen."
Then he said those things na hindi na mawala sa isip ko..
--
A/N: Sorry for the late update, I was too busy to continue all my works. I'm so sorry. I'll try again to update soon.Votes and comments are appreciated. Thanks. :)
-MissFDD
BINABASA MO ANG
His Other Woman
FanfictionThey call me perfect? Yes. Sino ba namang hindi kung alam mong lahat ng klaseng pagmamahal ay nakukuha mo, maging ang mga luho mo? Oo, maraming naiinggit sa akin. Pero dapat ba akong kainggitan kung mayroon nang ibang babaeng umaangkin sa asawa ko...