MPAPF: MIA

6 0 0
                                        

The MIA


"Kyaaaaaaaah!!!" tili ko sabay hampas ng unan na yakap yakap ko sa sofang inuupuan ko.


"Huy!! Maria, pwede bang pakihinaan yang bunganga mo? Nanonood ako!" hiyaw sa 'kin ni Loraine.


I rolled my eyes at her. "Ang KJ mo talaga, couz. Kinilig lang naman ako, eh. Psh!"


She shook her head while still looking at the T.V infront of us. "Konting sweet words lang kinilig ka na agad. Si Harry na naman ba yang katext mo?" tanong niya.


"Oo."


Huminga siya ng malalim at saka tumayo sa pagkakaupo sa maliit na sofa at lumapit sa tabi ko. "Oh, anong kalandian na naman ang sinabi niya sa 'yo?"


Sinimangutan ko siya, "Grabe, kalandian talaga?"


Tinapat ko ulit sa akin ang ibinaba kong cellphone at saka ipinakita sa kaniya ang kinakikiligan ko.


"Seryoso? Dahil lang dito?"


Napatingin ako sa kaniya ng nakakunot ang aking kilay. Nagtataka sa kung paano siya magsalita na parang hindi big deal iyong nabasa niya.


Inilayo ko sa kaniya ang phone ko at sa akin na itinapat. "Seryoso ka din? Parang hindi big deal ito, ha?" I said, mimicking her voice.


Tiningnan ko siya, "Couz, manliligaw na siya sa akin. At big deal yun!" sabi ko pa sabay tili na nagpatakip sa dalawa niyang tainga.


"MARIAAA! Tigilan mo nga yang pagtili mo! Naririndi ako!" sigaw niya sa akin. Inirapan niya pa ako bago siya umalis sa tabi ko at bumalik sa kinauupuan niya.


Muntikan ko na rin siyang pag-ikutan ng mata dahil sa kaartehan niya. Kahit kailan talaga masiyadong mainitin ang ulo ng babaeng 'to. I wonder kung nagkajowa na ba siya? Siguro wala pa. Nako, hindi ko ma-imagine ang mangyayari sa magiging boyfriend niya kung sakali. Baka ma-under lang sa kaniya.


*Beep*


I looked at my phone ng marinig ko itong tumunog, hudyat na may nagtext. Dali-dali ko itong tiningnan at in-unlock tapos ay binuksan agad ang message na galing kay Harry.


From: Harry Loves

Hindi ako nanghihingi ng permiso sa iyo, dahil gagawin ko talaga 'yun kahit pumayag ka man o hindi. Sinabi ko lang sa yo para malaman mo.


Pakiramdam ko napunta lahat ng dugo ko sa pagmumukha ko. Oh, shet! He will going to do it even if I'm gonna disagree. But, hep, hindi naman talaga ako mag di-disagree, noh! Papaka-choosy pa ba ako?


"You will going to let him?"


Napalingon ako bigla nung magsalita si Loraine. Ilang minuto rin kaming natahimik dahil naging busy na rin siya sa panonood ng T.V habang ako ay busy na sa phone. I furrowed my brows, "Huh?"


Sino ba kausap niya?


She heaved a sigh tapos ay tumingin sa akin, inaalis ang tingin sa telebisyon, "Papayagan mo ba siya?" tanong niya ulit. Now, referring to me.


Napalunok ako sa naging tanong niya.


I know Loraine very well. She is the kind of cousin-slash-bestfriend na over protective, lalo na sa akin. Alam kong hindi siya papayag sa magiging desisyon ko. Lalo pa't alam niyang isang buwan pa lamang kaming nagkakilala ni Harry. Kaya tingin ko ay hindi pa niya kuha ang loob ng isang iyon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Paasa At Pa-fallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon