1%

9 3 0
                                    

"Max is a disinfectant toilet bowl cleanser formulated for MAXimum cleaning. Now with Killer Cleanser! Kills 99.9% of germs! Try now!"

"Ano na? Ito na po ba ang bibilhin ko?"

Nilayo nya ng konti sa tenga ang cellphone. Malamang sa malamang ay masisigawan na naman ito sa kalokohang ginawa.

"Ikaw talagang bata ka! Pwede naman na itanong lang diba? Ha, Canna? Hindi yung ipaparinig mo sakin ang buong commercial ng toilet bowl cleanser na 'yan! Sinasayang mo ang oras ko!"

"Sorry po, Tita" She mumbled over the phone. Of course she wasn't sincere. Naiinis kasi siya rito matapos siyang gisingin upang bumili lang toilet bowl cleanser.

Patuloy pa rin ang pagsermon sa kanya ng tiyahin minabuti niyang putulin ang tawag. "Tita, malolowbat na po ako. Pauwi na rin naman ako."

Hindi niya naman gustong bwisitin ang Tita niya. Or maybe she does. Sadyang di nya lang talaga maintindihan kung bakit siya nito ginising para bumili lang ng toilet bowl cleanser habang gising rin naman ang mga pinsan nya. Umalis rin siyang hindi nakakakain kaya ngayon ay sobra siyang gutom.

Alam nyang alam rin ng tita nya na madaling araw na syang umuwi mula sa duty sa ospital dahil ito mismo ang nagbukas ng pintuan ng umuwi sya. She just can't understand why.

Agad syang pumila para mabayaran ang isang litrong Max Toilet bowl cleanser na binili nya para makauwi at maipagpatuloy ang tulog.

Napatawa siya ng maalala ang kalokohang ginawa. Binasa niya ang deskripsyon na nakalagay sa bote nito. Ito rin mismo ang mga nabanggit sa jingle nito sa isang minutong commercial na pinarinig kanina sa tiya.

Matapos magbayad ay pumunta na siya sa pinakamalapit na kanto para magbantay ng jeep. Gusto man nyang mag taxi, nasasayangan pa rin siya sa perang maiipon nya kesa ibayad sa taxi.

Pahirapan ang pagsakay sa jeep. Iilan lang kasi ang may ruta papunta sa kanila kaya dagdag pahirap. Parati siyang nauunahan. Halos kalahating oras siyang naghintay ng sa wakas ay may dumaan na papunta sa kanila. Isa na lang raw ang pwede kaya sinunggaban niya na.

Nagmadali siyang tinakbo ang jeep para di maunahan. Kumalma na siya ng maka apak na sya sa akyatan nito. Pero napatigil ng may biglang humila sa kanya palayo sa jeep dahilan para magka gitgitan sila ng kung sino man ito.

Tangna. Nilingon niya ang naka gitgitan. Wow. So much for being a gentleman. Dala na rin siguro ng sobrang antok at gutom ay sobra siyang nainis rito.Hindi siya nagpatalo at siniko ito. Dahilan para mabitawan ang mga hawak nitong dokumento.

"Fuck! Can't you see me?!" Sigaw nito sa kanya habang pinupulot ang mga papel na nahulog mula sa hawak nitong folder. Dala na siguro ng gulat sa pagmura ng lalaki sa kanya ay tiningnan niya lang ito.

Niko Levi S. Beltran. Nakita niya mula sa isa mga nahulog nitong dokumento. Maybe its his resume. Naka white polo at itim na slacks ang lalaki kaya sa tingin niya ay mag aapply ito ng trabaho. Medyo nakonsensya siya sa ginawa niya rito. Ngunit nangingibabaw pa rin ang inis nya rito.

"Sasakay ba o hindi?" Nagising ang diwa nya pagkarinig sa boses ng driver. She hurriedly went in sa takot na maagawan uli. Pagka upo ay tinapunan niya ng tingin ang lalaki na naglalagay na ng mga papel sa folder nito.

-----


Ilang oras na ring pagulong gulong sa kama si Canna. Papalit palit na rin siya ng posisyon. Kahit anong gawin niya ay di pa rin siya makatulog.

Alas siete pa lang ay nagdesisyon na siyang matulog. Ngayon ay halos maghahating gabi na. Maaga pa naman ang duty niya sa ospital.

"Palamunin ka lang rito, tandaan mo! Huwag mong kakalimutang ako ang nagpa aral at nagpalaki sa'yo Canna. Naging nars ka lang, akala mo kung sino ka na! Ang damot!"

Iniling iling niya ang ulo para makalimutan ang mga sumbat sa kanya ng tiya. Nagalit ito sa kanya ng nalaman nitong di niya pinahiram ng pera. Ipamumuhunan raw nito sa manok pang sabong.

Nasaktan siya sa mga sinabi nito kaya napagdesisyunan niyang matulog ng maaga kahit di pa nakakakain ng hapunan na siya pa naman ang nagluto.

"Palamunin? Ako na nga ang bumibili ng bigas at ulam para sa araw araw. " Yun ang gusto niyang isagot rito ngunit mas minabuti niyang manahimik para di na lumala ang problema.

Alam niyang di siya dapat masaktan sa mga sinabi ng tiyahin dahil di naman ito totoo. Di naman kasi ito ang nagpa-aral sa kanya. Siya mismo ang nagpa aral sa sarili niya.

Ang perang ginamit niya sa kolehiyo ay mula sa pera ng mga magulang na iniwan sa kanya bago ito namatay. Nagtrabaho rin siya part time sa isang fast food chain at student assistant sa university library nila. Sa awa ng Diyos ay nakapagtapos siya ng pag aaral.

Hindi niya naman sadyang magdamot sa tiyahin. Kung pagdadamot man ang tawag dun. Nag iipon siya at di naman sa makabuluhang bagay igagastos ang pera niya.

Inayos niyang muli ang pagkakahiga at ipinikit ang mga mata. Alam niyang walang maitutulong ang pagpupuyat para lang alalahanin ang mga sumbat ng tiyahin.



99.9%Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon