---
*Prologue*
Urgh! He's getting into my nerves! Bakit ba kasi ako pumayag na tumira dito e?
Ang hirap pakisamahan ng lalaking 'to! Konti na lang talaga sasabog na'ko dito! Ginagawa ko naman lahat para maging mabait sa kanya! Pero sinusubukan niya talaga yung pasensiya ko.
Gusto ko na sanang umalis kaso nahihiya ako kila tita at tito. Malaki kasi ang utang na loob ko sa kanila kaya hindi muna ako pwedeng umalis.
Kailangan kong mag-stay sa bahay na'to kasama ang bwisit at mayabang na lalaking 'to.
Siya si Justin Luke Vaez. Sila ang pinaka-mayaman sa buong industry.
Sila ang nagmamay-ari ng limang billion ng hotels and resort sa bansa. Hindi lang dito. Pati na sa ibang bansa..
Ewan ko ba kung bakit naging anak nila tita Silvia at tito Jake itong lalaking 'to.
Napaka-bait naman nilang mag-asawa. Pero itong mismong anak nila. Sobrang as in sobrang sama ng ugali.
Kaya kung sino ang makakita o makakilala sa lalaking 'to. Huwag na huwag kayong lalapit or kahit kausapin lang man siya. Maniwala kayo sa'kin.
Hindi niyo gugustuhin na mabuhay pa. Promise. Cross my heart.
Nagtataka kayo kung bakit ako nag-titiis dito kasama 'tong lalaking 'to? Ganito kasi yan...
Simula ng mamatay ang magulang ko at ako na lang mag-isa. Kinupkop ako nila tita Silvia.
Kaibigan daw niya ang mama ko, at kumpare naman daw ni tito Jake ang papa ko.
Kaya eto ako ngayon. May utang na loob sa kanila. Sila din ang tumulong kila papa dati nung pabagsak na yung kompanya.
At dahil wala na ang mga magulang ko. Nai-salba nila tito ang kompanya namin. Hinihintay nila akong mag-eighteen pataas para ako na daw ang mag-manage nuon.
Hindi ko magawang mag-sumbong kila tita. Basta... nahihiya talaga ako e.
Sabi sa'kin nila tita, ituring ko daw na parang bahay 'to.
Pero syempre, kailangan ko rin mag-trabaho dito noh?
May kapatid si Justin. Kuya niya, si Jade. Buti pa nga si Jade mabait sa'kin. Hindi katulad nung lalaking yun. Kala mo kung sinong pogi ang pangit naman. Tsk.
Pagdating ko talaga ng eighteen pataas. Lilipat agad ako. Sa hotel, sa village. Kahit sa squatter area, okay lang... basta makalayo lang ako sa lalaking 'to!
Hayy...sobrang suffer ko dito sa bahay na'to. Grabe.
Sana naman maging eighteen na'ko. Please...
Ni hindi nga siya makangiti e. May smile ache ata 'tong pangit na'to e. Kung ngingiti man siya. Fake lang o kaya pilit. Yun lang. Hindi ko pa nga siya nakikitang ngumiti e.
At wala na akong balak makita noh? Baka mamaya bangungutin ako. Naiisip ko tuloy. Anak siya ni Satanas. Bakit pwede naman ah! Tsk.
By the way, im Allysa Mae Cortez, dati 'ring mayaman, pero nung namatay yung mga parents ko. Eto ang nangyari sa'kin!
Ang unfair ng buhay noh? Sabi daw nila. Lahat ng tao pantay-pantay. Sus! Ano 'to? Tsk.
All rights reserved.
Written by nenadevera0
Taglish version
BINABASA MO ANG
Stay in his house 1(The hell) Slow update
Novela JuvenilHot... Cute... Handsome... Quietly... Popular... Rude... Disrespectful... Boastful... Bossy... Crush ng bayan... Makakaya niyo kayang pakisamahan ang ganyang klase ng lalaki? Ano na lang kayang mangyayari sa'kin kapag nagkasama ko siya sa iisang bub...