Kung tatanungin niyo ako tungkol sa 7 pack abs niya wala akong pake...7? Teka 7 ba yun? Mali ata ako ng bilang eh...
Bakit ko ba iniisip yung abs ng napakasungit na lalakeng yon?eh hindi man lang nagsorry tapos pinaalis ako at sinabing kainin ko yung natapon sa lapag...
Ansama niya lang po kase itong napakaganda kong mukha gagawin niyang patay gutom ang magandang katulad ko..tsk
Ibinababa ko na lang yung tray,pagkatapos ko kase isara yung pinto at malaglag yung mga pagkain sa lapag pinaalis ako nung masungit.
Siguro ang pagkain nun sagana sa yelo...dahil sobrang lamig niya.
Inilapag ko sa lamesa yung tray dahil hindi ko naman alam kung saan dapat ilapag.
"Naku!Chocolate anong nangyari sayo?"
Napatingin tuloy ako sa likod ko kung sino yung tinatawag ni manang na chocolate ang kaso wala naman akong nakikita? Hindi kaya may special powers si Manang Edita at kaya niyang makipag usap sa multo?
Nakakatakot naman...
"Hindi ba ikaw si Chocolate?"
Ako?Chocolate?San banda?maitim ba ako?
"Manang,Hershey po ang pangalan ko, Hershey Margarita Pillado ang full name ko po."
Sagot ko kay manang na nagkakamot na ngayon ng ulo.Mahirap ba tandaan ang Hershey?Madali lang naman eh.
"Hetchie ano bang nangyari sayo?"
Hetchie?putek saan naman galing yun?
"Manang Her-----"
"Clean"
May biglang nagsalita sa likod ko at ewan ko pero tinaasan ako ng balahibo. Multo ba yung nagsalita?waaaahhhh?
Napalingon ako sa likod at nakita ko si Master Cold na naka-frown at naka-crossed arms.
Sabi ko na eh! MULTO!...MULTO NG MGA YELO!!
"A...aa..ano?"
Nauutal kong tanong sa kanya at tinalikuran ako.
Yung totoo limited ba yung pagsasalita niya?na kapag magsasalita siya may malalagas na dahon sa puno tapos yung punong yun parang ikaw?
Napanood ko na ata yun ah?
Yaan mo na nga.
Itatanong ko sana kung saan pinaglihi yung lalakeng yun at nang sisihin ko kung bakit doon siya pinaglihi...
Tsk...
"Herchie sundan mo ako at ituturo ko sayo ang magiging kwarto mo"
Sabi ni manang edita na iba na naman ang tawag sa akin.
Sinundan ko na lang siya at iginala ang mga mata ko sa malaking bahay na to.
Madami ngang paintings eh puro kamukha ni monalisa na walang kilay.
Ang kaso wala akong makitang picture dito.
Bitter talaga yung lalakeng yun,siguro may dahilan kung bakit ganoon yun,yun kase mga nababasa ko sa wattpad eh... Alam mo na tapos poreber daw kami dito sa story na to hihihi
Napansin ko ang isang family picture. Shunga!!! Ano yan?? Relative picture?
Andito si Yelo...
"Sila ang Clave Family, matagal ng patay ang mama't papa ni Chester, ang ate ni Chester na si Annie ay namatay sa car accident naiwan sa kanya ang pamangkin nito na si Iñigo"
Kwento ni Manang edita
Alam ni manang yung history ni Yelo... Updated si manang.
"Matagal na po ba kayo dito? "
Tanong ko kay Manang Edita
Kaya lang hindi na to nakasagot dahil nakita naming pababa si yelo ng hagdan.
"Nay,Iñigo is hungry"
Sabi ni yelo.Pa english english pa.. Daming alam neto oh.
Sinamahan ko muna si manang Edita sa kusina para ipaghanda si baby Iñigo ng food niya.
Toasted bread at kape lang naman ang inihanda namin.
Charot!
Gatas, oatmeal at bread with matching hotdog.
Umakyat na ako sa taas at kumatok sa pintuan ni Iñigo
"Just open the door"
Sabi ni Yelo na nasa likod ko na pala, dahil masunurin ako, sinunod ko nalang siya.
"Hi, Iñigo, I'm Ate Hershey, nice meeting you po "
Ngumiti naman siya sa akin
Sabi ko na nga ba gusto ako nang mga bata eh.
Hinawakan niya yung mukha ko, kaya bumababa ako ng bahagya...
Sinakmal niya yung buhok ko at nilagyan ng glue...
ARGHHH!!!
bwisit na batang to! May pagka demonyo... Huhuhu
My beautiful hair.
Hindi man lang ako tinulungan ni yelo. Nakakainis naman oh!
Pagkatapos kong maligo, tinigna ko yung closet...
At puro damit pang katulong..
Teka?
Ibig sabihin...
KATULONG AKO DITO??!!
---------------
BINABASA MO ANG
Maid for you
Dla nastolatkówisang babaeng dapat ipakasal sa isang old man rich kaso naghanap siya ng paraan para hindi ito matuloy at nakilala niya ang isang lalakeng magpapabago sa buhay niya or should I say manggugulo sa buhay ni Hershey.