J A N U A R Y 1 5 2 0 1 7
------------------------ 🌸 -----------------------Hermione's Point Of View
"Oo naman, Mommy. Nakikinig ako sayo." Sagot ko sa tanong ni Mommy saakin. Ano kasi yung sinasabi niya?
"Oh sige, ano yung sinabi ko sayo?" Paghahamon niyang tanong saakin. Nako! Nauna pa kasi yang pagiging tsismosa mo Hermione. Aba, kung hindi ako nakitsismis sa pinag-uusapan nung dalawang pangit dun, edi hindi ko nalaman na niloloko pala ni Nikka si Lyles.
"Ano nga ulit yung sinasabi mo, 'mmy? Ituloy mo na." Sinamaan lang niya ako ng tingin kaya nginitian ko siya.
"As I was saying, okay naman daw pala ang performance niyo dito at mukhang nag-enjoy naman kayo.." Pagsisimula niya. Ahhh..
"Oo naman, 'mmy. Masaya naman pala maging waitress dito." Sagot ko. Nginitian ako ng nakakaloko ni Mommy. "Ano yang ngiting yan, Mommy? May binabalak ka ba ulit?" Tanong ko sa kanya.
"Tutal naman nag-enjoy kayo, what if magtrabaho na lang kayo dito par--"
"No way! Mommy naman, alam mo namang focus muna ako sa pag-aaral kaya hindi ako pwede magtrabaho dito." Tinawanan lang ako ni Mommy at nakitawa na rin yung manager dito.
Sige lang, tawa pa.
"Joke lang naman, nak. So, yeah, okay na ang lahat. Naayos ko na ang mga kailangan ayusin dito. So, tara na?" Yun lang ang ginawa ni Mommy dito tapos sinama-sama pa niya ako?
Ehh wala naman pala akong gagawin dito. Hayst!
Nagpaalam na si Mommy sa mga empleyado at nauna na maglakad saakin. Nakasunod lang naman ako sa kanya.
Nandito pa pala yung dalawang manloloko. Napalingon sila saakin kaya nginisian ko lang sila.
Sa kabilang banda, okay lang pala na sinama ako ni Mommy dito. At least may nalaman akong pinakakasekreto ng iba.
Wahahaha! *Flip hair* Ganda mo talaga, Hermione!
Hiro's Point Of View
Naiinis ako! Sobra!
Iwan ba naman ako ni Hermione dito? Pinapapalit ko lang naman yung suot niya dahil konting tungo lang niya ay makikitaan na siya dun sa suot niya.
Ang tigas talaga ng ulo!
Sa sobrang inis ko ay umuwi na lang ako at nagkulong sa kwarto ko. Hindi rin kasi pumayag si Nikka na pumunta ako sa kanila ngayon or kahit magkita lang kami.
Namimiss ko na nga siya.
Ilang minuto lang ang lumipas at narinig ko na ang sasakyan ni Mama kaya bumangon ako para sermunan si Hermione.
Bumaba ako ng hagdanan namin at nasa gate na ako nang may isang kotse pa ang paparating.
Sino kaya yun?
Hinintay ko munang makababa kung sinoman ang nakasakay sa kotseng iyon.
Napakunot ang noo ko nang makita ko si Marc.
Si Marc ang makulit na manliligaw ni Hermione. Aba! Pinagbawalan ko na yan noon. Tignan mo nga naman... Matigas talaga ang bungo!
Nakita ko namang sinalubong siya ni Hermione ng may malaking ngiti. Niyakap pa niya ito.
Teka nga...may hindi ba ako alam? Sinagot na ba ni Hermione ang gagong yun?
Nakakunot ang noo kong lumapit sa kanila.
"Oh Hiro, tumawag na ba sayo ang Mommy mo?" Tanong saakin ni Mama.
"Hindi po, Ma." Sagot ko saka bumaling nanaman dun sa dalawa.
BINABASA MO ANG
bestfriend // kn
FanfictionBakit kasi napakawrong timing ng tadhana, noh? Tapos ganyan pa pumana si Kupido! Papana na lang, lilihis pa dun sa taong hindi ka naman mamahalin. At ang mas nakakatawang part, sa best friend mo pa! Lintek na pag-ibig! ds: 12/25/16 de: 5/25/17