Chapter 2

20 2 2
                                    


Friends

"Hi guys. This is our new classmate and my seatmate. She's Faith." Hindi naman siguro friendly tong si Lily dahil sa dami nyang kaibigan.

"Hi, I'm Sophia. Phia nalang for short" Muka naman siyang mabait, kikay nga lang. Pero okay na din.

"Jackson." He smiled.

"Ethan, Caden, Jacob." Sunod sunod nilang magpapakilala. Natutuwa naman ako at mababait sila.

"This are Audrey, Madison, Chloe, Scarlett, Liam, Lucas, and Chase." I smiled at them, then they smiled at me. But Chase got my attention because he didn't smiled, he doesn't look at me, as a sign that he's welcoming me as their new friends. I think Chase is a snobber guy.

"Welcome to our barkada, Faith" Audrey said.

I'm happy that on my first day I have a barkada na agad. Akala ko ay hindi mababait ang mga nandito pero buti nalang talaga.

"Tara na, Faith. Bili tayo don" yaya sakin ni Lily.

Bumili lang naman kami ng sandwich dahil di pa naman kami gutom masyado tska mineral water. Nagbell na hudyat ng tapos na ang aming recess.

"Tara na guys. Time na!" aya samin ni Audrey.

"Magkakaklase tayong lahat?" tanong ko kasi parang hindi ko sila nakita kanina sa room.

"Yes. Di mo kami napansin kanina ano." Phia's right. Di ko naman keri kung isa-isahin ko pa silang tingnan kanina.

Classroom

"Okay, guys please prepare yourselves later. Because we're going to covered court to fix some things for tomorrow. I'll give you 5 mins." Ay, grabiti naman si Miss Mia. Di ba sila masyado excited sa acquintance party? Lol.

By the way, okay na ako. Nagpolbo lang naman ako, buti nalang may nilagay dito si Mama sa bag.

"Tara na, Faith?" Aya sakin ni Lily. So yun, nagpunta na kami sa covered court.

Ang yaman lang ng school na to ha. Bawat poste kasi may electric fan. So, di na kami mahihirapan magpaypay.

"Okay class, please make 3 groups. First group will design the stage. Second group is assigned to fix the chairs. The last group will choose an emcee for event tomorrow, musics, and everything. Got it?"

"Yes, Miss" we said.

Habang ang lahat ng studyante mga namimili ng grupo. Ako eto, nananahimik sa isang tabi. Nag aantay ng grasya. Joke. Nag aantay na may magsabing--

"Faith, tara na. Dito ka na sa grupo namin." Sabi ni Jackson. Thank God!

So, kami ay naka-assign sa mamimili ng magiging emcee at sa mga kanta na ipapatugtog during party.

"Uhm, Chase!!" Sigaw ni Audrey kay Chase na nakasuksok na naman sa tenga niya ang kanyang mahiwagang earphone. Ewan ko ba kung bakit inis ako dito kahit wala naman dapat ikainis.

"Chase!!" Binato na ni Audrey si Chase ng ballpen kasi di ito natugon sa kanya.

"Ano ba?!" Pagalit na sabi ni Chase.

"Anong ano ba?! Ikaw ang napili namin na emcee para bukas!!" Inis na inis na tong si Audrey kay Chase.

"Bakit ako pa? Dami daming iba dyan na pwedeng gawing emcee!"

"Ikaw lang po kasi maganda ang boses ano po." Audrey.

"Okay. But, I need someone." Chase said. When Chase said that, he got our attention.

"Someone?" Audrey.

"Wow, pare. May pa someone someone ka pang nalalaman diyan ha." Sabi ni Liam na may pilyong ngiti.

"Tungaw! Ang gusto kong sabihin, kelangan ko ng makakasama bukas. Di naman ako papayag ng ako lang don!" Then walked out.

"Okay, so Scarlett will be his partner. Since Scarlett has a good voice." Ani Audrey. Si Audrey kasi naglilista sa papel kung ano ano na mga napag uusapan namin. Masipag na bata.

"Music na tayo. Una, sweet songs muna. Sunod rock orayt."

"I suggest, First dance." Sabi ko. Kasi yon talaga pinapangarap kong mapatugtog nung prom namin, kaso hindi pinatugtog.

"By Justin Bieber? Omg. Fan din ako nan shit. Apir!!" Sabi ni Lily. So may dahilan pala kung bakit ko to makakaclose. Aye.

"Yak, baklang bieber." Sabi ni Jacob.

"What the fuck did you say?" Sabay naming sabi ni Lily.

"Ah wala sabi ko gwapong bieber hehe" at nag peace sign.

"Okay na. Magaganda naman mga napili namin. So I think I need to give this to Miss." Salamat natapos din. Parang limang oras kami nakatunganga don kahit mga 30 mins lang naman.

"Tara kain muna tayo. May alam akong bukas na kainan dyan lang." Aya naman ni Madison samin.

"Sige kayo nalang. Di ako pwede e. Maybe next time?" Madami pa kasi akong gagawin sa bahay. Lol.

"Ay kj. Joke sige next time nalang." Kj na kung kj. Wala lang ako sa mood maggala. Pagod.

"Osge. Una na ako ha? Thank you! Bye." Sabi ko tska kinuha na yung bag sa classroom at umalis na dun.

Maglalakad nalang ako pauwi tutal walking distance lang nga naman diba. Masasabi ko lang sa first day of school ko dito sa Sta. Rosa ay sobrang pagod. Kahit na walang masyadong ginawa bakit feeling ko sobrang pagod ako? Siguro namimiss ko lang mga old frienny ko sa Rizal.

Pag uwi ko ng bahay, walang tao. Good thing I brought the duplicated key to our house. Saan naman kaya nag punta ang aking magaling na ina? Dumeretso nalang ako sa kwarto ko at naligong muli.

thank youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon