TWO: Cool and Fair.

185 14 7
                                    

Panuorin/pakinggan nyo po yung Your Love cover ni Ruth Anna , ang ganda ng boses niya. ☺

#Tingin ko nagamit ko na yung mister-misis chenaness na yun sa Tmh ata.

**

ANIECA YBAÑEZ

Napangiti ako nang makita ko yung kaunting liwanag ng araw na sumisilip sa loob ng kwarto. Nag unat ako saka umupo sa kama. Pero ganun na lang ang paninigas ng buo kong katawan ng matanggal yung kumot mula sa dibdib ko papunta sa kandungan ko. Napakurap-kurap pa ko. Holy shit.

"Rui!" tili ko pero natigilan ako ng mapansin kong hindi ko pala kwarto itong kinaroroonan ko. Napatayo ako at hinanap yung mga damit ko pero di ko makita. Dont tell me pina-rape ako ng babaeng iyon!

I scan all the corner of this room pero di ko talaga mahanap yung mga damit ko. Napaupo ako sa couch nang maramdaman ko yung dumaang kirot sa ulo ko. Pinasadahan ko ng tingin yung katawan ko. Tanging bra at panty lang ang suot ko. Wala naman akong nararamdaman na kakaiba kundi yung paminsan-minsang kirot sa ulo ko. Sumandal ako sa couch saka pumikit pero bigla akong napatayo at nataranta ng marinig ko yung pag bukas ng pinto. Holy shit napapadalas na pagmumura ko ha.

Agad akong nagdive sa kama at gumulong ako para mabalutan ng kumot ang katawan ko.

"Good morning miss. Pinapabigay po ni young master." Isang babaeng nasa mid 30's ang pumasok sa kwarto. Lumapit siya sa kama at inilapag ang isang damit saka siya agad lumabas ng kwarto.

Ilang minuto kong tinitigan yung puting dress bago ako tumayo at pumunta sa bathroom upang maligo. Pagkatapos ay lumabas ako upang kunin yung dress sa kama pero laking gulat ko ng makita ang likod ng isang lalaki malapit sa bintana. Gusto ko mang umatras at pumasok ulit sa bathroom ay huli na dahil lumingon na siya sa direksyon ko. I compose myself when I saw his face. Shit bakit ba nandito ang kumag na to.

Umiwas siya ng tingin at humarap ulit sa bintana. Agad akong lumapit sa kama at kinuha ko yung dress na may kasama din palang underwears. Tumakbo ako papasok sa bathroom upang makapagbihis.

Nahigit ko yung hininga ko pagkasarado ko sa pinto, the moment I saw his face ay hindi na pala ako humihinga. Shemay!

Nang lumabas ako ay naabutan ko siyang nakaupo sa couch kaharap ang mga sari-saring pagkain sa mini table.

"Lets eat." ngiti niya but I have to refuse.

"Thanks but I have to go mister." pinilit kong wag maging awkward but holy cheese na malagkit ang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit basa pa yung buhok ko ay lumabas ako ng kwarto. Aish! Nakalimutan ko pa yung bag ko! Nakita ko yun sa couch kanina. Shomai na yan! Babalik na sana ako para kunin yung bag ko pero pagkalingon ko ay agad akong napaatras dahil nasa likuran ko na pala siya.

"Here." inabot niya yung bag ko. Hinigit ko iyon at tinalikuran siya. Feeling ko anytime bigla nalang tatalon yung puso ko palabas dahil sa sobrang bilis ng tibok nito kaya kailangan ko na talagang lumayo sa bwisit na lalaking to.

Medyo naligaw pa ko pero nahanap ko din naman yung main door, pagpihit ko sa seradura ay ayaw namang mabuksan. Ugh! Paano ba buksan to? Kung pwede lang sirain to kanina ko pa to sinipa pero hindi naman sakin ang bahay na to.

"You can't go unless you eat your breakfast misis." Aba'y gago to ah.

"Anong misis?!" Sinamaan ko siya ng tingin pero ang loko nakangiti parin. Naiinis ako. Bwisit!

"You call me mister a minute ago, so i think it's cool and fair when i call you misis."

"Pinagloloko mo ba ko?!" leche talaga, kulang nalang umusok yung ilong at tenga ko sa galit at inis sakanya. Unti-unting nawala yung ngiti niya sa labi, buti nalang nadadaan siya sa tingin at sigaw.

GOOD GIRLS ARE BADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon