Chapter 6

9 1 1
                                    

Lets find out the truth

Pagkatapos namin kausapin si SPO1 Dalisay, nagpasya kaming pumunta sa bahay nila Chase. Sabi kasi nitong ni Lily, nasa bahay lang daw si Atty. Ansel kaya pumunta na kami don. 

"Lily, andyan ba si Chase?" Kinakabahan lang ako baka kasi makita ko si Chase, ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Pagkababa na pagkababa namin ng taxi, bumungad na agad sakin ang mala-palasyo na bahay nila Chase dahil sa sobrang laki, sobrang ganda, at sobrang linis. Sa tabi ay puro puno. Napakaginhawa lang tingnan. Paano pa kaya kung dyan ka na tumira diba.

"Huh, bakit si Chase ang hinahanap mo? Nandito tayo para kay Tito Ansel. Hindi para makita si Chase." Tingnan naman nya ako ng masama tapos pinagtawanan. Srsly, Lily? Ano bang nakakatawa?

"Bat ka naman dyan natawa?"

"Wag mo na itago, sis! Matagal na namin nahahalata nila Audrey na may gusto ka kay Chase." What? Pagkatapos nyang sabihin yon ay iniwan na nya ako don sa kinatatayuan ko tapos nagdoorbell. Really? Saan naman nila nahanap yon? Nakakasura!!

"Hoy! Wag ka na dyan mag-isip, Faith. Wag mo na din i-deny. Bagay naman kayo." Sabay kindat sakin. Duh, nakakainis. Sinamaaan ko nalang sya ng tingin, pagkatapos sumunod sa kanya.

"Nandyan ba si Tito Ansel?" Sabi nitong ni Lily.

"Oh, miss Lily. Ikaw pala. Ano ba kelangan niyo kay Sir?" Guard. Sosyal noh, may guard pa sila. Parang itong bakuran nila sa sobrang lawak, parang bahay na namin to e. Ang laki e. Tapos ang layo pa ng pinakabahay nila dito sa gate, dahil dadaan ka muna sa mga tanim nilang mga halaman bago makarating don. 

"Kakausapin lang namin about dun sa nangyare kay Mr. Richard Aguilar." Lily.

"Okay, saglit lang tawagan ko lang." Wow may paganon ganon pa. Hanep. Hindi baga't papasukin nalang kami e. Wala ba silang tiwala?  Kung sa bagay, once na ang tiwala ay nasira, hindi na kayang ibalik yon.

"Pwede na daw kayo pumasok. Kayo nalang magdrive nung golf cart dyan dahil mga busy ang mga tauhan dito." Sosyal talaga. Kelangan pang maggolf cart para lang makapunta sa pinakabahay nila. Nakakapagod ata yon kung maglalakad kami.

"Osge. Tara na, Faith!" Nauna pa sakin si Lily pumunta don sa cart kaya tumakbo nako don. Si Lily na daw ang magdradrive. Natural alangan naman ako e di nga ako marunong magdrive ng simpleng golf cart lang. 

"Wag kang mag-alala, wala don si crushy!" Sino namang crushy pinagsasasabi nito?

"Crushy?"

"Si Chase." Tapos tawa. Tae, bakit sila alam na crush ko yon e mismong ako sarili ko di ko alam na crush ko pala yon.

"Di ko cru----"

"Wag mo na i-deny halata naman girl." 

"Buti pa kayo alam nyong crush ko yon samantalang sarili ko di ko alam na crush ko pala yon." Sabay irap ko sa kanya nakakayamot!

"Girl, beshy, bitch, alam na namin. Halata. Di mo ba pansin na lagi kang nakatitig kay Chase this past few weeks. Tapos diba lagi ka nyang iniisnob dahil nga alam din nya na may crush ka sa kanya." What the.

"What the fuck, bitch? Bakit di ko alam na crush ko pala yon? Kayo pa nakakaalam. Nakakahiya!" Shit. Di ko crush yon, leche!

"Okay lang naman daw." Sabay kindat sakin. Nakakainis na to ha. Nakakalimutan ko problema ko kay Papa dahil dito kay Lily.

"Tska wala dyan si Chase dahil natugtog sila nila Jeydon sa bar." Nakahinga naman ako ng maluwag don.

"Natugtog sila?" 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

thank youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon