Panaginip...
Alam kong isa nanaman itong panaginip..
Katulad nuon, isang linggo na ang nakakalipas..
tama. Isang linggo na ang nakakalipas simula nung nangyari ang pag sabog sa bayan. isang linggo na rin ang nakakalipas ng mapunta ako sa kakaibang lugar sa aking panaginip...Paraiso..
Kung san nanaman ako naroroon, heto ako't nakatayo pinag mamasdan ang paligid. Wala paring pag babago isa pading maganda at paraiso sa paningin ko.. huminga ako ng malalim at ipinikit ang aking mga mata. Dinama ang malamig at preskong hangin na umiihip at dumadampi sa aking balat.Payapa.. nakakagaan sa pakiramdam..
Napangiti ako, isang pakiramdam na hindi ko naramdaman sa loob ng isang linggo, dulot na din ng mga pangyayari na paulit ulit na pumapasok sa utak ko, ang mga imahe na gusto kong burahin sa isipan ko. Napasimangot ako muling naalala ang mga nangyari na gustong ibaon ng aking isipan.
Napabuntong hininga ako. At idinilat ang aking mga mata.
Ngunit sa aking pag dilat ,isang tao ang nakatayo sa aking harapan,
Nagtataka sa aking nakikita.. nag tataka kung bakit siya naririto , alam kong isa lamang itong panaginip. Aking panaginip.
Pinag masdan ko syang mabuti. Nakatalikod sya kaya hindi ko makita ang kanyang muka. Nasalikod nya ako. Nasa tuktok kami ng isang bundok kung saan makikita mong mabuti ang buong lugar.Babae. Isang babae ang aking nasaharapan,nakasuot ng isang magarang kasuotan, may dilaw at medyo kulot na buhok na umaabot hanggang sa kanyang bewang at may kuronang maliit sa taas ng kanyang ulohan.
Tinitigan ko sya,halatang isang prinsesa ang nakatayo sa aking harapan. Napakunot ang aking nuo at napaisip. Kahit kailan ay wala pa akong nakikilala na isang prinsesa, ..
Humakbang ako upang lapitan sya, at itanong kung sino sya. Ngunit sa pangatlo kong hakbang patungo sa kanya ay bigla na lamang lumakas ang ihip ng hangin kaya napapikit ang aking mga mata. Nung naging malumanay na ang pag ihip ng hangin ay dumilat ako't tumingin sa kanya. Ngunit hindi ko inaasahan na sa pag dilat ko ay nakaharap na sya at makikita ko ang kanyang muka.
Napatitig ako sa kanyang muka, isang muka na napaka pamilyar sa aking mga mata, isang muka na araw araw kong nakikita. Pinagmasdan ko syang mabuti simula sa kanyang labi. Maganda ang pagkakahugis at mapula ang kanyang labi. Inangat ko ang aking paningin. Mula sa bibig hanggang sa ilong matangos at maganda ang hugis na tamang tama lamang sa hugis ng kanyang muka. Hanggang sa napunta ang paningin ko sa kanyang mga mata. Ang mga matang may kakaibang kulay, Pinag halong berde at asul. Mga matang lagi kong nakikita tuwing haharap ako sa harap ng salamin. Mga matang katulad ng sa akin..
Napaawang ang aking labi upang mag salita, ngunit walang lumalabas na kahit anu mang salita sa aking bibig.
Dug.dug.dug. sabi ng aking puso.. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko , na kulang na lamang ay lumabas ito..Naguguluhan.. hindi ko maiintindihan..
Napayuko ako at pumikit. Itinanong ang aking sarili. Paanong makikita ko ang aking sarili sa panaginip na ito. Iba ang pananamit at kasuotan. Masyadong magara, kakaiba.. hindi..! hindi ito totoo isa lamang itong panaginip, kagaya na lamang ng ibang panaginip. Isa lamang itong imahinasyong likha ng magulong isipan.
Napabuntong hininga ako at iniangat ang aking ulo, muling tinitigan ang taong nasa harap ko. Na kanina ay walang reaksyon na nakatingin sa akin, na ngayo'y nakangiti na tila ba may maganda at nakakamangha syang nakikita .Ningitian ko na lamang sya pabalik, at lumakad muli at tumabi sa kanya.Kakaiba.. kakaiba sa pakiramdam na ngitian at tabihan ang aking sarili,. Ang kakaibahan lamang ay magara ang kanyang kasuotan at ang akin naman ay pantulog lamang. Napatawa ako. Kung titignan ay muka akong isang basahan na katabi ng isang kumikinang na dyamante.
Napatingin ako sa kanya , nakakunot ang kanyang nuo, nag tatanong ang kanyang mga mata. Marahil ay nagtataka sya kung bakit ako tumawa. Ningitian ko na lamang sya at gayun din ang ginawa nya.
BINABASA MO ANG
*SIRI*(on-going Story)
FantasySa pag lipas ng panahon marami kang matutunan na mga bagay sa paligid mo sa sarili mo.. Marami kang masasaksihan sa bawat hakbang ng paa mo, maraming mag babago sa bawat bukas ng bibig mo at marami kang malalaman sa bawat pag dilat ng mata mo...