The Joker Type
Anong oras na ba? Hala 6pm na pala! Patay na naman ako nito kay Loraine. Bubungangaan na naman ako ng impakta na iyon. Kasi naman, natulog pa ako ng hapon. Tsk.
Speaking of, tumatawag na ang reyna ng mga impakta.
Loraine Calling..
Siyempre sinagot ko na agad. Baka magtransform na talaga tong babae na 'to.
"He--"
"CHERRY! ANO? VIP KA?!" halos ihagis ko na yung cellphone ko palayo sa akin dahil sa sigaw niya.
Binalik ko rin sa tainga ko yung cellphone kahit medyo nabingi ako sa pagsigaw niya sa akin. "Hindi uso ang hello sa iyo, noh, ateng?" I said, full of sarcasm.
"Hindi ako tumawag para pagsabihan mo! Anong oras na?! 7pm ang start ng party tapos wala ka pa rito?!" Nakalunok yata ng mikropono 'tong babaeng 'to. Dinaig pa ang nanay ko sa pagtalak.
Napairap ako kahit alam kong hindi naman niya iyon makikita, "Huwag mo kong maikut-ikutan ng mata dyan, ha! Alam ko na bawat kilos mo!" Mali pala ako. Alam pala niya.
Malapit ko ng isipin na nagpalagay siya ng CCTV dito sa loob ng kwarto ko. Tss.
"Oo na! Ito na nga, oh! Magbibihis na ako." Asar na sambit ko habang padabog akong bumabangon sa kama ko. "Kung binababa mo na kaya, noh? Para makapagbihis na ako. Di ba?" Sabi ko sabay hawi ko sa buhok ko dahil natatabunan na yung pagmumukha ko.
Mabuti na lang at naligo na ako kanina. Magpapalit na lang ako ng damit at mag-aayos.
Naririnig ko nang may maingay na music na tumutugtog sa background ni Loraine, kaya matagal bago siya sumagot. "Siguraduhin mo lang, ha. Bilisan mo na. Nandito na sila Maxwell. Bye!"
Binaba niya na bago pa ako makasagot. May itatanong pa sana ako, e! Ang galing talagang t-um-iming ni Loraine. Hays. Naiwan tuloy akong tulala at nakatingin sa hawak kong cellphone. Maya-maya rin napagdesisyunan ko ng magbihis bago pa ulit tumawag ang reyna ng mga impakta. Kailangan maayos ako, dahil nandoon si Crush. Hihihi.
Sakto lang ang dating ko dahil magsisimula pa lang ang party. Well, hindi ako na-late. Mukhang marami na rin ang tao. Sa parking palang, puno na. Malamang sa loob din. Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba.
Nag-enhale, exhale muna ako at nagretouch ng konti bago ako tuluyang pumasok sa loob. Sinalubong ako ng mausok at maingay na paligid.
May ilang nakakakilala sa akin kaya naman bawat lakad ko may bumabati at kumakaway sa akin. Siyempre kinakawayan at binabati ko rin sila pabalik.
Sa isang bar ginanap ang kaarawan ng isa sa mga tropa namin ni Loraine. Si Clarence. Tutal, okay na rin dahil sila naman ang nagmamay-ari ng bar na ito kaya walang problema.
Saka nasa legal age na rin naman kaming lahat para magpunta sa mga ganitong lugar. Cool? I know.
Nagliwanag ang mata ko ng matanaw ko agad ang matangkad at matipunong pangangatawan ni Maxwell. Mabuti na lang talaga at matangkad siya. Hindi ako nahirapan sa paghahanap.
"Hey, guys!" Bati ko.
"Uy, Cherry. Sumakto ka, ah!" Kinilig naman ako dahil siya ang unang nakapuna sa akin.
O to the M to the G!
"Malamang tinawagan siguro siya ni Loraine. Takot niya lang sa dragona na yun kapag na-late siya." Natatawang sabi ni VJ kaya nagtawanan din ang iba pa naming kasama. Inirapan ko lang siya.
BINABASA MO ANG
Mga Paasa At Pa-fall
De TodoAng lahat ng mababasa ninyo ay galing lamang sa aking isipan. Walang sinuman ang tumulong o nagbigay ng tips sa akin para magawa ko ito. Kaya kung maaari kapag may kokopyahin kayo, paki tag ako dito sa watty or i-mention niyo po ako sa twitter. Ito...