Maraming salamat sa pagbisita sa mundo ng Mga Paasa at Pa-fall. I-handa niyo na ang inyong mga sarili dahil alam kong marami sa inyo ang makakarelate dito. Hindi kayo nagkamali ng pinuntahan. MWUAHAHAHAHAHA. (scary)
Enjoy reading! ♡
---------------------------------------------
"Ay inday! Nagtext sa akin kagabi si Gab. Grabe, sobrang sweet niya talaga!" Kinikilig na sabi ng mukhang kinse anyos na bata sa kasama nitong mukhang nasa twenties na dahil sa colorete sa pagmumukha niya.
Dinaig pa ako ng batang ito! Tsk. Napapailing na lang ako habang bumibili ako sa tindahan.
"Tss. Ano na namang kasweet-an ang sinabi niya sa 'yo? Patingin nga!" Sabi naman sa kanya nung mukhang 20.
Medyo malapit lang sila sa kinalulugaran ko. Naka-upo sila sa isa sa mga monoblock na nakatengga sa labas ng bahay yata nung kinse anyos. Kapit bahay lang nitong pinagbibilhan ko.
Napatingin ako sa kanila dahil kinukuha pa naman nung tindera yung binibili ko. Nakita kong nag-alinlangan yung kinse anyos na girl kaya kumunot ang noo ko.
"A-ano, wag na! Di na kailangan, Len. Kaya nga kinukwento ko na sa 'yo, e!" Sabi nito sabay tago sa cellphone na hawak niya kanina at inilagay ito sa bulsa.
Nginitian naman siya ng nakakaloko nung mukhang bente anyos, "Hindi ka pa rin talaga nadala, no, Apple? Umaasa ka pa rin?"
Napatingin ako kay Aling Pat dahil inaabot na niya sa akin yung tag-18 na RC na binili ko.
"Salamat! Maya ko na lang siguro isauli yung bote.."
Nginitian ako ni Aling Pat, "Sige lang, Loraine. Para namang ang layo ng bahay ninyo." Natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit? Ano bang masama kung umasa ako? Malay mo, ligawan niya ulit ako." Rinig kong sabi naman nung Apple.
Binuhat ko na yung RC ng dalawa kong kamay at dahan-dahang umalis doon. Gusto ko pa kasing marinig ang pinag-uusapan ng mga kireng-keng na batang iyon.
Nilingon ko sila saglit habang naglalakad ako. Kumunot ang noo nung Len, "Tapos iiwan ka niya ulit sa ere, ganon?" Nagpout naman yung Apple. Muntik na akong naduwal sa totoo lang.
"Ewan ko sa 'yo, inday! Basta ako sinasabi ko lang sa 'yo, mag-ingat ka d'yan sa Gab na 'yan. Pinaasa ka na nga noon, tapos ngayon may balak pa yatang maging pa-fall." Sabay irap niya sa kaibigan.
Tuluyan na akong umalis at naglakad ng mabilis dahil satisfied na ako sa mga narinig ko. Kawawang Apple, sabagay bata pa naman siya. Puppy love pa lang yun kaya 'wag muna siyang magmadali.
Yun eh kung kinse nga lang ba siya. Nanghuhula lang naman ako ng edad. Napagkamalan ko pang bente yung isa. Bad Loraine.
Napapailing na lang ako habang inaalala ko yung lalaking pinag-uusapan nila. Marami na akong naririnig na kaparehas ng problema nung Apple. Siguro iyon ang latest na katangian ng mga kalalakihan ngayon, ano?
Sa sobrang dami ko ng narinig makakagawa ako ng types ng mga paasa at pa-fall. Teka bibigyan ko kayo.. Unang Type ay,
Joker
Ito yung type ng paasa o di kaya pa-fall na dinadaan sa joke. Yung tipong akala mo totoo tapos biglang babanatan ka ng joke lang, biro lang. Ganon. Kaya may nabibiktima tuloy at may umaasa sa wala. Minsan ikaw pa ang may kasalanan kasi umasa ka sa joke niya. Ayan, nasaktan ka tuloy.
Sunod naman ay,
MIA (missing in action)
Ito yung na-encounter ko kani-kanina lang. Mas masakit naman ito kumpara sa Joke. Kasi dito, parang binigyan ka na ng assurance na liligawan ka pero yun pala, study first daw muna. Edi wow! Busy ka pala. Nanligaw ka pa kung bigla ka na lang mawawala nang parang bula. In short, iniwan ka sa ere. Pinaasa ka lang. Kung hindi kasi kayang i-balance ang relationship at study dapat hindi ka na nanligaw. Diba?
Text
Well, ito masasabi kong pinaka-common na ginagawa ng mga pa-fall. Ang lakas bumanat sa text pero kapag in person na ang pinag-uusapan, akala mo multo ka kung hindi pansinin. Yung tipong matatangay ka na sa sobrang pagpapakilig niya sa iyo pero sa text niya lang naman kayang sabihin. Kasi nga pa-fall.
Friendzoned
Isa rin ito sa mas masakit. Para sa akin lang naman, ha. Minsan kasi mas nadadama natin ang gestures kaysa sa words, hindi ba? Yung ang sweet ni friend sa 'yo with matching alalay pa kapag uupo ka lang. Laging nag-aalala sa 'yo at tatanungin ka pa kung kumain na. Yung mga ganoon. Pero guguho ang lahat ng sweet na ginagawa niya sa 'yo dahil malalaman mong kaibigan ka lang daw niya at take note, hanggang doon lang iyon. Kung hindi man kaibigan minsan naman na-sisterzoned. Saklap di ba?
One call away
Medyo bago lang 'to sa akin pero isasama ko na rin sa list. Ipinangalan ko talaga sa sikat na kanta ngayon. (Dapat nga pang friend zone 'to pero mas babagay 'to kung nakaseparate sila. Hahaha.) Ito yung type nang paasa na, kilala ka lang kapag may kailangan. Ewan ko ba't iyan yung ni-title ko dyan. Eh kasi naman, dumarating ka din kapag nanghihingi siya ng favor or tulong di ba? Kaya may similarity din. Lol. Masaklap din 'to kasi tine-take for granted ka lang. Yung nakakaranas ng ganito, alam ng crush nila na crush niyo siya kaya ang lakas ng loob na humingi ng tulong. Tsk. Ikaw naman si tanga, tutulong naman.
Bahala na si Tadhana
Ito, alam din ni Crush na may gusto ka sa kanya pero.. hindi mo alam kung may gusto rin ba siya sa iyo kasi nagpapahiwatig naman siya. Ang pamatay na line ng mga nabibilang dito ay, "Hindi natin alam ang mangyayari sa future." ; "Malay mo, tayo rin in the end." At kung ano pang ka-anek-anekan, ka landian iyon. Basta madami, na mahuhulog ka na lang sa bitag nila. Ikaw naman, maghihintay kahit alam mong walang assurance. Sige, Para kang Globe Sakto.. go ka lang ng go. Hanggang sa mapanis na ang paghihintay mo, habang siya nakahanap na pala ng iba at magugulat ka na lang. Edi sa huli ikaw pa ang naging nga nga. Kaloka.
Ayan ang anim na tipo ng mga paasa o pa-fall. Kung nabibilang ka sa isa sa mga iyan. Well, dumiretso ka na sa susunod na pahina. Napapagod na akong kumuda. Kanina ko pa buhat tong RC! Nagugutom na ako! Goodluck na lang at sana may makuha kang aral.
Eh yun eh kung may makuha ka. MWAHAHAHAHA.
PS: Tama na ang pagiging tanga, di ka pa ba nagsasawa sa lasa?
PPS: Kung hindi pa, huwag ka ng tumuloy bwisit ka!
BINABASA MO ANG
Mga Paasa At Pa-fall
RandomAng lahat ng mababasa ninyo ay galing lamang sa aking isipan. Walang sinuman ang tumulong o nagbigay ng tips sa akin para magawa ko ito. Kaya kung maaari kapag may kokopyahin kayo, paki tag ako dito sa watty or i-mention niyo po ako sa twitter. Ito...