Pag kalipas ng ilang minutong paglalakad nakabalik na kami ni nay marisa sa tore, kung saan nag aantay si nay melya sa pinto . Balisa at di mapakali, halatang inaantay ang aming pag dating. Mukang alam nya na ang nangyari sa bayan . napapabuntong hininga na lamang ako sa tuwing naalala ko ang mga nangyari sa araw na ito.Ilang hakbang na lang ang at makakalapit na kami sa kanyang kinatatayuan, saka nya kami na pansin. Na pabuntong hininga sya habang nakatingin sa amin,halatang nawala ang kaba at bigat na kanyang nararamdaman . pag kalapit namin, ningitian nya ako at niyakap. ningitian ko din sya at niyakap pabalik.
Pag kapasok sa tore, nag paalam sa kanila na ako'y aakyat at papasok na sa aking silid upang makapag pahinga nang maaga.ipinaalam din na hindi na muling bababa pa at mag hahapunan. Tumango at ni ngitian na lamang nila ako .
Alam kong nababahala sila sa mga nangyari ngayong araw, gayun din ang pag aalala nila sa akin. Muli akong napabuntong hininga. Ang pag bubuntong hininga na lamang ata ang nakakatulong sa aking upang mabawasan ang bigat na aking nararamdaman.
Pag kapasok sa silid nag pahinga saglit at kumuha ng damit upang maligo at makapag pahinga. Pag katapos maligo tumungo ako sa aking aparador at kinuha ang kaisa isang bagay na nag bibigay lakas at pag asa sa akin , ang kaisa isang bagay na importante sa akin.
Isang kwintas.
Na simula bata pa lamang ako ay hawak ko na ito. Ibinigay daw sa akin ito ng aking ina't ama nung akoy sanggol pa. Yan ang sabi sa akin nila nay marisa at nay melya .
Mula nuon, nuong binigay nila sa akin ang kwintas na ito hindi na muli nila binuksan ang storyang iyon sa akin.
Tumahimik na lamang ako at hindi na nag tanong. Alam ko kasi na kahit anung gawin kong tanong sa kanila ay hindi nila ito sasagutin. Kaya hinayaan ko na lamang. Alam kong dadating din ang tamang araw na malalaman ko din ang kasagutan sa bawat katanungan ng aking isipan.
Naalala ko pa nuong araw na nahawakan at natanggap ko itong kwintas.
Ikasampo iyon ng aking kaarawan.
Nag lilibot ako sa loob ng tore upang mag hanap ng Gawain. Dahil tatlo lamang nga kaming nakatira sa tore. Bata pa lang ako ay itinuro na nila sa akin kung paano gumawa ng gawaing bahay.
Simula sa paglilinis ng mga silid,pag aayos ng mga gamit,sa pag aayos ng mga libro sasilid aklatan ,sa paghuhugas ng mga pinggan at sa pag luluto. Ako rin ang nag lalaba ng aking mga damit. Hindi ako nag rereklamo, sa katunayan nga'y gustong gusto ko ang paglilinis sa tore.
Habang nag lalakad at nag hahanap ng Gawain, nadaanan ko ang isang silid na kahit kailan ay hindi ko pa napapasukan. Ipinag babawal ako pumasok sa silid na ito. Hindi ko alam kung bakit at anung dahilan ngunit ibinilin sa akin na pasukin ko na lahat ng silid sa toreng ito huwag lamang ito. Sinusunod ko ang bawat bilin at sinasabi nila sa akin.
BINABASA MO ANG
*SIRI*(on-going Story)
FantasiSa pag lipas ng panahon marami kang matutunan na mga bagay sa paligid mo sa sarili mo.. Marami kang masasaksihan sa bawat hakbang ng paa mo, maraming mag babago sa bawat bukas ng bibig mo at marami kang malalaman sa bawat pag dilat ng mata mo...